Tag Archives: Filipino people


Miriam on Senate mental health, Revilla speech by Rappler

Her speech reveals just how serious our social and political problem is. She knows the remedy but the number of people who are not willing to change (or do the right thing) is just too great she is almost mistaken to be the country’s villain.

Just because she thinks differently doesn’t mean that she is abnormal as what many Filipinos claim with the term “baliw”. She’s just too intelligent for people to comprehend. I can’t blame her if she wanted to shoot the criminal corrupt politicians and then commit suicide because she couldn’t stand these incompetent circus performers in the government. She is hated by many because she speaks the truth – how greedy, mean, useless, stupid, evil they are and how we failed to choose good leaders because of our ignorance and willingness to accept the dark path to wealth and fame. Dear Filipino people, listen to what this woman is saying. She means well for our country when she speaks.

We should think that there is still hope for the country and we should be willing to try our best for the better, change our attitude toward each other. If we demand respect or ask for pity from other nations we should show them how we want them to see us.

Make your vote count

Before you complain about endless crimes, extrajudicial killings, poverty, lack of job opportunities, tax evasion issues, graft and corruption in the country, first ask yourself if you voted wisely. This coming 2013 Philippine Senate election, please do a simple research before choosing your candidates. Don’t just rely on their online and media advertisements but rather do a background check and review their track record not just as politicians but as individuals.

I’m so sick of unresolved social, political, and economic issues that the Philippines are facing but I still have high hopes that our country will become better if and only if we change our negative attitudes of “pakikisama”, “pasintabi”, “utang na loob“, “bahala na”, “palakasan dahil sa koneksiyon” (kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kaklase, kompadre/komadre), “paglagay” (bribery). We need to move on from our negative attitude to gratitude, live a proud life with dignity, integrity, honesty, morality, hard-work, empathy, and respect toward others and all creations in oneness with the divine Source so that we will learn to live our life with contentment rather than viewing it as survival of the fittest for the rest of our life.

I hope that this article (link below) would give you insights on “How to Make Your Vote Count in the Coming 2013 Philippine General Elections.”



I hope that the video on this post won’t be considered as cybercrime. I do not intend to debase the reputation of the current president but rather to present a giant truth showing how he makes use of his time during working/important hours as a “public servant”.

Some Games of Filipino Children


This is a game used by older persons to amuse small children, exactly as our game of the “Five Little Pigs.”

The child is grasped by the wrist with the left hand of the elder, who repeats “Ang áma, ang ína, ang káka, ang áli, ang nóno, tóloy, os-os sa kíli-kíli mo.” That is, “The father (thumb), the mother (forefinger), the elder brother (middle finger), the elder sister (ring finger), the grandparent (little finger) straight up to your armpit.” The armpit is then tickled. Os-os is a verb meaning “to go up stream.” This is a common game among the Tagalogs of Mindoro Island.


The game of marbles is played with conical shells, propelled by laying on the ground and striking with the ulnar side of the index finger, which is snapped from the thumb against it. The goal is a hole in the ground, in which the stakes, usually consisting of other shells of the same kind, are deposited. The “taw” is a straight line some six or eight feet away. If a shell is struck, the owner of the striking shell has another shot, and the owner of the shell struck shoots from where he lies. He seems to incur no penalty.

This is a common game on Mindoro, and is played usually at the beginning of the dry season.


Translated, the name means, “Play at hiding.” It is played exactly as “I spy” and the counting out beforehand is similar. There is a considerable number of counting-out rhymes to be heard, only one of which I am able to give entire. It is in Filipino Spanish. “Pim, pim, serapim, agua, ronda, San Miguel, arcángel.”

In English, “Phim, phim, seraphim, water, the night patrol,
St. Michael, the archangel.”


This game is played by marking out in the dust or sand a parallelogram, which is subdivided into a varying number of compartments. A small stone is put into the first subdivision, and the player, standing on one foot, kicks it into each in turn. If it goes out of bounds he is allowed to kick it back, so long as the other foot does not reach the ground. A failure to complete the circuit entails a loss of turn, and on the next round the player begins again at the first compartment.


Is played with pebbles or shells. I am unable to give the special movements, which resemble very much our own game. I suspect that it is of Spanish origin.

Kartilyang Makabayan, by Hermenegildo Cruz

Title: Kartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot Ukol Kay Andrés Bonifacio at sa KKK
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber’s note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang “ng, mga,” at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]








na nagturo at nagakay sa Bayang Pilipino sa Paghihimagsik laban sa kapangyarihang dayo



(Ikalawang Tagapamatnugot n~g Kawanihan n~g Paggawa)



Ang unang pagpapalimbag n~ga KARTILYANG MAKABAYANG itó, sa kapahintulutan n~g sumulat, ay ipinagawa n~g “Lupong Tagaganap” n~g ARAW NI BONIFACIO, 1922, upang ang salaping mapagbibilhan ay igugol sa bantayog (monumento) na itatayo sa pook na pinan~ganakan kay Andrés Bonifacio. Ang bilang n~g saling ipinalimbag ay 5,000 at ang salaping kailan~gang likumin ukol sa nasabing pakay ay humigit kumulang sa P1,500.00.

Maynila, 16 n~g Nobyembre, 1922.





136 Tayuman, Tondo

409 Calle Telio, Tondo

1099 Antonio Rivera

55 El Dorado, Quiapo

127 Palomar, Tondo

2446 Oroquieta, Sta. Cruz

432 San Anton, Sampaloc

Ang kartilyang ito’y matatagpuan sa m~ga tindahan n~g aklat at sa bahay n~g m~ga kagawad n~g lupong inilathala. Kung pakiyawan ay maaaring tumun~go sa bahay ni G. Guillermo Masangkay, daang Alvarado, blg. 535, Maynila. Maybawas ang halagá kung pakiyawan. Ang m~ga taga lalawigan ay maaaring humin~gi na kasama ang halagá.




I. Kung sino si Andrés Bonifacio

II. Ang samahang nagturo at nagakay sa bayan sa paghihimagsik

III. Ang palatuntunan n~g “Katipunan”

IV. M~ga aral n~g “Katipunan”

V. Ang pagpapalaganap n~g “Katipunan”

VI. M~ga paraang ginagawa sa pagsapi sa “Katipunan”

VII. Ang mahigpit na pakikibaka n~g “Katipunan” sa kanyang kabuhayan

VIII. Ang “Katipunan” at ang bayang maralita

IX. Ang “Katipunan” at ang paguusig sa m~ga “mason”

X. Ang Paghihimagsik

XI. Tagumpay at Pahimakas

Dekálogo ni Bonifacio

M~ga talang matatagpuan sa aklat na itó


Inaalay sa m~ga bata’t kabinataang nagsisipagaral.

H. Cruz Nob, 1922.


Isang araw, bago sumapit ang ika 30 n~g Nobyembre n~g taong 1921, na ginawang araw na pan~gilin mula noon n~g ating m~ga Kinatawang tagapagbatás, lumapit sa akin ang m~ga anak kong nagsisipagaral sa m~ga paaralang-bayan at ibinalita ang ganito: “Bukas—anilá—wala kaming pasok. Pistá daw, tatay, ni Bonifacio.” At saká pamanghang itinanóng sa akin: “¿Sino ba iyang si Bonifacio?”

Wari ako’y natubigan….

N~guni’t hindi dapat pagtakhan ang pagkamanghang yaón n~g m~ga bata, sapagka’t sa ating m~ga paaralang-bayan, ang kabuhayan ni Andrés Bonifacio at ang kasaysayan n~g “Katipunan” ay itinuturo n~g pahalaw lamang sa m~ga nagsisipagaral na n~g “septimo grado,” na hindi ipinakikilala ang buong kasaysayan n~g “Katipunan” at gayon din ang kanyang makabayang palatuntunan at matataas na aral na ipinunla sa bayan, na siyang nagturo’t nagakay sa m~ga pilipino sa pagguhó n~g kalupitan at pangbubusabos at nagtanim sa ating m~ga puso n~g manin~gas na damdamin n~g Kalayaan at Kasarinlan.

Sa maiikling pan~gun~gusap, ay aking ipinatanto sa m~ga anak ko ang buong kabuhayan ni Andrés Bonifacio at ang sanhi’t katwiran kung bakit siya’y ibinubunyi n~g ating lahi’t Pamahalaan. Akin ding ipinakilala sa kanila ang m~ga aral n~g “Katipunan”; at isinaysay ang kapakinaban~gang natamó n~g Bayang Pilipino sa paghihimagsik na pinamatnugutan n~g kapisanang yaong itinatag at pinan~guluhan ni Andrés Bonifacio.

¿Di kayâ isang pan~gan~gailan~gan na ang m~ga isinaysay kong yaon sa aking m~ga anak ukol sa dakila’t maningning na kasaysayan n~g ating lahi, ay maipakilala rin naman sa madlang nagsisipagaral sa ating m~ga paaralan?

Itó lamang ang tan~gi kong han~gad sa pagsulat n~g munting aklat na ito.


Tundo, Maynila
Nobyembre, 1922



1.—Sino si Andrés Bonifacio?—Siya’y isáng tunay na pilipino na ipinan~ganak noong ika 30 n~g Nobiyembre n~g 1863 sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa harap n~g himpilan n~gayón n~g pero-karil sa daang Azcárraga, Tundó, Maynila. Ang kanyang amá’y nagn~gan~galang Santiago Bonifacio na ang hanap-buhay ay sastré at ang kanyang ina nama’y Catalina de Castro. M~ga taal na taga Maynilà.

2.—Nagkaroon ba siya n~g m~ga Kapatid?—Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang dalawang una at itong huli’y patay na at ang babai ay buhay pa. Ang babaeng ito ay siyang naging asawa n~g nasirang bayaning si Teodoro Plata, isá sa m~ga masikhay na kasama ni Andrés Bonifacio.

3.—Ano ang kabuhayan ni Bonifacio?—Ang kaniyang m~ga magulang ay m~ga taong dukha kaya’t siya nama’y isang taong mahirap.

4.—Ano ang kanyang Napagaralan?—Siya’y nagaral sa paaralan n~g gurong si G. Guillermo Osmeña, sa pook n~g Meisik, Binundok, Maynila. Datapwa nang siya’y tumutuntong na sa ika 14 na taon, ay namatay ang kanyang m~ga magulang at dahil dito’y naputol ang kanyang pagaaral. Siya noo’y maalam nang bumasa at sumulat n~g wikang sarili (tagalog) at kastila.

5.—Ano ang kanyang ginawa n~g siya’y maulila na?—Upang siya’y mabuhay at sampu n~g kanyang m~ga kapatid, binatak ang sariling buto’t siya’y nagbili n~g m~ga tungkod (baston) at m~ga pamaypay na papel na ginagawa niya sa loob n~g kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay n~g kanyang m~ga kapatid.

6.—Ano pa ang kaniyang ginampanang gawain upang mabuhay?—Nang si Bonifacio’y nakapagsanay na sa pagsulat, siya’y nasok na utusan sa bahay kalakal ni Fleming, at pagkaraan n~g ilang panahon ay ginawa siyang kinatawan n~g nabanggit na bahay-kalakal sa pag-bibili n~g sahing, yantok, at iba pa.

7.—Nanatili ba siya sa tungkuling ito?—Hindi. Nang lumipas ang ilang panahon siya’y naging kawani (personero) sa bahay-kalakal nina Fressell & Co., na nalalagay sa daang Nueva, blg. 450. Maynilà. Ang sinasahod niya’y m~ga labingdalawang piso lamang sa isang buan. Patuloy pa rin siya sa paggawa n~g m~ga tungkod at pamaypay, na itinitinda n~g kanyang m~ga kapatid.

8.—Anong katan~gian, bukod sa kanyang hanap-buhay, ang tinataglay ni Bonifacio?—Siya’y mahiliging magsulat sa sariling wika at may magandang ayos ang kanyang sulat. Dahil dito, nakatutulong sa kabuhayan nilang magkakapatid ang paggawa n~g m~ga tatak at paunawa sa m~ga kayong ipinagbibili rito sa atin.

9.—Siya ba’y mahiligin sa pagbabasa n~g m~ga aklat?—Oo. N~guni’t ang kaniyang kinahihimalin~gang basahin ay yaong m~ga aklat na nakapagtuturo n~g kabayanihan, tulad n~g Kasaysayan n~g himagsikan sa Pransiya, “Las Ruinas de Palmira,” “Los Miserables,” ni Victor Hugo, “El Judio Errante,” Biblia, ang m~ga, aklat ni Rizal at ibá pa. Siya’y mahiliging totoo sa pagbabasa. May m~ga gabing halos di nakakatulog sa pagbabasá.

10.—Siya ba’y nagkaasawa?—Oo. Ang naging kabyak n~g kanyang pusó’y pinapalayawan n~g Oriang (Gregoria de Jesus) na ang sagisag “Lakambini,” tagá Kalookan. Sila’y nagkaroon n~g isáng anák na namatay.

11.—Ano’t idinadakila n~g Bayang Pilipino si Andrés Bonifacio at siya’y ipinalalagay na dakilang Bayani sa piling ni Rizal? —Sapagka’t siya ang nagtayo at nahalal na pan~gulo n~g “Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan,” na pinagkautan~gan n~g Bayang Pilipino n~g kabayanihan sa pagusig n~g kaniyang ikalalaya. “May-pagasa” ang sagisag niyá na “nangyari” bago siyá mamatay.



12.—Kailan at saan itinayo ang “Samahang Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan”?—Noong ika 7 n~g Hulyo n~g 1892, sa bahay na kinatirhan ni Deodato Arellano, na nasa daang Azcarraga, bilang 64, Binundok, Maynila.

13.—Ano’t itinayo ang Samahang binanggit?—Ganitó ang nangyari: si Rizal ay lumunsad sa Maynila n~g ika 26 n~g Hunio n~g Taong 1892. Pagkaraan n~g mahigit sa isang linggó, noong ika 6 n~g sumunod na buwan n~g Hulyo, si Rizal ay ipinatawag ni General Despujol na siyang pinaka-mataas na pinuno n~g Kastila dito sa atin noon at siya’y ipinapiit sa Fuerza de Santiago. Ang m~ga tunay na pan~gun~gusap ni Rizal sa nangyari, sa kanyang itó ay gayari, ayon sa sulat din niyá, na inihayag n~g kanyang matalik na kaibigan, ang nasirang si Mariano Ponce: “Noong miyerkoles—ani Rizal sa kanyang talaan—itinanong sa akin (ni General Despujol) kung ako’y nagpupumilit na magbalik sa Hongkong. Sinagot ko siya n~g oo. Makaraan ang ilang salitaan sinabi sa akin na ako raw ay maydalang m~ga proklama (m~ga pahayag) na kasama n~g aking m~ga damit at ariarian. Sinagot ko siyá n~g hindi. Itinanong sa akin kung kanino yaong m~ga unan at banig, isinagot kong sa aking kapatid. Dahil dito, ipinatanto sa aking ako’y kanyang ipabibilanggo sa Fuerza de Santiago.” Si Rizal n~ga’y ibinilanggo. Nang maalaman ito ni Andrés Bonifacio ay nagalab ang kanyang loob. Pinulong sina Ladislao Diwa, Valentin Diaz, Ildefonso Laurel at si Deodato Arellano sa bahay na binanggit na may bilang 64, daang Azcarraga, at itinatag nila ang “Katipunan,” na siyang pamagat sa daglian n~g binanggit na samahan.

14.—Ano ang pakay n~g “Katipunan”?—Pagsamasamahin ang kalooban n~g m~ga pilipino sa isang layunin, “upang sa pagkakaisang ito’y magkalakás na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landás n~g katwiran at kaliwanagan.”

15.—Ano ang ibig sabihin niyang “matuklasan ang tunay na landas n~g katwiran at kaliwanagan”?—Ang ibig sabihi’y iguho ang kapangyarihang makahari n~g España na nakasasakop sa Pilipinas at ang bayan natin ay magsarili sa kanyang kapangyarihan.



16.—May sarili bang palatuntunan ang “Katipunan”?—Oo. Náitó:

Dakila ang pakay n~g “Katipunan”

“Sa pagkakailan~gan na ang lahat na nag-iibig pumasok sa katipunang itó, ay magkaroon n~g lubós na pananalig at kaisipán sa m~ga layong tinutun~go at m~ga kaaralang pinaiiral, ay minarapat na ipakilala sa kanilá ang m~ga bagay na itó, at n~g bukas makalawa’y huwag silang magsisi at tuparing maluwag sa kalooban ang kanilang m~ga tutungkulin.”

“Ang kabagayang pinaguusig n~g Katipunang itó ay lubós na dakila at mahalagá; papag-isahín ang loob at kaisipán n~g lahat n~g tagalog. (Sa salitang “tagalog”, katutura’y ang lahat nang tumubo sa Sangkapuluang itó; sa makatwid, “bisaya” man, “iloko” man, “kapangpan~gan” man atb., ay “tagalog” din.”)

“Alang-alang sa m~ga pagkukurong itó, kami’y payapang naghihintay n~ga pagwawagi n~g damdaming makabayan n~gayon at sa hinaharáp, sa pamagitan n~g isang mahigpit na panunumpa, upang sa pagkakaisáng ito’y magkalakás na iwasak ang masinsing tabing na nakabubulag sa kaisipan at matuklasan ang tunay na landás n~g Katwiran at Kaliwanagan.”

Una sa lahat ang pagibig sa bayan

“Dito’y isá sa m~ga kauna-unahang utos, ang tunay na pag-ibig sa bayang tinubuan at lubós na pagdadamayan n~g isa’t isá.”

Pantaypantay ang lahat

“Maralita, mayaman, mangmang, marunong, lahat dito’y magkakapantáy at tunay na magkakapatid.”

Ang buhalhal na kaugalian

“Kapagkarakang mapasok dito ang sino man, tatalikdang pilit, ang buhalhál na kaugalian at paiilalim sa kapangyarihan n~g m~ga banál na utos n~g Katipunan.”

“Ang gawang lahat na laban sa kamahalan at kalinisan, dito’y kinasusuklaman; kaya’t sa bagay na ito’y ipinaiilalim sa masigasig na pakikibalita ang kabuhayan n~g sino mang nag-iibig makianib sa Katipunang itó.”

Hindi tinatanggap ang m~ga taksil

“Kung ang han~gad n~g papasok dito’y ang tumalastás lamang n~g m~ga kalihiman nitó, o ang kilalanin ang m~ga naririto’t n~g maipagbili sa isang dakot na salapi, huwag magpatuloy, sapagka’t dito’y bantaín lamang ay talastás na n~g makapál na nakikiramdám sa kaniyá, at karakarakang nilalapatan n~g mabisang gamot, na laán sa m~ga sukaban.”

Ayaw sa m~ga mabun~gan~ga

“Dito’y gawa ang hinahanap at gawa ang tinitingnán; kaya’t hindi dapat pumasok ang di makagagawa, kahi’t magaling magsalita.”

Hindi kaginhawahan kungdi kahirapan at mabibigat na tungkulin

“Ipinauunawa rin, na ang m~ga katungkulang ginaganap n~g lahat n~g napapasok sa Katipunang itó, ay lubhang mabibigát, lalong-lalo na kung gugunitaín na di mangyayaring maiwasan at walang kusang pagkukulang na di aabutin n~g kakilakilabot na kaparusahán.”

“Kung ang han~gad n~g papasok dito, ang siya’y abuluyan n~g ginhawa’t malayaw na katahimikan n~g katawan, huwag magpatuloy, sapagka’t mabigát na m~ga katungkulan ang matatagpuan, gaya n~g pagtatangkilik sa m~ga naaapi at madaluhong n~g paguusig sa lahat n~g kasamaan; sa bagay na itó ay aabutin ang maligalig na pamumuhay.”

“Di kaila sa kan~gino pa mán ang m~ga nagbalang kapahamakán sa m~ga tagalog na nakaiisip nitong m~ga banál na kabagayan (at hindi man), at m~ga pahirap na ibinibigay n~g naghaharing kalupitán, kalikuan at kasamaán.”

Ang halaga n~g “kuota”

“Talastás din naman n~g lahat ang pagkakailan~gan n~g salapi, na sa n~gayo’y isá sa m~ga unang lakás na maaasahan; magbibigáy buhay sa lahát; sa bagay na itó, kinakailan~gan ang lubos na pagtupád sa m~ga pagbabayaran; piso sa pagpasok at sa buwan-buwan ay sikapat. Ang salaping itó’y ipinagbibigay alam n~g nag-iin~gat sa tuwing kapanahunan, bukód pa sa mapagsisiyasat n~g sino man, kailan ma’t ibigin. Di makikilos ang salaping ito, kung di pagkayarian n~g karamihan.”

Ipagtangkilik ang kagalin~gan

“Ang lahát n~g pinagsaysay ay dapat gunitain at mahinahong pagbulaybulayin, sapagka’t di magaganáp at di matitiis n~g walang tunay na pag-ibig sa tinubuang lupa ang tunay na adhikaing ipagtangkilik ang Kagalin~gan.”

“At n~g lalong mapagtimbáng n~g sariling isip at kabaitan.”



17.—Bukod sa Palatuntunan, may m~ga sariling aral baga ang “Katipunan” sa Bayan?—Oo. Tunghan ang m~ga sumusunod:

Ang dapat nating asalin sa kabuhayan

“Ang kabuhayang hindi ginugugol sa isáng malaki at banál na kadahilanan, ay kahoy na walang lilim, kung di damong makamandag.”

Kailan nagiging kabaitan ang gawang magaling

“Ang gawang magaling na nagbubuhat sa pagpipita sa sarili, at hindi sa talagang nasang gumawa n~g kagalin~gan, ay di kabaitan.”

Ang tunay na kabanalan

“Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawanggawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawa’t kilos, gawa’t pan~gun~gusap sa talagang Katuwiran.”

Ang m~ga tao’y magkapantaypantay

“Maitim man at maputi ang kulay n~g balát, lahat n~g tao’y magkakapantay; mangyayaring ang isa’y higtán sa dunong, sa yaman, sa ganda … n~guni’t di mahihigtán sa pagkatao.”

Ang may kaloobang dakila

“Ang may mataas na kalooban ay inuuna ang puri sa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban ay inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.”

Dapat magkaroon n~g isang pan~gun~gusap

“Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.”

Ang panahon ay ginto

“Huwag mong sasayan~gin ang panahon; ang yamang nawala’y mangyayaring magbalik; n~guni’t panahong nagdaan na’y di na muli pang magdaraan.”

Dapat sumapiling n~g inaapi

“Ipagtangól mo ang inaapi, at kabakahin ang umaapi.”

Ang matalino’y mahinahon

“Ang taong matalino’y ang may pagiin~gat sa bawa’t sasabihin, at marunong ipaglihim ang dapat ipaglihim.”

Ang amá ay siyang pinaparisan n~g m~ga anak

“Sa daang matinik n~g kabuhayan, lalaki ay siyang patnugot n~g asawa’t m~ga anák; kung ang umaakay ay tun~go sa samâ, ang patutun~guhan n~g inaakay ay kasamâan din.”

Ang katungkulan n~g lalaki para sa babai

“Ang babai ay huwag mong tignáng isáng bagay na liban~gan lamang, kungdi isáng katuwang at karamay sa m~ga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo n~g buong pagpipitagan ang kaniyáng kahinaan, at alalahanin ang ináng pinagbuhata’t nagiwi sa iyóng kasanggulan.”

Ang ayaw mong gawin sa iyo….

“Ang di mo ibig na gawin sa asawa mo, anák at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anák at kapatid n~g iba.”

Ang tunay na kamahalan n~g tao

“Ang kamahalan n~g tao’y wala sa pagkahari, wala sa tan~gos n~g ilong at puti n~g mukha, wala sa pagkaparing “kahalili nang Diyos,” wala sa mataas na kalagayan sa balat n~g lupa; wagás at tunay na mahál na tao, kahi’t laking gubat at waláng nabatid kungdi ang sariling wika, yaong may magandang asal, may isáng pan~gun~gusap, may dan~gal at puri; yaong di napaáapi’t di nakikiapíd, yaong marunong magdamdám at marunong lumin~gap sa bayang tinubuan.”

Ang katumbasan n~g buhay na ginugol

“Paglaganap n~g m~ga aral na itó at maningning na sumikat ang araw n~g mahal na Kalayaan dito sa kaabâabâng Sangkapuluan, at sabugan n~g matamis niyang liwanag ang nan~gagkaisáng magkalahi’t magkakapatid n~g ligayang walang katapusán, ang m~ga ginugol na buhay, pagod at m~ga tiniis na kahirapa’y labis n~g natumbasán.”

“Kung lahát n~g itó’y matarok na n~g nagiibig pumasok at inaakala niyáng matutupád ang m~ga tútungkulin, maitatala ang kaniyang ninanasâ sa kasunód nito:

“Sa Bg….

Ako’y si … taong tubò sa bayan n~g…. hukuman n~g … ang katandaan ko ay…. taon, ang hanap buhay … ang kalagayan … at nananahanan sa … daan n~g …

Sa aking pagkakabatid n~g kagalin~gan n~g m~ga nilalayon at m~ga aral, na inilalathala n~g KATIPUNAN n~g m~ga A.N.B., ninanais n~g loob ko ang makianib dito. Sa bagay na ito’y aking ipinamamanhik n~g boong pitagan, na marapating tanggapin at mapakibilang na isa sa m~ga anak n~g Katipunan: at tuloy nan~gan~gakong tutupad at paiilalim sa m~ga aral at m~ga Kautusang sinusunod dito.

… ika … n~g buwan n~g … n~g taong 189….

Nakabayad na n~g ukol sa pagpasok.

Ang Tagain~gat n~g Yaman.”

K.’. K.’. K.’. N.’. M.’. A.’. N.’. B.’.


Aking ipinahahayag na sa kadahilanan n~g pagkapasok ko sa K.’. K.’. K.’. n~g m~ga A.’. N.’. B.’. ay naghandog akó n~g isáng mahalagang panunumpa sa n~galan n~g Bayang tinubuan, at sa harap n~g isang kagalanggalang na kapulun~gan nitong Katipunan, na gugugulin ang lahat na maigugugol at lahat n~g minamahal ko sa buhay, sa pagtatanggol n~g kaniyang banal na kasarinlan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdang ikalagot n~g hinin~ga. Sa bagay na itó, isinusumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kaniyang Patnugutan at m~ga Kautusan.

Sa katunayan nitó, aking itinala ang aking pan~galan n~g tunay na dugong tumatakás sa aking m~ga ugat sa pahayag na itó.

… ika … araw n~g buwan n~g … n~g taong 189….

“Tinaglay ko ang pamagat na.”



18.—Sinosino ang nagpalaganap n~g “Katipunan”?—Si Andrés Bonifacio at ang kanyang m~ga tapat at masisikhay na kasama na paraparang dukha na katulad niya. Ang pinakabatikan sa lahat ay si Emilio Jacinto, na kalihim n~g Katipunan.”

19.—Matuturin~gan ba natin kung sinosino sila?—Oo. Ang unang tinanggap sa “Katipunan” ay si Restituto Javier, sa isang bahay sa daang Salinas (n~gayo’y Elcano) sa Tundo, na tahanan n~g isá sa m~ga nagtatag na si Valentin Diaz. Sumunod si Miguel Araulio, pamangkin n~g n~gayo’y Pangulo n~g Kataastaasang Hukuman. Pagkatapos ay siná Aguedo del Rosario, Aurelio Tolentino, Guillermo Masangkay, Alejandro Santiago, Briccio Brigido Pantas, José Turiano Santiago, Calixto Santiago, Emilio Jacinto, Nicomedes Carreon, Francisco Carreon, Mariano Carreon at iba pa.

20.—Mula ba n~g itatag ang “Katipunan” ay nagpatuloy sa pagpapalaganap ang m~ga nan~gan~gatawan?—Hindi. Nang m~ga sumunod na buwan n~g pagkakatatag ay di nagpamalas n~g kanyang pagsulong, pagka’t ang nais ni Bonifacio ay huwág makapinsala sa pagpapalaganap n~g “Liga Filipina,” na itinatag in Rizal at m~ga litaw na kababayan, karamihan ay mason, bago sumilang ang “Katipunan.” Bago pa itatag ito ay may itinatag pang ibang kapisanan sina Bonifacio.

21.—Kailan pinan~gatawanan ang pagtatatag?—Nang mapagkilala ni Andrés Bonifacio na nawawalan n~g kabuluhan ang pagsisikap bagay sa “Liga.” Kaya, naghalal na ang Katipunan n~g kanyang m~ga kinatawan sa isáng bahay sa daang Oroquieta, nayon n~g Santa Cruz, Maynila. At n~g sumunod na taong 1894, ay napatatag na n~ga ang m~ga Balan~gay at Sangguniang Bayan.

22.—At ano pa ang kanilang ginawa?—Itinatag na rin ang Tatlong Baytang n~g “Katipunan”. Naitó: “Katipunan” ang pamagat n~g unang baytang. Kung nasa pulong ang m~ga kasama sa baytang na itó, ay gumagamit n~g isáng kaputsang itim na may isáng triángulo na kinalalagyan n~g m~ga titik na “Z,” “Ll” at “B,” na ang kahulugan ay “Anak n~g Bayan.” Sila’y may m~ga hudyat na salita na pinagkakakilanlanan. Kapag binigkás ang salitang “Anak” ang isinasagot n~g tinatanong ay “n~g Bayan.” “Revolver,” sandata o gulok ang tinataglay n~g m~ga nagsisidaló sa pulong n~g baytang na itó.

“Kawal” naman ang pamagat n~g Ikalawang Baytang. Lungtian ang kulay n~g kaputsa na ang kahulugan ay pag-asa. Puti ang sintás at m~ga titik n~g triángulo. May suot na sintás na lungtian na sa dulo ay may isang “medalla” na may isang “K” sa gitna at may sinag at sa dakong mababa ay nakakabit ang magkasabát na isang watawat at espada. Ang m~ga hudyát o mahal na salita’y “Gom-Bur-Za,” na ang katutura’y Gomez, Burgos at Zamora, tatlong paring pilipino na ipinabitay n~g pamahalaang Kastila n~g ika 28 n~g Pebrero, 1872, kahima’t di tunay ang ibinubuhat na kasalanan sa kanila.

Pinamagatang “Bayani” ang Ikatlong Baytang. Kaputsang pulá na may listong lungtian ang isinusuot n~g m~ga kasapi. “Rizal” ang hudyat na salita, bilang pagtulol sa walang katwirang pakakapabilanggó sa kanya. Itinatag n~g araw ding iyon (ika 7 n~g Hulyo, 1892) ang “Katipunan.” Ang m~ga kasapi sa ikatlong baytang na ito, ay siya lamang nakatatalos n~g m~ga tunay na adhikain n~g “Katipunan.”

23.—Sa papaanong paraan nagkakakilanlanan ang m~ga magkakasama sa “Katipunan”?—May isáng paraan. Upang magkakilanlan ang m~ga magkakasapi ay itinatagop ang kanang kamay sa dibdib sa tapat n~g puso at kung gapós—noong panahon n~g kastila’y ginagapos n~g abot-siko ang sino mang hulihin kahí’t sa anong kasalanan—ay itinitiklop ang m~ga daliri, maliban lamang ang hintuturo at ang kalingkin~gan na paraparang inauusli.

24.—Sinosino naman ang nagsisibuo n~g “Katipunan”?—Sa bawa’t bayan ay may m~ga “Balan~gay,” at “Sangguniang Hukuman,” na siyáng kapangyarihang nagaayos at humahatol sa m~ga sigalot at alitan n~g magkakapatid sa loob n~g “Katipunan.” Ang m~ga balan~gay ay nasasakupan n~g Kataastaasang Pan~guluhan na pangsangkapuluan.

25.—Sa papaanong paraan ginagawa ang pagkuha n~g kasapi?—Sa bawa’t pook ay nagtatayo n~g isáng wari’y lupon na kung tawagin ay “Hasik” na binubuo n~g tatlo katao na parang tatlong tungko. Ang “Hasik” na ito ang siyáng sa inot-inot ay nanghihikayat upang may sumapi sa “Katipunan.” Pagdamidami na n~g m~ga kasangayon ay saka pa lamang itinatayo ang “Balan~gay” na pinamumunuan n~g isáng lupon na ang m~ga tunkulin ay tulad din n~g sa Kataastaasang Lupon. Ang m~ga “Hasik” na yaon, ay di na ipinagpatuloy n~g malapit na ang tangkang panahon sa paghihimagsik, pagka’t ang m~ga taong baya’y halos naguunahan nang sila’y mapabilang sa “Katipunan.”



26.—Papaano ang pagsapi?—Sa pagtanggap n~g pakikisapi ay tinularan, bagama’t di lubós, ang ginagawa n~g “Masonería.” Bawa’t kasapi ay may mahigpit na tungkuling manghikayat n~g bagong makakasama at sa pananagutan niya ay inihaharap sa “Balan~gay” ang kanyang nahikayat. Datapwa, bago gawin ito ay sinusuri munang mabuti ang ugali, pagkukuro, kalagayan at kabuhayan n~g isasapi at baka di kabagáng n~g m~ga taong “Katipunan.” Kung mapatunayan na siya’y may tapat na loob ay saka pa lamang gagawin ang pagtanggap.

27.—Papaano ang ginagawa sa pagtanggap?—Ang bagong kasapi’y pinipirin~gan at ipinapasok sa isáng silid na itiman ang kulay n~g m~ga panig at bahagya nang naiilawan, pagkatapus ay inaalisan n~g piring. Sa m~ga panig n~g silid ay may m~ga nasusulat na ganitó:

Kung may lakás at tapang, ìkaw’y makatutuloy”

“Kung ang paguusisa ang nagdalá sa iyó dito’y umurong ka.”

“Kung di ka marunong pumigil n~g iyong masasamang hilig, umurong ka; kailan man ang pintuan n~g May-kapangyarihan at Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Baya’y bubuksan dahil sa iyó.

Sa ibabaw n~g isáng dulang ay may isáng bun~go, isáng “revolver” at isáng gulok. May isáng papel na kinasusulatan n~g m~ga sumusunod na tanong:

I—”Anó ang kalagayan nitóng Katagalugan n~g unang panahon?” (Sa salitang Katagalugan ay kasama na ang Kabisayaan, Kailokohan at lahat na n~g Kapilipinuhan.)

II—”Anó ang kalagayan sa n~gayon?”

III—”Anó ang magiging kalagayan sa darating na panahon?”

28.—At ano-ano ang isinasagot sa m~ga tanong na iyan n~g ibig sumapi?—Ang kasagutan, humigit kumulang n~g sino mang ibig sumapi, ay ganito:

Ukol sa unang tanong: Na, nang dumating dito sa atin ang m~ga Kastila n~g ika-16 n~g Marzo n~g taong 1521, ang m~ga pilipinong naninirahan sa m~ga baybayin ay may pagkaalam na sa maayos na kabuhayan at pamamayan. Noon n~ga, tayong m~ga pilipino ay may kalayaan na sa pamamayan; may m~ga kanyon; maalam na tayong magsuot n~g m~ga damit na sutla; nakikipagunawaan na tayo sa pan~gan~galakal sa m~ga karatig na bayan sa Asia. Tayo’y may sariling pananampataya o relihiyon, may sariling titik o sulat, na anopa’t, lumalasap tayo n~g kalayaan at kasarinlan.

Ukol sa ikalawang tanong: Na ang m~ga fraile na kung tawagin ay m~ga “kahalili” raw, sila n~g “Diyos”, ay pawang kabalbalan ang itinuro sa m~ga pilipino. Hindi tayo tinuruan n~g tunay na Karunun~gan sa buhay at sapagka’t kung tayo’y man~gatuto ay hindi nila mauulol at sa ganya’y di nilá mahuhuthot ang ating kayamanan. Ang itinuro sa atin n~g m~ga “fraile” ay ang maling pananampalataya na nakikilala sa pagdaraos n~g sunod-sunod na m~ga pistá na kinahuhulugan n~g ating salapi at kayamanan sa kapakinaban~gan n~g m~ga “fraile” at Kombento. Ang m~ga “fraile” ay siyang mahigpit na kalaban n~g ikatatalino at ikabibihasa n~g pilipino (tagalog kung isulat n~g m~ga Katipunan) na sa katunaya’y ayaw sila na tayo’y man~gatuto n~g wikang kastila. Anopa’t lahat na n~g karain~gan sa panglulupig, panggagahasa, m~ga kasagwaan, pagtin~gin sa pilipino na parang iba sa pagkatao kaysa m~ga Kastila na ginagawa n~g m~ga “fraile” ay siyang isinasaysay sa ikalawang tanong na ito. Sa kahulihuliha’y idinadaing din naman ang malabis na pagkiling n~g pamahalaang kastila sa m~ga “frayle,” pagsunod sa kanilang m~ga bilin laban sa bayan, paniniwala sa m~ga sumbong n~g m~ga yaon, kahima’t lisya sa matwid, at pagtanggi na ang m~ga pilipino ay bigyan n~g kalayaan sa pamamayan, at sa paggawa n~g ikalulusog sa dunong, sa buhay at sa pan~gan~galakal.

Ukol sa ikatlong tanong: Na ang madlang kasamaang binanggit sa m~ga naunang tanong ay malulunasan; ang m~ga lupang malalawak na inangkin n~g m~ga kombento sa ating m~ga ninuno ay mapapasaulî sa bayan; ang m~ga mamamaslang ay maibubulid sa ban~gin n~g kamatayan; ang m~ga paring kababayang sina Gomez, Burgos at Zamora ay maipaghihiganti at ang kalayaan at kasarinlan n~g Bayang Pilipino ay matatamo sa hinaharap kung ang m~ga kasapi ay maypagasa, tiyaga, tapang at pagkakaisa sa pagsunod sa m~ga aral at pasyá n~g “Katipunan.”

29.—Kung makasagot na ba n~g ganyan ay tinatanggap na?—Hindi pa rin. Ang kapatid na “Mabalasik” ay siyáng nagsasabi sa sinusubukan na lubhang dakila ang hakbang na yaon sa kanyang buhay. Ipinaaalaala na siya’y maaaring umurong kung walang taglay na tapang, upang huwag masayang ang kanyang buhay. Kung ang sumasapi ay magpumilit din sa paganib sa “Katipunan,” ay saka siyá ihaharap, na may piring din, sa m~ga kapatid na nan~gagkakatipon nang siya’y tanggapin. Ang tapang at kabuoan n~g kanyang loob ay sinusubok sa ilang paraan. Minsa’y bigyan n~g gulok at iutos na tagain ang kalaban na pumapaslang sa m~ga kalahi; naiyan ang sabihin na saklolohan ang kapatid na makukulong n~g apoy, na, sa pagsasalita n~g gayon, ay talagang nagsusunog n~g m~ga papel upang maramdaman ang init n~g nin~gas n~g sinusubukan. Kung hindi magpakitang takot, aalisan na n~g piring at palalagdain sa kasulatan n~g panunumpang inilathala sa unahan, na ang pinakatinta ay dugong kinukuha n~g isáng palalim sa kanyang kaliwang bisig.

30.—Anong wika ang ginagamit n~g m~ga kasapi sa “Katipunan”?—Ang tagalog; n~guni’t ang kahulugan n~g ilang titik n~g abakadang kastila ay iniba sa kanilang pagsulat n~g m~ga kasulatan at gayon din sa paglagdá n~g kanilang m~ga sagisag. Ang titik na “a” ay ginawang “z”, ang “c” at “q” ay ginawang “k”, ang “i” ay “n”, ang “l” at “ll” ay “j” ang “m” ay “v”, ang “n” ay “ll”, ang “o” ay “c” at ang “u” ay “x”. Ang f, j, v, x at z n~g abakadang kastila ay itinakwil pagka’t hindi kailan~gan. Sa maliwanag na ulat ay ganitó ang Abakadá (alfabeto) n~g “Katipunan” kung itutulad sa abakada n~g wikang Kastila.

Abakada          Abakada
n~g kastila n~g “Katipunan

A ……………… Z
B ……………… B
C ……………… K
D ……………… D
E ……………… Q
G ……………… G
H ……………… H
I ……………… N
K ……………… K
LL……………… J
M ……………… V
N ……………… LL
O ……………… C
P ……………… P
Q ……………… K
R ……………… R
S ……………… S
T ……………… T
U ……………… X
W ……………… W
Y ……………… Y



31.—Tinanggap ba n~g lahat na Pilipino ang m~ga Palatuntunan, Aral at Gawain n~g “Katipunan”?—Hindi. Gaya n~g sinabi na, ang “Katipunan” ay itinatag noong ika 7 n~g Hulyo n~g 1892. Sa buong taong sumunod, 1893 ay hindi pa lumalaganap, sanhi sa maraming kadahilanan.

32.—Maari bang isaysay?—Oo. Ang kaunaunahan ay ang kabaguhan n~g layunin at paraan n~g samahan, gaya n~g nakita na natin, ay may kahirapang ilaganap sa bala na kundi pipiliin muna bago hikayatin. Tan~gi sa rito, si Bonifacio na rin ang kusang nagpauntol-untol sa pamanhik n~g m~ga kababayang nagsisibuo noón n~g “Liga Filipina,” na lahat halos ay m~ga pilipinong litaw, nakakakaya’t may pinagaralan, na nagsisiasang sa pamamagitan n~g “Ligang” yaon, ay makukuha n~g bayang pilipino “sa loob n~g kapayapaan” ang pagsugpo sa masasama’t hidwang pamamalakad dito sa atin n~g pamahalaang kastila at n~g m~ga “fraile.” Ganitó ang pan~gunang layon n~g “Liga Filipina” na itinatag nina Rizal at m~ga kapatid niyang “masón” at ibá pa. Si Bonifacio man ay nagíng kasapi rin doon.

33.—Di ba’t ang “Katipunan” ay humuwad sa “Masoneria” n~g pamamaraang ginagamit nito sa pagtanggap n~g kasapi at gayondin sa ilang kuro n~g kaniyang adhikain?—Oo na n~ga. Subali’t ang kapatiran n~g m~ga “masón,” ay kasalun~gat ni Bonifacio ukol sa paraan na kinakailan~gang gamitin upang maghari dito sa Pilipinas ang Katwiran at Kalayaan at masugpo ang kalupitan at kasamaang inaasal n~g m~ga “fraile” at n~g Pamahalaang Kastila sa pilipino. Ang “Masoneria” at ang “Katipunan” ay nagkakaisá sa kanilang han~gad na pagtubós sa Bayang Pilipino. Datapwa, ang una’y ibig makuha ang katubusang yaón sa loob n~g kapayapaan sa pamamamagitan n~g pagpapalaganap n~g kaniyang magagandá’t makataong simulain; samantalang ang nais at han~gad n~g huli’y ang paghihimagsik, yayamang napagkita na rin lamang na ang m~ga naghahari noon dito sa atin—ang pamahalaang Kastila’t m~ga “fraile”—ay hindi makuha sa samo, pakiusap at pan~gan~gatwiran, bagkús ang itinutugón sa ginawi n~g m~ga “masong” siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, Regidor, Cortez at ibá’t ibá pa ay ang sila’y ipalagay na “kaaway n~g España at n~g Dios,” at marami sa kanilá at sa kanilang m~ga kabig ang napabilanggo, napatapon sa malalayong bayan at pinapagdusa sa m~ga bilangguan, kahima’t walang nagawang kasalanan.

34.—Sa makatwid ang m~ga “mason” at ang m~ga mayamang pilipino’y hindi kaayon n~g “Katipunan”?—Hindi, kundi bagkús pang kasalun~gat. Nang lumalaganap na ang “Katipunan” ang m~ga “mason” at ang kanilang m~ga “logia,” ay paraparang nagsikilos upang sugpuin ang paglago n~g “Katipunan” at ang mabalasik na pagpapalaganap ni Andrés Bonifacio, di sa dahilang sila’y kampi sa pamahalaang kastila at sa m~ga “fraile,” kundi sapagka’t kailan man ang m~ga “masón,” ay “ayaw ipaghiganti sa pagbubuhos n~g dugo ang m~ga kaapihang tinatamó.” Ang “Katipunan” nama’y ang ibig ay “n~gipin sa n~gipin,” at ayaw gantihin n~g tinapay ang bató, kundi bató rin. Kaya nama’t isá sa m~ga aral n~g “Katipunan” ay, nahahawig doon sa “ang di mo ibig na gawin sa iyo, ay huwág mong gawin sa iyong kapwa.”

35.—Maaari bang isaysay ang ilang pangyayari ukol diyan?—Oo. N~guni’t bago banggitin ang ilang pangyayari ay kailan~gan munang sabihin na, sa loob n~g “Masonería,” ayon sa kaniyang palatuntunan, ay di tinatanggap ang m~ga manggagawang hamak, na ang kabuhaya’y “isang kahig, isáng tuka”; pagka’t upang maging “mason,” isa sa m~ga pan~gunahing kailan~gan ay ang ikaw’y may sapat na kinikita upang buhayin ang iyong asawa’t m~ga anak at may kaunting halagang nalalabis, na isasagot sa m~ga pan~gan~gailan~gan n~g kapatiran at maiambag sa sinomang kapatid na nasa sa isang kagipitan. Dahil dito ay sukat n~g mataho na ang m~ga “masón” ay m~ga taong nakakakaya at ang m~ga katipunan ay yaong m~ga taong hindi matatanggap sa “Masonería,” na m~ga anak pawis, m~ga dukha’t maralita. Sapagka’t noo’y mayayaman at mahihirap na pilipino’y paraparang inaapi at pinahihirapan n~g pamahalaang kastila’t n~g m~ga “fraile” kung kaya’t lahat ay nagtataglay n~g isang layunin: maputol lahat ang kaapihan. Nagkakaibá n~ga lamang sila sa kaparaanang ginagamit sa ikapagtatagumpay n~g kanilang layon.

36.—Ano ang ginawa n~g m~ga “mason” kay Bonifacio at sa “Katipunan”?—Dapat munang sabihin na si Bonifacio ay “masón” din. Siya’y “segundo vigilante” sa “Logia Taliba,” na ang “Venerable,” ay ang binaril n~g m~ga kastilang si Luis Encino Villareal at ilan sa kasamahan ni Bonifacio sa “Katipunan” ay m~ga kamukha rin niyang “masón.” Isáng araw ay ipinatawag si Bonifacio n~g m~ga namumuno sa kanyang “logia” at, siya’y hinihikayat na itigil ang “Katipunan,” pagka’t ang katwiran n~g m~ga humihikayat sa kanya’y ang kawalan n~g m~ga baril, kanyon, sandata at salapi na totoong kinakailan~gan sa paghihimagaik na gagawin n~g “Katipunan,” na kung mapipilan ay siyang lalong kasawian n~g bayang pilipino. Pagkatapos na marinig n~g amá n~g “Katipunan” ang gayong m~ga pan~gan~gatwiran, ay di umimik kamuntik man, kinuha ang kanyang sambalilo at sabay ang pagsasalitang “Diyan na kayó, puro kayo wikang kastila.” Isang araw nama’y nagsadya si Bonifacio sa bahay n~g nasirang si Antonio Luna upang ipatalastás dito ang gagawing paghihimagsik n~g “Katipunan.” Pagkatapos na mapakinggan ni Luna ang m~ga pan~gun~gusap ni Bonifacio, ay nagsabi: “¿Anó ang ating ilalaban, itong ating m~ga …? Kung si Napoleon ay naging Napoleon, ay sapagka’t bukod sa siya’y may pusong matapang, ay maytalino pa, at, bukod sa lahat n~g iya’y may salapi.” Nang ipinakilala naman ni Bonifacio kay Francisco Roxas, isá rin sa m~ga ipinabaril n~g pamahalaang kastila, ang hinahan~gad n~g “Katipunan,” ay sinabi ni Roxas na siya’y ayaw makinig n~g m~ga kabalbalan at kaululan.

37.—Si Rizal ba’y kasangayon sa paghihimagsik na ginawa n~g “Katipunan”?—Hindi. Sa kaniyang m~ga aklat, tula at sulat, ay napagkikilalang ang adhikang katubusan n~g Pilipinas, ay ibig niyang makamtan sa pamamagitan n~g karunun~gan at kadakilaang asal muna n~g kanyang m~ga kalahi, bago isipin ang ibáng paraan. Isang araw n~g buwan n~g Mayo ná 1896 ay sinugo ni Bonifacio si Dr. Pio Valenzuela (itó lamang ang kasaping may título sa “Katipunan”) na makipanayam kay Rizal sa pinagtapunan dito sa Dapitan, Mindanaw, upang ipatalastás sa kanyá ang nais n~g “Katipunan” na maghimagsik nang maiwasak ang kapangyarihan n~g España dito sa Pilipinas. Si Rizal ay sumalun~gat sa ganyang nais. Kinabukasa’y dalidaling lumulan sa bapor ang sugó n~g amá n~g “Katipunan,” at umuwi sa Maynila, bagama’t may tangkang manatili pa n~g m~ga ilang araw dóon. Nang malaman ni Bonifacio ang ikinaaayaw ni Rizal sa paghihimagsik ay sinabi ang ganito: “¿At saang aklat nabasa ni Rizal na bago maghimagsik ay kailan~gang magkaroon muna n~g sandata at salapi?”

38.—Ang ibig bang sabihin niya’y kalaban ni Rizal at n~g m~ga “mason” si Bonifacio at ang “Katipunan”?—Malayo. Si Rizal at halos ang marami sa m~ga “mason” ay m~ga taong may taglay na kakayahan sa isip, ay nagsisipaniwala na bago gawin ang isang napakalaking gawain, katulad n~g paghihimagsik ay kailan~gan muna ang m~ga baril, sandata at salapi upang magtagumpay, tan~gi sa iyang magbuhos n~g dugo sa ikasusugpo n~g m~ga pangaapi ay talagang nahihidwa sa m~ga aral n~g “Masonería” sa kanyang m~ga kampon. Datapwa, ang m~ga dukha, manggagawa, m~ga maralita, na m~ga hamak na taong bayan, dito sa atin at saan pa man, ay kapag niyakap ang isang gawain at napagkilalang kailan~gang gawin sa ikasusunod n~g isang dakilang layunin, ay di na nagtutumigil n~g pag-iisip at karakaraka’y ginagampanan sa pamamagitan n~g salitang “¡Bahala na!”. Ang “bahala” nang ito, ay makikita natin na siyang nagligtás sa bayang pilipino n~g m~ga panahong yaón at naghatíd sa atin sa tagumpay. At iyan ding m~ga salitang iyan ang nagligtas sa ibang m~ga bayan sa kuko n~g m~ga manglulupig na hari’t mahadlikáng umiinís sa m~ga anak-pawis at dukha.



39.—Ano ang ginawa ni Bonifacio sa harap n~g pagsalun~gat ni Rizal at n~g iba pa sa paghihimagsik?—Sa halip na umurong, ay bagkús nagpakasiglang lalo sa pagtatag n~g m~ga balan~gay at sauggunían n~g “Katipunan.” Buong taon n~g 1895 at ang m~ga unang buwan n~g taóng sumunod, 1896, ay kanyang naitatag sa buong Maynila at m~ga lalawigang karatig ang maraming san~ga o balan~gay. Kung anó ang laki n~g kaayawan sa paghihimagsik n~g m~ga pilipinong litaw at nakakakaya’t mayayaman ay siya namang higpit n~g pagyakap n~g m~ga maralita sa layunin n~g “Katipunan.” Ang m~ga manggagawa, ang m~ga tagabukid at ang m~ga dukha, ay paraparang nagsisiluha kung sila’y pinaliliwanagan n~g m~ga adhikain at aral n~g “Katipunan” at naguunahan sa pagsapí.

40.—Sa papaano napatatag ang Pamunuan n~g Katipunan?—Sa kapulun~gang idinaos n~g m~ga kinatawan n~g m~ga balan~gay noong 1 n~g Enero n~g 1896, ay na~gapahalal sa Kataastaasang Pan~guluhan n~g “Katipunan” ang m~ga sumusunod: Kataastaasang Pan~gulo, Andrés Bonifacio; Kalihim, Emilio Jacinto; Tagain~gat-yaman, Vicente Molina; Tagausig, Pio Valenzuela; m~ga kawani: Pantaleon Torres, Hermenegildo Reyes, Francisco Carreon, José Trinidad, Balbino Florentino at Aguedo del Rosario.

41.—At ang m~ga Balan~gay at Sanggunian?—Napatatag na sa maraming pook n~g Maynila at m~ga bayang karatig. Ang m~ga pan~galang taglay ay yaong m~ga pan~galan o bagay na maykinaalam sa ating lahi at sa kalayaang ninanasà. Naito ang ilan: “Dapitan” (bayang pinagtapunan kay Rizal); “Laong-Laan” at “Dimas-Alang (m~ga lagda ni Rizal sa kaniyang m~ga isinulat sa m~ga pahayagan); “Katagalugan”, “Katotohanan”, “Kabuhayan”, “Silan~ganan”, “Pagtibayin”, “Kailan~gan”, “Bagong-Silang”, “Di-Magpapatantan”, “Di-Tutugutan”, “Pinan~gin~ginigan” at iba’t iba pa.

42.—Anong m~ga kaparaanan ang ginamit sa pagpapalaganap n~g “Katipunan”?—Ang m~ga pakikipagpulong n~g lihim sa m~ga pook pook, suloksulok at bahay-bahay. Tan~gi sa rito, ay ang m~ga sulat at limbag na gawa ni Bonifacio, ni Emilio Jacinto at n~g iba pa, na walang lagda. Nagkaroon din ang “Katipunan” n~g sariling palimbagan at doo’y inilimbag ang dalawang bilang lamang n~g pahayagang tagalog na pinamagatang “Kalayaan,” na inilathala n~g ika 1 n~g Enero n~g 1896. Isang 1000 ang sipi n~g unang bilang at 2000 ang ikalawá.

43.—Saan kinuha ang salaping ibinili sa Palimbagan?—Isang araw ang kapatid ni Bonifacio na nagn~gan~galang Troadio ay galing sa Australia na may kasamang dalawang kababayang taga-Kapis na nagn~gan~galan Francisco Castillo at Camilo Iban. Ang dalawang ito’y tumama sa “loteria” n~g ilang libong piso. Nang mabalitaan ito ni Bonifacio sa pamamagitan n~g kanyang binanggit na kapatid ay hinikayat sa “Katipunan” ang dalawang yaon, na nagkaloob naman pagkatapos n~g halagang apat na raang pisong ibinili n~g palimbagan n~g masong si Antonio Salazar na mayari n~g “Bazar del Cisne,” na ipinabaril din n~g m~ga kastila, at sa kanila rin galing ang salaping ibinili n~g m~ga titik sa palimbagan ni Isabelo de los Reyes, na ipinunô sa m~ga titik n~g binanggit na palimbagan.

44.—San~gayon sa m~ga isinaysay, ay walang salapi ang “Katipunan” at sahol sa m~ga kagamitan sa kanyang layon, kung gayon ano’t lumaganap?—Ang m~ga kalupitan at paghamak na rin sa m~ga pilipino, n~g m~ga nakasasakop sa atin noon, ang nagpasiglá sa m~ga taongbayan upang sumapi sa “Katipunan.” Bukod sa rito, si Bonifacio, ay talagang may sapat na talino sa paglikha n~g m~ga paraan na sukat makahikayat sa tao. Ipinasya niyá na sa tuwing magpupulong ang m~ga “balan~gay”, ay buklatin ang kasaysayang batbat n~g hirap n~g Pilipinas at sa ganito’y paalalahanan ang m~ga kapatid sa kaabaan n~g katayuan n~g lupang-sarili. Tuwing darating ang ika 28 n~g Pebrero, ay nagdaraos n~g m~ga lihim na lamayan na patungkol sa tatlong paring pilipinong sina Gomez, Burgos at Zamora na ipinabitay n~g pamahalaang kastila sa sulsol n~g m~ga “fraile.” Anopa’t ang m~ga bagay na ganito, ang m~ga paguusig kina Rizal at m~ga kasamahan, na paraparang labag sa matwid, ay siyang lagi nang ipinagugunita upang magalab ang loob n~g m~ga kasapi. Bakit ang totoó ay talagang inis na’t tigib na tigib ang pusong matiisin n~g m~ga pilipino sa madlang kaapihang ginagawa sa kanila n~g m~ga maykapangyarihan noon.

45.—Ang m~ga babai ba’y tinatanggap sa “Katipunan”?—Hindi kabilang ang m~ga babai. Subali’t ilan sa kanila, lalunglaluna ang m~ga asaasawa n~g m~ga nasa katipunan, ang nabigyan n~g tungkuling magagaan. Si G. Perfecta Simeon, sa halimbawa, ay ginawang taga-in~gat-yaman sa “Balan~gay Maluningning,” na napatatag sa nayon n~g San Nicolas, Maynila.



46.—Inusig ba n~g m~ga kastila’t fraile ang m~ga mason dahil sa “Katipunan”?—Oo. Anoman ang mangyaring pagtutol n~g m~ga pilipino sa m~ga kahidwaang inaasal n~g m~ga nakasasakop sa atin sa m~ga panahong yaon ay sa m~ga “mason” ibinibintang at ang m~ga ito ang pinagdadadakip at pinarurusahan.

47.—At sa anong dahil?—Kailan~gan ang kaunting paliwanag. Sinabi na natin na ang m~ga “mason” ay di kasangayon sa paghihimagsik na nilalayon n~g m~ga Katipunan. Alam na natin na, ibá ang “Masonería” sa “Katipunan,” at ang “Liga Filipina” nama’y walang kinaalam sa dalawang nauna. Bawa’t isá ay may kanikaniyang uri, palatuntunan at adhikain. Subali’t hindi maikakait na ang “Masonería” at ang kaniyang m~ga kampon ay siláng nagsabog sa m~ga kalahi n~g m~ga kurong dakila ukol sa ikatutubós; silá, ang m~ga masón, ang masasabing nagturo n~g pagbibigkis n~g kalooban sa m~ga pilipino, upang humarap at makipaglaban sa loob n~g kapayapaan sa m~ga makapangyarihang lumulupig sa Lahi; ang m~ga kasapi sa “Masonería,” ay silang nagpakilala sa pamahalaan sa España n~g m~ga masasamang palakad na pinaiiral dito, na siyang ikinalulugmok n~g bayan sa karukhaan, kaapihan at kabusabusan. “Ibig namin—ang hiling sa España n~g m~ga masón—na ang aming baya’y maging karapatdapat, maging malaya’t maginhawa, na sa kaniyang pan~ganorin ay tumanglaw ang maningning na araw n~g katarun~gan at kabihasnan. Ibig namin na dito’y maghari ang pagpapantay-pantay, ang tunay na kalayaan n~g mamamayan sa harap n~g m~ga mapagimbot, na nan~gabubuhay sa pagsugpu sa karapatan n~g bayan na dinidilig ang kanilang kaginhawahan n~g luha n~g bayang nagdaralita.”

48.—Ang m~ga kahilin~gan bang iyan ay napagkilala n~g m~ga taong bayan?—Hindi lamang nakilala kungdi nararamdaman nila sa sarili. Ang m~ga pagsusumikap na yaon n~g m~ga mason ay siyang ikinamulat n~g bayan sa kanyang aping kalagayan. Ito’y nalalaman n~g pamahalaang kastila at lalong natataho n~g m~ga “cura” sa bayan-bayan, pagka’t sa bayang pinamumugaran n~g isang “logia” o n~g m~ga “mason,” ang “cura” at ang m~ga kastila ay di lubhang nakapamayani sa kanilang m~ga masasamang gawa, sapagka’t nahahadlan~gan sila n~g pagkakaisa n~g m~ga taong bayan sa pagtutol laban sa m~ga masasama nilang palakad. Napapansin din n~g m~ga “fraile” na ang pasok n~g salapi sa simbahan ay umuunti, sanhi sa kagagawan n~g m~ga mason na nagtuturo sa bayang iwanan ang patay sa loob n~g simbahan at huwag magbayad n~g anoman. Itinuturo rin naman nila na huwag bilhin ang m~ga kalmen, ang m~ga kuwintas, ang m~ga kandila, ang m~ga istampá, ang m~ga bula, ang m~g novena, na kinakalakal n~g kombento.

49.—Kailan pa inusig ang m~ga mason?—Ang masikhay na paguusig sa kanila, ay masasabing nagsimula noong taong 1892 at sumidhi n~g mapatatag na ang “Katipunan” at si Bonifacio’y walang humpay sa pagpapalaganap n~g kanyang samahan. Paano’y alam n~g pamahalaang kastila’t n~g m~ga “fraile” na si Bonifacio’y “mason,” bukod sa ang layunin at m~ga ipinupunla n~g “Katipunan,” ay huwad sa “Masoneria.” Kaya, lahat n~g kilos nina Bonifacio at m~ga kasamahan ay sa m~ga “mason” ibinabagsak, bakit ang amá naman n~g “Katipunan,” sa nasa niyang magkasamasama ang lahat, sa lilim n~g watawat n~g samahang kaniyang pinamunuan, ay di lamang hindi nagpapasinun~galing sa gayong akala kundi bagkus pang pinagtitibay. Ang m~ga “mason,” n~g m~ga panahong yaon, ay sila ang lumalagay na tagataguyod n~g kalayaan n~g bayan at sila’y pinagpipitaganan n~g maraming kababayan, lalonglalo na ang m~ga “masong” siná Rizal, Del Pilar, Lopez Jaena, at iba pa, na may m~ga pagtatanggol na ginawa ukol sa kalayaan n~g Pilipinas at lagi nang ipinagsasanggalang ang kaapihang tinitiis n~g kanilang kababayan.

50.—Hindi ba itinigil ang paguusig na yaon sa m~ga mason?—Nang taong 1893 at n~g m~ga unang buwan n~g taong 1894, ay napatigil ang m~ga paguusig sa kanilá. Palibhasa’y naipatapon na si Rizal sa Dapitan—na sa ganang m~ga kastila’t fraile’y siyang pinakapuno n~g kilusan n~g m~ga “mason”—at naparusahan na ang m~ga inaakalang kinaalam sa pagtutol na ginampanan n~g m~ga pinaguusig na gaya nina Doroteo Cortes, Jose Basa, Ambrosio Salvador, Mariano Apacible at marami pang taganas na m~ga “mason,” ang m~ga kalaban n~g kalayaan n~g bayan ay napatahimik. Dahil dito’y muli na namang nagsikilos ang m~ga mason at binuhay na muli ang kanilang m~ga pagpupulong tun~go rin sa ikagagaling n~g sariling bayan.

51.—Nagtagal ba ang gayong katahimikan?—Hindi. Nang taong 1895 ay muli na naman silang pinagusig. Ang kilusan sa paghihimagsik n~g “Katipunan” na noo’y lumaganap na sa m~ga taong bayan, lalonglaluna sa m~ga lalawigang tagalog, ay sa m~ga mason naman ipinagbintang. Sila na naman ang hinuli, pinahirapan at ipinagbibilanggo. Ang m~ga “convento” ay nagsikilos, ang m~ga pinunong kastila ay paraparang nagsusumikap sa pagbibintang na ang m~ga “logia,” ay walang linalayon kundi ang paghiwalay n~g Pilipinas sa España. Ang bun~ga n~g lahat n~g ito ay ang pagsisiyasat sa m~ga bahay bahay n~g m~ga mason, ang pagpapabilanggo, pagpapatapon sa malalayong bayan sa m~ga magiting na kampon n~g “Masonería.” Dahil dito, marami rin sa m~ga mason na noong una’y di kasangayon ni Bonifacio sa paghihimagsik, ang tumulong na tuloy sa pagpapalaganap n~g “Katipunan.”



52.—Ano ang ginawa n~g “Katipunan” sa harap n~g m~ga nangyayaring yaon?—Inihanda na ang paghihimagsik. Si Bonifacio at ang ilan niyang matatalik na kawani ang madalas magsilabas sa m~ga bundok na nakalilibid sa Maynila at kanilang pinagaaralan ang tumpak na paraan sa pagsalakay dito at ang magagawang kuta n~g kawal n~g “Katipunan” sa pakikilamas.

53.—Kailan nahuli ang m~ga kasapi sa “Katipunan”?—Niyong ika 13 n~g Agosto n~g 1896 sa San Piro Makati. Bagá man m~ga kasapi sa “Katipunan” ang nan~gahuli, ay m~ga “mason” din, daw, alinsunod sa sulat n~g “cura” sa tinurang bayan na si Agustin Fernandez sa pinuno n~g Kastila rito sa Maynila na si Luengo. N~guni’t bago pa mangyari ito, ang teniente n~g Guardia Civil na si Manuel Sityar, niyong ika 5 n~g buwan n~g Hulyo n~g taón ding yaon, 1896, ay sumulat na sa m~ga pinuno niya, sa Maynila, at ibinabalita na siya’y may natuklasang inihahandang paghihimagsik laban sa pamahalaan na ang man~ga san~ga ay nasa San Juan del Monte, San Felipe Nery, Pandakan, Marikina at Montalban. Ibinabalita rin na may m~ga ilang libo ang magsisipaghimagsik na nagsipanumpa sa pamamagitan n~g sarili nilang dugo na inilagda sa kasulatan nang sa gayo’y magtumibay sa pakikibaka hanggang sa matamó ang kasarinlan n~g Pilipinas.

54.—Umabot ba sa kaalaman ni Bonifacio ang ganyang m~ga ibinalita?—Oo. Simula pa nang itinatag ang “Katipunan”, ay nakahikayat na nang ilang kababayang nagsisipaglingkod sa m~ga kawanihan n~g pamahalaang kastila at gayon din ang ilan sa nagsisipaglingkod sa bahay n~g m~ga pinuno at sa m~ga “convento.” Nang m~ga araw na yaon, ay nakapaglagay na ang “Katipunan” n~g kaniyang m~ga tiktik sa loob n~g pamahalaan na naghahatid kay Bonifacio n~g m~ga balitang kailan~gan nitó. Kaya, n~g malaman niyang natuklasan na ang “Katipunan” n~g may kapangyarihan, ay pinulong ang lahat n~g m~ga pan~gulo sa m~ga balan~gay at m~ga kasapi sa pook n~g Kankong, Kalookan, niyong ika 17 n~g Agosto n~g 1896. Ang pulong ay sinimulan n~g ika 8 n~g umaga at natapos n~g magtatakipsilim na. Mainit at mahigpit ang kanilang pagtatalo. May m~ga ayaw munang gawin ang paghihimagsik sa kawalan n~g m~ga sandata’t baril na ilalaban, n~guni’t marami ang may ibig at ayaw nang magsiuwi sa kanikanilang bahay. Sa wakás ay pinagtibay din at bilang saksi n~g pinagkasunduan, lahat ay nagsidukot at kinuha ang kanikanilang m~ga “cedula personal” at pinagpupunit, tandang hindi na sila babalik sa kanikanilang bahay. Pagkatapos ay nagpangkatpangkat na.

55.—Ano pa ang kanilang pinagtibay?—Na salakayin ang Maynila n~g ika 30 n~g buwang binanggit. Datapwa, n~g matuklasan ni P. Mariano Gil, “cura” sa simbahan n~g Tundo, ang m~ga kasulatan n~g “Katipunan” at pati n~g batong pinaglilimbagan n~g “recibo” nito, dahil sa sumbong n~g isang nan~gan~galang Teodoro Patiño, na nakuha sa pagawaan n~g pahayagang “Diario de Manila,” n~g ika 19 n~g buwang ding yaon, ang m~ga sundalo’t “guardia civil” ay nagsisipagsiyasat sa m~ga palipaligid n~g labas n~g Maynila, kaya’t n~g ika 23 n~g buwang ito ay nangyari ang unang labanan n~g m~ga iyon sa kawal n~g “Katipunan” sa Balintawak. Sinimulan na ang panghuhuli at pagpapahirap sa m~ga napagbintan~gan.

56.—Ano ang inilalaban n~g m~ga kasapi sa “Katipunan”?—Ilang itak, bukaweng tinulisan, palasan, m~ga “revolver” na kinuha n~g m~ga Katipunan sa Maestranza, dalawa o tatlong baril na naagaw sa m~ga sundalo n~g pamahalaang kastila.

57.—Nagpatuloy ba sa ganito?—Oo. N~guni’t itinatag na ni Bonifacio ang kanyang pamahalaan sa “Pasong Tamo”, Kalookan, at pagkatapos sa bundok n~g “Balara”, Marikina. Mula doon ay siya’y naguutos sa tulong n~g kanyang m~ga kagawad. Ang pamahalaan n~g “Katipunan,” ay di na sa samahang ito lamang kundi binigyan na n~g uring pangbansa. Ganitó: Presidente, Andrés Bonifacio; Ministro de Estado, Emilio Jacinto; Ministro de Guerra, Teodoro Plata; Ministro de Gobernacion, Aguedo del Rosario; Ministro de Gracia y Justicia Briccio Pantas; Ministro de Hacienda, Enrique Pacheco; Secretario General, Daniel Tria Tirona at Tesorero General, Silverio Baltazar (Kapitan sa bayan n~g Kalookan).

58.—Ang pamahalaan bang iyan ang namatnugot n~g paghihimagsik?—Oo. Datapwa, ang nais ni Bonifacio, bagaman si Rizal ay di nila kaayon, ay siya’y gawing pan~gulong pangdan~gal at siya’y magawang sanggunian, bagay itong di nangyari. Nang si Rizal ay dumating sa Maynila noong ika 5 n~g Agosto n~g 1896 na galing sa Dapitan na pinagtapunan sa kanya, ay tinangka nina Bonifacio, Emilio Jacinto at ibang kasamahan na siya’y itanan. Si Emilio Jacinto ay nagsuot marinero at nagsadya sa lancha “Caridad” na kinalululanan ni Rizal sa paglunsad sa bapor “España.” Kunwa’y naglilinis, at sa isang pagkakataon ay ibinulong sa ating bayani: “Kung kayo po’y ibibilanggo, ay ililigtás namin kayo. Kami’y nahahanda.” Palibhasa’y umaasa si Rizal sa kalinisan n~g kanyang budhi sa matapat na pakikisama niya sa pamahalaan noon, sumagot n~g gayari: “Salamat. Huwag ninyong gawin iya sa akin. Bayaan ninyo’t nalalaman ko ang aking gagawin.” Dahil dito, ang nais na yaon nina Bonifacio ay di n~ga nangyari at sa gayo’y napilitang magkasya na sa sarisarili nilang pamamatnugot n~g “Katipunan.”

59.—May m~ga palatuntunan ba ang paghihimagsik?—Iilan lamang, yaong lubhang kinakailan~gan sa m~ga unang pagkilos. Pinasiyahan nila na ang magbabalita n~g pagsalakay sa Maynila, ay hihip n~g m~ga “tambuli” mula sa m~ga bundok na kinaroroonan n~g m~ga kawal. Ang hudyatan upang magkakilanlan ang magkakapatid ay ang salitang “Balan~gay” na dapat sagutin n~g “Marikit.” Nang ika 27 n~g Agosto, 1896 ay lumipat si Bonifacio at ang kanyang m~ga kasamahan sa pook n~g “Balakbak,” nayon n~g “Hagdangbató,” at sa isang kamalig, ay kaniyang isinulat at ipinadala sa m~ga kinauukulan ang sumusunod na pahayag:

“m~ga maginoong namiminuno, kasapi at m~ga kapatid:

“Sa inyong lahat ipinatutungkol ang pahayag na ito. Totoong kinakailan~gan na sa lalong madaling panahon ay putlin natin ang walang pan~galang panglulupig na ginagawa sa m~ga anak n~g bayan, na n~gayo’y nagtitiis n~g mabibigat na parusa at paghihirap sa m~ga bilangguan, na, sa dahilang ito’y mangyaring ipatanto ninyó sa lahát n~g m~ga kapatid na sa araw n~g Sabado, ika 29 n~g kasalukuyan, ay puputok ang paghihimagsik na pinagkasunduan natin, kaya’t kinakailan~gang sabaysabay na kumilos ang m~ga bayan-bayan at sabaysabay na salakayin ang Maynila. Ang sino pamang humadlang sa banal na adhikaing itó n~g bayan ay ipinalalagay na taksil at kalaban, maliban na n~ga lamang kung may sakit na dinaramdam o ang katawa’y maysala, at sila’y paguusigin alinsunod sa palatuntunang ating pinagiiral.—Bundok n~g Kalayaan, ika 28 n~g Agosto n~g 1896—ANDRES BONIFACIO.”

60.—Sinunod ba n~g bayan ang pahayag na iyan?—Lahat n~g nakabatid ay nagsisunod. Kinabukasan n~ga n~g gabi, (29) ay nagkaroon na n~g labanan sa buong paligid n~g Maynila. Nang ika 30 n~g buang ito ay nagkaroon na n~g mahigpit na labanan sa Balintawak, sa San Juan del Monte at sa iba pang pook. Si Bonifacio ay nagpakita n~g di karaniwang katapan~gan at gayon din ang kanyang m~ga kasamahan. Nasupil nila at naagawan n~g ilang baril ang m~ga himpilan n~g guardia civil. Kaya noon din ay ipinasya ni General Blanco, kataastaasang puno n~g Kastila dito sa Pilipinas, na ipalagay na pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila, Bulakan, Kapampan~gan, Nueva Ecija, Tarlak, Laguna, Batan~gan at Kabite, at iniutos na bantayang mahigpit ang m~ga mamamayan.

61.—Ano pa ang ginawâ n~g pamahalaang kastila sa harap n~g m~ga pangyayaring yaon?—Pinagdadakip ang lahat n~g kilalang mason o m~ga kamaganak at kaibigan nila at kinulong sa Bilibid, sa Fuerza de Santiago at sa ibá pang sukat kapiitan, gaya n~g silong n~g m~ga kuta (muralla) na nakakakulong sa loob n~g Maynilà (Intramuros). Ang m~ga mayayamang katulad n~g m~ga Yangko (ama); Roxas, Zamora, Bautista at iba’t ibá pa’y pinaghuhuli at piniit sa bilangguan, at gayon din ang m~ga pilipinong napapatan~gi sa dunong at sa kabuhayan. Ang m~ga kasapi sa “Katipunan,” ay pinagdadakip din at pinahirapan sa loob n~g bilangguan. Palibhasa’y nakilala na ang kaparaanang ginagawâ sa pagsapi,—dahil sa pagkatuklas n~g binanggit na “cura” sa Tundong si P. Mariano Gil,—lahat n~g m~ga manggagawa sa m~ga pagawaan, ang m~ga lalaking lumalakad sa m~ga lansan~gan sa Maynila at sa m~ga bayang katagalugan, ay isá isáng nilililisan n~g manggas n~g baro n~g m~ga “guardia civil” at “veterana” at tinitignan kung may piklat na gurlis at ibinibilanggo. May m~ga ilan na nagkasugat o tinubuan kaya n~g galis sa bisig, kahit na di sa lugal na kinukudlitan sa pagkuna n~g dugo na inilalagda sa kasulatan n~g panunumpa n~g m~ga kasapi sa “Katipunan,” ang ibinilango, pinahirapan at pinagbabaril sa Bagumbayan (Luneta) at sa loob n~g m~ga bilanguan.

62.—Ang m~ga mayayama’t m~ga marurunong na pilipino ay di lamang ang hindi kasapi sa “Katipunan” kundi kasalun~gat pa mandin nito, ¿bakit sila pinagdadakip at pinabaril ang ilan?—Si Bonifacio rin at ang “Katipunan” ang masasabing may kagagawan n~g gayong panghuhuli. Nang malaman ni Bonifacio na ang m~ga mayaman at m~ga litaw na pilipino, ay ayaw sa paghihimagsik, siya’y umisip n~g isang paraan na ang m~ga ito’y mapadamay sa paguusig sa m~ga taga “Katipunan”. Una, ay nang lalong masugatan ang puso n~g m~ga taong bayan kung makitang pati n~g m~ga mayayaman’t m~ga litaw na kababayan ay pinipiit at pinagbabaril, at, ikalawa’t higit sa una’y nang sa gayon ay lalong lumagablab ang apoy n~g paghihimagsik. Anopa’t sa kanyang pagkatunay na manghihimagsik, ang ibig ni Bonifacio ay magkahalohalo na ang balat sa tinalupan. Kaya, nang mairaos na ang pulong na nagpasiya n~g pagsalakay sa Maynila, ay iniutos ni Bonifacio kina Emilio Jacinto at Guillermo Masangkay na isabog sa ilang pook n~g Maynila ang m~ga kasulatan na sadyang inihanda ni Bonifacio at nang m~ga alagad niya, na nagpapakilalang ang m~ga nan~gakalagda ay m~ga kinaalam at kasapi sa “Katipunan,” bagaman ang totoo, ay hindi, at ang m~ga kasulatang yao’y ginawa lamang at hinuwaran ang lagda n~g ilang m~ga litaw na mayayaman at marurunong na pilipino nang sa gayo’y mapasubo o isubo sila sa ginampanang paghihimagsik n~g bayang maralita, sa ikabubuti n~g lahat.

63.—Iyan ba’y inihayag ni Bonifacio sa lahat n~g m~ga kasapi?—Ang ginawa niyang panghuhuwad sa m~ga lagdang binanggit ay hindi inihayag, n~guni’t talagang ipinababasa sa m~ga kasapi sa “Katipunan” at n~g sa gayo’y lalong lumakas ang loob n~g kaniyang m~ga alagad. Katunayan nito, ilan sa m~ga nahuli ang sa hirap sa m~ga pasakit ay nagturó n~g nagturó sa ilang taong litaw, bagama’t ang ilan sa m~ga isinigaw ay sa gawa na lamang n~g higpit n~g m~ga parusa.

64.—At ano ba ang m~ga parusang iginagawad sa m~ga hinuhuli?—Mahaba’t ma’y kahirapang isaisahin. N~gunit ang karaniwan ay ang huwag pakanin n~g maghamaghapon; paluin sa talampakan; palakarin sa munggo, ibitin n~g patiwarik at biglang ibagsak; paluin n~g palasan n~g patihaya; duruin n~g aspile ang kukó; inisin sa m~ga bartolina na maghamaghapong nakatayo; ilubog sa balon at makasandali’y han~guin at iba’t iba pa. Sa katapustapusan ay barilin.

65.—Sino sino ang m~ga pinagbabaril?—Hindi maaaring isiwalat. Marami. Sa m~ga kasapi sa “Katipunan” ay di na kailan~gan sabihin pa. N~guni’t ang m~ga unang ipinabaril n~g pamahalaang kastila sa Luneta noong ika 4 n~g Septiembre n~g 1896, ika 5 at 1/2 n~g hapon, ay siná: Sancho Valenzuela, Eugenio Silvestre, Modesto Sarmiento at Ramon Peralta. Ang m~ga masong binaril sa Maynila ay ito: Jose Rizal, Domingo Franco, Numeriano Adriano, Moises Salvador, Luis E. Villareal, Faustino Villaruel, Ramon Padilla, Jose Dizon at Antonio Zalazar. Sa m~ga lalawigan naman ang m~ga masong binaril o pinatay (marami ang sa hirap n~g m~ga parusa ay namamatay) sa gayon o ganitong kadahilanan ay ang sumusunod: Rosalio Silos, sa Mindanao; Lauro Dimayuga, sa Batan~gan: Domingo Cecilio, Ciriaco Sarile, Teodorico Lagonera, Pantaleon Belmonte, Quintin Tinio, Mamerto Natividad, at Marcos Ventus sa Nueva Ecija: Francisco Tañedo at Procopio Hilario sa Tarlak: Leon Hernandez sa Kamarines; at ang ilan sa m~ga binaril sa Kabite ay sina Victoriano Luciano, Maximo Inocencio, Feliciano Cabuco, Eugenio Cabezas, Hugo Perez, Maximo Gregorio, Jose Lallana, Severino Lapidario at Alfonso Ocampo.

66.—Ilang panahon nagtagal ang paghihimagsik?—Mula n~g ika 29 Agosto n~g 1896 hanggang noong pumasok sa Maynila ang hukbo n~g m~ga amerikano noong ika 13 n~g Agosto n~g 1898, bagaman n~g lagdaan ang “Pacto de Biak-na-Bato” noong ika 4 n~g Agosto n~g 1897, ay nahinto ang labanan na inulit uli n~g Mayo n~g taong sumunod, 1898, n~g nagbalik dito si Aguinaldo na buhat sa Hongkong. Dapat din sabihin na naririto na ang m~ga amerikano sa Maynila, ay nakikipaglaban pa ang kawal n~g paghihimagsik sa ilang bayan na hindi pa nahuhulog sa kamay n~g m~ga pilipino at sa katunaya’y ang ilan ay nagsisuko o napasuko nang naririto na sa Maynila ang hukbó n~g amerikano.

67.—Kailan dumating sa Pilipinas ang m~ga Amerikano?—Noon n~gâng unang araw n~g Mayo n~g 1898. Nagbubukang liwayway n~g nagsipasok sa look n~g Maynila ang m~ga sasakyang-dagat na pangdima n~g Estados Unidos at kapagkaraka’y nilusob ang m~ga sasakyang dagat na pangdima n~g m~ga kastilà at m~ga ilang sandali lamang ay napipilan at napalubog itong m~ga huli. Sa look n~g Maynila ay namalagi ang m~ga sasakyang dagat na nagwagi hanggang noong ika 13 n~g Agosto n~g 1898 na nilusob n~g hukbong amerikano ang Maynila at sa kanilá isinuko ang bayang ito n~g m~ga maykapangyarihang kastila n~g araw ding yaon.

68.—At ang hukbo n~g “Katipunan,” ay ano ang ginawa n~g araw na yaon?—Dapat munang sabihin na hindi na hukbo n~g “Katipuuan” ang máitatawag sa m~ga kawal na yaong nagsipaghimagsik, sa dahilan noon ika 24 n~g Mayo n~g 1898, nang si Emilio Aguinaldo, ay magbalik sa Kabite na galing sa Hongkong (ika 15 n~g Mayo, 1898), ay itinanghal niya ang kasarinlan n~g Pilipinas, na siya ang pinaka Dictador, kundi hukbo n~g Pamahalaang Pilipinong Naghihimagsik. Noong ika 12 n~g Hunyo n~g 1898, ay inihayag at itinanghal naman sa Kawit ang uri n~g Pamahalaang sarili n~g Sangkapuluang Pilipinas at susog dito’y itinatag ang Pamahalaang Pilipinong Naghihimagsik, na ang Pan~gulo ay si Emilio Aguinaldo. Ang m~ga kawal n~ga nito, ay nangakarating at nagsihimpil hanggang sa m~ga nayon n~g Maynila, gaya n~g Gagalan~gin, Cervantes, Sampalok, Santa Mesa, Pako at Ermita, kasabay halos n~g hukbong amerikano na nagsipasok n~g ika 13 n~g Agosto n~g 1898.

69.—Ano pa ang nangyari?—Ang hukbo n~g Estados Unidos, ay nasa Maynila at Kabite (kabayanan) at ang hukbong pilipino nama’y siya n~gang sumasakop sa m~ga bayanbayan at nakikipaglabanan pa sa hukbó n~g m~ga kastila doon sa ilang bayang nasa kamay pa n~g m~ga ito. Nang ika 15 n~g Septiembre n~g 1898, ay idinaos sa simbahan n~g Barasoain, Malolos, ang unang Kapulun~gang Bayan na binubuo n~g 85 kinatawan n~g m~ga lalawigan n~g Sangkapuluang Pilipinas. Nang ika 29 n~g Nobyembre n~g taon ding ito ay pinagtibay n~g kapulun~gang sinabi ang Pan~guluhang-batas (Constitucion) na paiiralin sa Pilipinas at n~g 21 n~g Enero n~g 1899, ay inihayag na’t pinairal ang binanggit na Pan~guluhang-batas at tuloy itinanghal ang República Filipina sa simbahan n~g Barasoain, Malolos.

70.—Bakit namayani sa Pilipinas ang hukbo n~g Estados Unidos?—Ganito ang nangyari: Nang ika 20 n~g Disyembre n~g 1898 ay pinagkasunduan n~g España at Estados Unidos ang paghinto n~g kanilang digmaan, na nagmula n~g buwan n~g Abril n~g 1898. Ang linagdaang yao’y pinagtibay n~g Senado n~g Estados Unidos n~g ika 6 n~g Pebrero n~g 1899. Sa kasunduang ito’y ipinagkaloob n~g España sa Estados Unidos ang Sangkapuluang Pilipinas. Nang ika 4 n~g Enero n~g 1899, ay iniutos n~g Pan~gulong Mckinley n~g Estados Unidos sa kay General Otis na siyang namiminuno sa hukbong amerikano sa Pilipinas na ipakilala sa m~ga pilipino ang kapangyarihan n~g Estados Unidos dito. Ang Pamahalaang pilipino ay tumutol at ayaw kilanlin ang nasabing kapangyarihan at karakaraka’y inihanda ang m~ga kawal sa pakikibaka. Lahat n~g katwiran n~g isang bayang natutong maghimagsik ay ginamit. Nang kagabihan n~g ika 4 n~g Pebrero n~g 1899, isa sa m~ga pinuno n~g hukbong pilipino ang ibig bumagtas sa tulay n~g San Juan del Monte, n~guni’t siya’y binaril n~g nakabantay doon na isang sundalong amerikano. Dito na nagsimula ang pakikibaka n~g hukbong amerikano laban sa hukbong pilipino na nagtagal n~g ilang taon, hanggang sa napipilan n~g lakas n~g malaki at mayamang Estados Unidos ang kamuraan at kahinaan n~g Republica Filipina.

71.—Kailan lamang nagsisuko ang lahat n~g ating kawal?—Baga ma’t si Emilio Aguinaldo ay nadakip n~g ika 23 n~g Marso n~g 1901, sina general Lukban, sa Samar, at si Malvar, sa Batan~an, ay nagsilaban pa at nagsisuko na lamang na kasama ang kanilang m~ga kawal n~g talagang supil na supil na n~g kalaban at wala n~g makain. Ang una’y sumuko n~g Pebrero n~g 1902 at ang ikalawa ay n~g Hunyo n~g tinuran ding taon.



72.—Samakatwid ang panghihimagsik n~g “Katipunan” n~g Agosto n~g 1896, ay siyang pinanggalin~gan n~g Hukbo n~g Pilipino at siyang ginamit sa pagtatatag n~g Republica Filipina?—Oo. At salamat sa paghihimagsik na yaon ay taas ang noo n~g bayan natin sa paghin~gi n~g kalayaan at kasarinlan. Anopa’t ang isang bayang natutong maghimagsik dahil sa kanyang kasarinlan ay karapatdapat na mabuhay n~g malaya.

73.—Lahat ba’y kumikilala sa kadakilàan n~g ginawa ni Bonifacio at n~g “Katipunan” ukol sa Bayan?—Nang m~ga unang araw ay hindi, lalunglaluna ang m~ga pusakal niyang kalaban na m~ga “fraile.” Sa pahayagan n~g m~ga ito na ang pamagat ay “Libertas” ay sinabing kung ipagtatayo, raw n~g monumento si Andrés Bonifacio ay mapan~gan~ganlang “monumento al crimen,” at ang m~ga heswita nama’y ipinalalagay na ang amá n~g “Katipunan” ay isang “criminal” sa kasaysayan n~g Pilipinas na itinuturo nila sa m~ga bata sa Ateneo de Manila. Ito’y tinutulan n~g m~ga pahayagang pilipino at n~g ilang m~ga litaw na kababayan.

74.—Ano ang ginawàng paran~gal n~g bayan kay Bonifacio at sa “Katipunan”?—Mula n~g taong 1901 sa isang pook nitong Maynila, sa daang Alvarado, ay nagdadaos taón-taón n~g paran~gal na alaala sa amá n~g “Katipunan.” Untiunti ay lumalaki ang ginagawang yaon at lumalaganap sa ibang m~ga pook n~g Tundo. Nan~g ika 3 n~g Septiembre n~g 1911, sa balak n~g m~ga pahayagang tunay na makabayan na “El Renacimiento” at “Muling Pagsilang” at sa pagaambagambagan n~g m~ga taong bayan, ay itinayo ang bantayog sa Balintawak, na bilang alaala sa m~ga bayani n~g panghihimagsik n~g 1896. Ang Legislatura Filipina naman, sa balak n~g Kapulun~gang Bayan, ay naglaan na n~g salaping igugugol sa isang bantayog sa nayon n~g Kalookan na kahahangganan n~g daang “Avenida Rizal,” bilang alaala at pagbubunyi n~g bayan kay Andrés Bonifacio. At noong ika 30 n~g Nobyembre n~g 1920, ang Senador Lope K. Santos, ay nagharap sa Senado n~g isang mungkahing kautusan na itinatakdaang araw na pan~gilin ang ika 30 n~g Nobyembre, bilang alaala sa araw na iyan na kapan~ganakan ni Andrés Bonifacio. Pinagtibay naman n~g Legislatura Filipina at ang bilang n~g batas ay 2946. Kayâ, mula noong ika 30 n~g Nobyembre n~g taong 1921, ay ginagawa n~g pan~gilin ang araw na ito sa taon-taon. Sa gayo’y napagtibay na n~g m~ga tunay na Kinatawang-bayang nagsisibuo n~g Senado at n~g Cámara de Representantes; ang mahalagang utang n~g Sangbayanang Pilipinas kay Andrés Bonifacio at sa “Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan n~g m~ga Anak n~g Bayan,” na pinagmulan n~g tagumpay n~g minimithing Kasarinlan sa puso n~g lahat.

75.—Kailan namatay si Bonifacio at ano ang ikinamatay?—Ang m~ga tanóng na iyan ay mahabang salaysayin. Gayon man, ay pagaralan nating ipatanto ang ilang bagay ukol sa pagkapatay sa kanya. Sa dahilang hindi nagkakaisa noong m~ga unang buan n~g taong 1897, ang m~ga pinuno n~g Paghihimagsik, na nasa sa Kabite, na sina Bonifacio, Aguinaldo at iba pa ukol sa m~ga kaparaanan n~g kanilang ginagampanan, ay nagkaroon n~g m~ga hinanakitan sa loob ang isa’t isa. Ang hinanakitang yao’y isinaysay ni Bonifacio na rin sa dalawa niyang sulat kay Emilio Jacinto, na ginawa sa Naik ukol sa ika 16 n~g Abril ang isá at ang isá nama’y ukol sa ika 24 n~g buan ding ito n~g taong 1897 na yari sa Limbon. Anopa’t sa ikalawang sulat ay sinasabing siya’y mayhinala na sina Aguinaldo at ang m~ga kapangkat nito’y ibig “isuko ang buong Revolucion.”

“Isang balitang nakasusuka—ang wika ni Bonifacio sa sulat niyang ito kay E. Jacinto—ay ang kataksilan n~g m~ga namiminuno sa “Magdalo”. Sila’y napasakop sa kapatawaran (indulto) o kumampí sa m~ga kastila. Ang tinurang m~ga puno ay sina: Daniel Tirona, Ministro de la Guerra; José del Rosario, Ministro del Interior; José (?) Cailles, Teniente general, at ang iba pang m~ga tagá Tansá at pati n~g “cura” roon, na m~ga alipuris ni Kapitang Emilio.”

Nang 1896, ay may dalawang pangkat sa lalawigang Kabite na nagsisipamatnugot sa paghihimagsik doon. “Magdalo” ang pamagat n~g isa na pinan~gun~guluhan ni Baldomero Aguinaldo (kapatid ni Kapitang Emilio), at ang isa nama’y pinamagatang “Magdiwang,” na pinan~gun~guluhan naman ni Mariano Alvarez. Ang nasasakupan n~g una’y ang m~ga bayang Kawit, Imus, Bakood, Perez Dasmari~nas, Silang, Mendez Nuñez at Amadeo, at ang nauukol naman sa huli’y ang iba pang m~ga bayan n~g tinurang lalawigan.

Nang makapasok na ang hukbó n~g m~ga kastila sa maraming bayan n~g Kabite, mula n~g mapatay ang bayaning si Evangelista sa Sapote, n~g ika 17 n~g Pebrero n~g 1897, ang pangkat na “Magdalo” ay umurong sa San Francisco de Malabon at umanib sa pangkat na “Magdiwang.” At upang magkaroon n~g pagkakaisa sa pamamatnugot n~g paghihimagsik doon, noong ika 12 n~g Marzo n~g 1897, ay nagdaos n~g isang pulong silang m~ga nagsisibuo n~g dalawang pangkat upang itatag ang isang Pamahalaang Tagapamatnugot n~g Paghihimagsik sa “casa-hacienda” sa Tejeros. Ang nan~gulo ay si Andrés Bonifacio na rin. Bago idaos ang halalan n~g m~ga magsisibuo n~g tinurang Pamahalaan ay ipinatalastas ni Bonifacio na, anoman ang kalabasan, ay kaniang igagalang. Ginawa ang halalan at ang kinalabasan ay itó: Emilio Aguinaldo, Pan~gulo; Mariano Trias, Ikalawang-pan~gulo; Pan~gulong hukbo, Artemio Ricarte; Taga-Pamatnugot n~g Digma, Emiliano Riego de Dios; at si Bonifacio ay Director del Departamento del Interior. Si Bonifacio ay hindi tumutol sa kinalabasan n~g halalan; n~gunit si Daniel Tirona, ay tumutol sa pakakahalal kay Bonifacio, at ipinalagay na “dapat ihalal si José del Rosario sa tungkol na pinaglagyan kay Bonifacio,” pagkat ang taong kanyang ipinalalagay ay “lalong maykaya kay sa napahalal, sa tungkuling hahawakan.” Dito, umanó, nagpakita n~g hinanakit at poot si Bonifacio. Nagkaroon n~g m~ga kasulatan n~g pagtutol sa halalang binanggit sa una. May m~ga tutol na linagdaan nina Andrés Bonifacio, Procopio Bonifacio, Mariano Trias, Pio del Pilar, Artemio Ricarte at Severino de las Alas. Makalipas araw, ay naapula rin ang tutulan at ang isa’t isa sa m~ga nahalal at sampu n~g m~ga pinunong sakop n~g Pamahalaang yaon, ay paraparang nagsisumpa n~g kanikanilang tungkol. Sa sama n~g loob, ang ginawa ni Bonifacio at n~g dalawa niyang kapatid na sina Procopio at Ciriaco ay nilisan ang Kabite at pumatun~go sa m~ga bundok n~g San Mateo. Sila’y hinabol n~g m~ga kawal ni Aguinaldo. Napatay ang kapatid niyang si Ciriaco. Si Andrés Bonifacio ay nagkaroon n~g tatlong sugat at siya’y binihag n~g m~ga humabol sa kanila pati n~g isa niyang kapatid. Dinala sila sa Naik at pagkatapos sa Marigundong. Tatló naman ang nasugatan sa nagsihabol.

76.—At ano ang ginawâ sa kanila?—Sa “Bundok Buntis” sila inihantong. Isang “Hukom n~g Digma” ang itinatag upang ang magkapatid ay mahatulan sa ibinubuhat na kasalanang umano silang dalawa’y nagtatayo n~g isang lakas na isasalun~gat sa Paghihimagsik at nag-sisiiwas sa Pamahalaan n~g Paghihinmagsik. Ang tinurang hukom, ay pinan~gun~guluhan n~g binitay na si General Noriel at ang iba pang nagsisibuó, ay siná Clemente J. Zulueta; Pedro Lipana, Juez Instructor; Santos Nocon, Fiscal; at m~ga saksi ay sina Agapito Bonzon at Pedro Sison. Ang tagapagtanggol ni Andrés Bonifacio ay si Teodoro Gonzalez, na naging kalihim niya. Ang naging hatol n~g Hukuman ay ipadala silang magkapatid sa pook n~g Look, Batan~gan, upáng doon sila mamalagi. Datapwâ, dahil, umanó, sa matinding pagsalakay n~g hukbó n~g m~ga kastila at sa mahigpit na kahilin~gan n~g marami na di kaayon ni Bonifacio, ang magkapatid, ay binaril sa “Bundok Buntis,” noong ika “10 n~g Mayo n~g 1897,” isáng araw bago mapasok n~g hukbong Kastilà ang Marigondong.

Malaking pagdaramdam ang naghari sa lahat, n~g mabalitaan ang naging wakás n~g buhay n~g Amá n~g “Katípunan.” Gayon man, ay hindi rin nagkapangkatpangkat ang m~ga kawal n~g Paghihimagsik at ang lahat ay kumilala sa m~ga nahalal na pinunong nagsisipamatnugot n~g Paghihimagsik sa ilalim n~g kataastaasang pan~gun~gulo ni Emilio Aguinaldo. May m~ga ibá pang balita ukol sa nangyaring iyan kay Bonifacio. Datapwa, sa ganang atin, ay maaring buuin ang m~ga pangyayaring yaon ukol sa pagkamatay niya, sa ganitó:

Na, siná Bonifacio at m~ga kapatid ay hindi kaayon nina Aguinaldo at m~ga kapangkat nitó at ang gayo’y pinagmulan n~g samaan n~g loob n~g isá’t isá;

Na, ang samaan n~g loob na yaon, ay tumimo sa puso ni Bonifacio, pagkaraan n~g halalang ginawa n~g m~ga Tagapamatnugot n~g Paghihimagsik;

Na, si Bonifacio ay humiwalay sa Pamahalaang yaon, at ayaw kilanlin at sila’y lumaban sa humabol sa kanila;

Na, siya’y hinatulan n~g isáng sadyang Hukuman ukol sa m~ga panahong yaon, at siya’t ang kanyang kapatid, ay binaril sanhi sa m~ga kadahilanang nabanggit na; at

Bagaman nangyari ang m~ga malulungkot na bagay na yaon, ang Pamahalaang Tagapaghimagsik na binanggit, ay kinilala n~g m~ga pinamamahalaan at n~g madlang kampon; at ang Paghihimagsik na siyang pan~gunahing layon ni Bonifacio, ay naganap n~ga.

77.—Anó ang palapalagay hinggil sa pakakapatay kay Bonifacio?—Hindi nagkakaisa ang lahat sa kanilang kuro at palagay ukol sa pagkapatay na yaon sa Ama n~g ating Paghihimagsik. Nagkakasalun~gatan at nagkakaibá. May nagsasabing tumpak at may nagsasabing hindi. Si José Clemente Zulueta ang siyang, umanó, nagsabi, na “Kailan~gan sa ikapagtatagumpay n~g Paghihimagsik ang pagkapatay kay Bonifacio, n~g m~ga panahong yaon”: at ang kilalang mananalaysay na si Epifanio de los Santos, sa kanyang isinulat ukol kay Bonifacio, na pinagkunan n~g ilang mahalagang salaysay n~g munting aklat na ito, ay wari’y nagpapakilala n~g pagsang-ayon sa kuròng yaon ni Zulueta; subali’t si Mabini, ang Dakilang Lumpo, ay kasalun~gat. Anitó sa kanyang talàang ukol sa Paghihimagsik:

“Sino mang sumuri—ang wika ni Mabini—ay walang matatagpuang bahagya mang katwiran na sukat magpagaan sa inasal na yaon ni Aguinaldo (kay Bonifacio). Si Andrés Bonifacio—ang patuloy—ay dî maipalalagay na may mababang kakayahan at dunong sa sinoman sa m~ga napahalal sa pulong na yaon, (halalan n~g ika 12 n~g Marzo, 1897) bagkús pa n~gang nagpakita n~g katalinuhan at kakayahang dî karaniwan sa kanyang pakakapagtatag n~g “Katipunan”. Lahat n~g m~ga manghahalal ay paraparang m~ga kaibigan ni G. Emilio Aguinaldo at ni G. Mariano Trias na nan~gagkakaisá, samantalang si Bonifacio ay pinagaalinlan~ganan, bagama’t nagpakilala n~g isáng malinis na kaugalian, dahil lamang sa siya’y hindi tagá Kabite; iyan, ang sanhi n~g kanyang hinanakit. Ganoon pa man, ang paghihinanakit na ito ni Bonifacio ay dî niya ipinakilala sa anomang marahas na pagtutol, at sa katunaya’y n~g makita niyang sinoma’y dî nagsusumakit sa ikapagkakasundo nila, ay nagkasya na lamang sa pagalis sa lalawigan n~g Kabite upáng tumun~go sa San Mateo na kasama ang kanyang m~ga kapatid. Kung aalagatain na si G. Aguinaldong nahalal na pinuno, ay siyang kaunaunahang dapat managot sa dî paggalang at pagsunod sa Pan~gulo n~g “Katipunan” na kanyang kinasasaipan; kung gugunitain na ang pagkakasundo nilá ay siyang tumpak na lunas sa mahigpit at maselang katayùan n~g Paghihimagsik, ang sanhi n~g pagkakapatay (kay Bonifacio), ay dî maaring ipalagay kundî isáng han~garin lubhang nakasisirang puri doon: sa ano’t paano man ang gayong kapaslan~gan ay siyáng kauunaunahang tagumpay n~g pagiimbot laban sa tunay na pagibig sa bayan….”

Sa pagaalaalang baká hindî namin naisalin sa wikàng sarili ang tunay na kahulugan n~g m~ga pan~gun~gusap ni Mabini, ay sipiin nating buôngbuô ang kanyang sulat sa wikàng kastilà, na anya’y:

“La critica no encuentra justificación ni siquiera atenuante para esta conducta del Sr. Aguinaldo. Andrés Bonifacio no era menos instruido que cualquiera de los elegidos en la reunión mencionada, y habia demostrado sagacidad no común organizando el Katipunan. Todos los electores eran amigos de Don Emilio Aguinaldo y Don Mariano Trias que estaban unidos, mientras que Bonifacio era mirado con desconfianza, a pesar de haber demostrado un carácter íntegro, solamente porque no era de la provincia; asi se explica su resentimiento. Sin embargo esto no se manifestó por ningún acto de violenta oposición, pues, viendo que nadie trabajaba por la reconciliación, se contentó con salir de la provincia para San Mateo en compañia de sus hermanos. Cuando se considera que el Sr. Aguinaldo, jefe elegido, habia sido el primer responsable de insubordinación al jefe del Katipunan a que pertenecia como miembro: cuando se reflexióna que la reconciliación era la única solución apropiada al estado critico de la revolución, el móvil del asesinato no puede atribuirse sino a sentimientos que altamente deshonran a aquel: de todos modos semejante crimen constituye el primer triunfo de la ambición personal contra el verdadero patriotismo….”

Sa harap naman n~g matipuno at may katulisang m~ga pan~gun~gusap na iyan ni Mabini, ay naitó ang ilang katotohanan. Sa sariling taláan n~g asawa ni Bonifacio, na ang sagisag ay “Lakambini,” na ipinadala kay Emilio Jacinto, ay sinasabing si Coronel Agapito Bonson, ay siyang sa boong pitagan ay umanyaya sa kanyang asawa, “upang magawa ang pakikipagkasundo,” anyaya ito na tinanggihan ni Bonifacio. Si Antonio Guevara naman, isá sa m~ga kaayon ni Bonifacio, sa isáng sulat, kay Emilio Jacinto buhat sa Laguna, ika 3 n~g Mayo, 1897, ay nagsasabing sina Coronel Intong at ibá pang puno ay nagsadya sa bahay ni Bonifacio, upang hikayatin ito na mili n~g bayang ibig niyang karoroonan n~g sa gayo’y huwag silang magkahiwahiwalay. Hindi tinanggap ang gayong anyaya at payo, at sumagot n~g ganito:

“Patatawarin ninyo kundi ko matanggap ang inyong anyaya sa akin. Di na ako manunumhalik kailan man, pagka’t hindi ko na matitis ang m~ga ginawâ sa akin. Una’y pinagdadamutan kami sa kakanin, at ¿anó ang aking gagawin sa m~ga balo’t nan~gaulila, ang m~ga anak at m~ga asawa, na nan~gatirá dahil sa labanan sa Malabon at Nobeleta? Inaakala ko—ang patuloy—na kung sa inyó mangyayari ang m~ga bagay na itó at buo ang inyong m~ga puso, kayo mang iyan, ay aabutin din n~g yamot at hinawa. Ikalawa: naririnig ko rian na akó raw ay isang taong walang kabuluhan dito sa lalawigan n~g Kabite at sa gayo’y dapat akong huwág kilalanin. Sa ganito n~ga, ang marapat ay lisanin ko ito, yayamang di mawawalan n~g maaawa sa akin sa m~ga lalawigan n~g Maynilà, Bulakán al Nueba Esiha.” Ang sagot n~g m~ga kausap ay, “Kung gayon, ay kami’y magsisiuwi na pagka’t ang m~ga tao nami’y hindi pa nagsisikain.”

Katotohanan din naman na, kung napipilan ang paghihimagsik sa lalawigan n~g Kabite, ay nakaganti naman sa pagsalakay na ginawa sa m~ga kaaway sa Batan~gan, Laguna, Rizal, Bulakan, Bataan, Nueba Esiha, Kapangpan~gan, Tarlak, Pangasinan, at iba pa. Ito’y nangyari pagkatapos nang mapatay si Bonifacio. Sa makatuwid, ang pagkakaisa ay di nasira n~g gayong napakalungkot na pagkitil sa buhay n~g Ama n~g Paghihimagsik. Parapara pang nan~gagkaroon n~g ibang tapang, ayon sa m~ga nagawàng pagpapagupo sa hukbó n~g m~ga Kastila, na natatalá sa Kasaysayan, hanggang sa napilitang kilanlin n~g pamahalaang kastilà ang pamahalaan n~g Paghihimagsik sa tinatawag na kasunduan sa “Biak-na-Bato.”

Gaya n~g sinabi na, mahabang salaysayin ang buong pangyayari hinggil sa pagkamatay kay Andrés Bonifacio. N~guni’t sa ano’t paano man, ay minsan pang napatunayan na ang m~ga dakilang bayani n~g isang bayan o n~g isang adhikang matayog na pangpatubós, katulad ni Andrés Bonifacio, ay karaniwang namamatay sa “hindi talaga n~g Dios.” At napatunayan din naman ang pagibig sa Tinubuan n~g m~ga kawal n~g “Katipunan” at gayon din n~g bayan sa pagsunod sa “iisang pamamanihala,” bagama’t kinitlan n~g buhay ang nagsikap, nagmunakala at nagsimulâ n~g Paghihimagsik, at iyang kalinisan n~g adhikà n~g m~ga taong bayan sa pakikibaka dahil sa ikalalayà n~g lupang sarili, ay napatampok hanggang sa naihatid sa tagumpay ang Bayan.

Samantala’y pabayaan na natin ang Istorya—na dî maàarìng magbulaan at pabulaanan—na maalam maggawad n~g marahás na parusa sa sinomang sa kanya’y magkulang, ang siyang magpasyá sa pagkamatay na iyan n~g Dakilàng Dukhâ n~g ating Lahî.

78.—May m~ga sulat bang naiwan si Bonifacio?—Mayroon. M~ga pahayag ukol sa paghihimagsik, “Ang dapat mabatid n~g m~ga Tagalog,” “Ang Pagibig sa Tinubuang bayan,” (tula) at iba pa. N~guni’t ang lalong pinakamahalaga, bukod sa palatuntunan at m~ga aral n~g “Katipunan,” at ang “Katungkulang gagawin n~g m~ga Anág n~g Bayan,” ay ang “Huling Paalam” ni Rizal, na kanyang isinatagalog sa gitna n~g pagdadagundong n~g Paghihimagsik, na siyang inaawit n~g ating m~ga kawal n~g sila’y nakikipaglaban sa Kastilà.

Naito ang pahimakas ni Rizal na isinatagalog niya:


Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
lupang iniirog n~g sikat n~g araw,
mutiang mahalaga sa dagat Silan~gan,
kalualhatiang sa ami’y pumanaw.

Masayang sa iyo’y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging marin~gal man at labis alindog
sa kagalin~gan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay n~g iba’y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.

Saan man mautas ay di kailan~gan,
cípres ó laurel, lirio ma’y patun~gan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.

Ako’y mamatay, n~gayong namamalas
na sa silan~ganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod n~g luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailan~gan
na maitim sa iyong liway-way,
dugo ko’y isabog at siyang ikinang
n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip
n~g kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silan~gan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata’y nunukal,
taas na ang noo’t walang kapootan,
walang bakás kunot n~g kapighatian
gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita
manin~gas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyaw n~g diwa
pag hin~gang papanaw n~gayong biglang-bigla.

Ikaw’y guminhawa laking kagandahang
ako’y malugmok, at ikaw ay matanghal,
hinin~ga’y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko’y masilong sa iyong Kalan~gitan.

Kung sa libin~gang ko’y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa man~ga labi mo’y mangyaring ílapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa’y iparamdam,
sa lamig n~g lupa n~g aking libin~gan,
ang init n~g iyong pag hin~gang dalisay
at simoy n~g iyong pag giliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki’y ititig
ang liwanag niyang lamlám at tahimik,
liwayway bayaang sa aki’y ihatid
magalaw na sinag at han~ging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa cruz ko’y dumapo kahi’t isang ibon
doon ay bayan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g araw
ula’y pasin~gawin noong kainitan,
magbalik sa lan~git n~g boong dalisay
kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw
tan~gisang maagang sa buhay pagkitil:
kung tungkol sa akin ay may manalan~gin
idalan~gin Báyan yaring pagka himbing.

Idalan~ging lahat yaong nan~gamatay,
nan~gagtiis hirap na walang kapantay;
m~ga iná naming walang kapalaran
na inahihibik ay kapighatian.

Ang m~ga bao’t pinapan~gulila,
ang m~ga bilangong nagsisipag dusa:
dalan~ginin namang kanilang mákita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libin~gan’t,
tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain:
kaipala’y marin~gig doon ang taginting,
tunog n~g gitara’t salterio’y mag saliw,
ako. Báyan, yao’t, kita’y aawitin.

Kung ang libin~gan ko’y limót na n~g lahat
at wala n~g kruz at batóng mábakas,
bayang lina~gin n~g taong masipag,
lupa’y asarolin at kanyang ikalat.

At m~ga buto ko ay bago matunaw
máowi sa wala at kusang maparam,
alabók n~g iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo’y makipisan.

Kung magka gayon na’y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka’t himpapawid at ang pan~ganorin
m~ga lansan~gan mo’y aking lilibutin.

Matining na tunóg ako sa din~gig mo,
ilaw, m~ga kulay, masamyong paban~gó,
ang úgong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay n~g pananalig ko..

Báyang iniirog, sákit niyaring hirap,
Katagalugang kong pinakaliliyag,
dingin mo ang aking pagpapahimakas:
diya’y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako’y patutun~go sa walang busabos,
walang umiinis at verdugong hayop:
pananalig doo’y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at m~ga kapatid
kapilas n~g aking kaluluwa’t dibdib
m~ga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag pasalamatan at napahin~ga rin,
paalam estran~gerang kasuyo ko’t aliw.
paalam sa inyo m~ga ginigiliw:
¡mamatay ay siyang pagkagupiling!


(Dekálogong sinulat ni Andrés Bonifacio)


Ibigin mo ang Dios n~g boong puso.


Pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa Dios ay siya ring pagibig sa Tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa.


Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan n~g puri’t kaginhawahan ay ang ikaw’y mamatay dahil sa ikaliligtas n~g Inang-Bayan.


Lahat n~g iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw’y may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.


Pagin~gatan mo, kapara n~g pagiin~gat sa sariling puri, ang m~ga pasya at adhikain n~g K.K.K.


Katungkulan n~g lahat na, ang nabibin~git sa malaking kapahamakan sa pagtupad n~g kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara n~g sariling buhay at kayamanan.


Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad n~g ating tungkol ay siyang kukunang halimbawa n~g ating kapwa.


Bahaginan mo n~g iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus-palad.


Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi n~g pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa’t m~ga anak, sa iyong kapatid at m~ga kababayan.


Parusahan ang sinomang masamang tao’t taksil at purihin ang mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutun~go n~g K.K.K. ay m~ga biyaya n~g Dios; na anopa’t ang m~ga ninasa n~g Inang-Bayan, ay m~ga nasain din n~g Dios.

(Salin n~g nasa sa wikang kastila)


1521.—Ika 26 n~g Marzo, kaunaunahang pagdatal sa Pilipinas n~g m~ga kastila.

1863.—Ika 30 n~g Nobyembre, kapan~ganakan kay Andrés Bonifacio.

1872.—Ika 28 n~g Pebrero, pagbitay kiná Gomez, Burgos at Zamora.

1892.—Ika 26 n~g Hunyo, paglunsad ni Rizal sa Maynila.

1892.—Ika 7 n~g Hulyo, pagkakapabilanggo kay Rizal ni General Despujol, sa Fuerza de Santiago.

1892.—Ika 7 n~g Hulyo, pagkakatatag n~g “Katipunan.”

1896.—Ika 1 n~g Enero, pagkakahalal sa m~ga magsisibuo n~g Pan~guluhan n~g “Katipunan.”

1896.—Ika 1 n~g Enero, unang labas n~g pahayagan n~g “Katipunan” na ang pamagat ay “Kalayaan.”

1896.—Buwan n~g Mayo, sinugo ni Bonifacio si Dr. Valenzuela kay Rizal.

1896.—Ika 5 n~g Hulyo, sulat n~g pinuno n~g sibil na si Sityar sa m~ga pinunong kastila sa Maynila.

1896.—Ika 5 n~g Agosto, paglunsad ni Rizal sa Maynila buhat sa Dapitan.

1896.—Ika 5 n~g Agosto, tinangka n~g m~ga “Katipunan” na iligtas si Rizal.

1896.—Ika 13 n~g Agosto, sulat n~g “cura” sa Sampiro kay Luengo.

1896.—Ika 17 n~g Agosto, pulong na idinaos n~g “Katipunan” sa “Kankong.”

1896.—Ika 19 n~g Agosto, pagkatuklas n~g “Katipunan” ni P. Mariano Gil.

1896.—Ika 27 n~g Agosto, paglipat nina Bonifacio sa Balakbak.

1896.—Ika 28 n~g Agosto, pagkalagda n~g pahayag sa paghihimagsik.

1896.—Ika 29 n~g Agosto, pasyang pagsimula n~g paghihimagsik, na iniuutos sa pahayag ni Bonifacio.

1896.—Ika 29 n~g Agosto, pagkakalabanang mahigpit n~g m~ga “Katipunan” at kawal n~g kastila sa Balintawak at iba pa.

1896.—Ika 30 n~g Agosto, araw na ipinasyang pagsalakay sa Maynila.

1896.—Ika 30 n~g Agosto, ipinasya ni General Blanco na gawing pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila, Bulakan at iba pa.

1896.—Ika 4 n~g Septiembre, kaunaunahang m~ga ipinabaril n~g m~ga kastila.

1897.—Ika 17 n~g Pebrero, pagkakapasok n~g m~ga kastilà sa Sapote.

1897.—Ika 17 n~g Pebrero, pagkapatay kay Evangelista.

1897.—Ika 12 n~g Marzo, halalan sa “casa-hacienda” sa Tejeros, Kabite.

1897.—Ika 24 n~g Abril, sulat ni Bonifacio kay Emilio Jacinto.

1897.—Ika 3 n~g Mayo, sulat kay Emilio Jacinto ni Antonino Guevara.

1897.—Ika 10 n~g Mayo, pagkabaril kay Bonifacio at sa kanyang kapatid na si Procopio.

1897.—Ika 4 n~g Agosto, Kasunduan sa Biak-na-Bato.

1898.—Abril, pagsimula n~g digmaan n~g España at Estados Unidos.

1898.—Ika 1 n~g Mayo, pagkakapalubog n~g m~ga pangdigmang dagat n~g m~ga amerikano sa m~ga pangdigma n~g m~ga kastila.

1898.—Ika 15 n~g Mayo, paglunsad ni Aguinaldo sa Maynila, buhat sa Hongkong.

1898.—Ika 24 n~g Mayo, pagtanghal n~g paghimagsik at pagiging Dictador ni Aguinaldo.

1898.—Ika. 12 n~g Hunyo, pagkukatanghal n~g uri n~g Pamahalaang sarili.

1898.—Ika 13 n~g Agosto, pagsuko n~g Maynila sa m~ga amerikano.

1898.—Ika 15 n~g Septiembre, pagkakaraos n~g unang kapulun~gang-bayan n~g pamahalaang sarili sa Malolos.

1898.—Ika 29 n~g Nobyembre, pagkakapagtibay n~g pan~gulong-batas (Constitucion).

1898.—Ika 20 n~g Disyembre, paghinto n~g digmaan n~g España at Estados Unidos.

1899.—Ika 4 n~g Enero, pagkakapagutos n~g Pan~gulong McKinley na ipakilala sa m~ga pilipino ang kapangyarihan n~g Estados Unidos.

1899.—Ika 21 n~g Enero, pagkakatatanghal n~g Republica Filipina sa Malolos.

1899.—Ika 4 n~g Pebrero, simula n~g labanan n~g m~ga amerikano at pilipino.

1899.—Ika 6 n~g Pebrero, pagkakapagtibay n~g Senado n~g Estados Unidos sa kasunduan n~g bayang ito at n~g España ukol sa Pilipinas.

1901.—Ika 23 n~g Marzo, pagkakadakip kay Emilio Aguinaldo.

1901.—Abril, simula n~g hayagang pagpaparan~gal kay Bonifacio sa daang Alvarado.

1902.—Pebrero, pagsuko ni General Lukban.

1902.Hunyo, pagsuko ni General Malvar.

1911.—Ika 3 n~g Septiembre, pagtatayo n~g bantayog sa m~ga Bayani n~g 96.

1920.—Ika 30 n~g Nobyembre, paghaharap in Senador Lope K. Santos, n~g bill ukol sa kaarawan ni Bonifacio na n~gayó’y batás na blg. 2946.

1921.—Ika 30 n~g Nobyembre, simula n~g pagiging araw na pan~gilin, alangalang kay Bonifacio.

Ang “Kartilyang Makabayang” itó, ay ginawâ sa pálimbagan ni Juan Fajardo, daang Avenida Rizal 640, Santa Cruz, Maynila. Sinimulán ang paggawa n~g ika 19 n~g Nobyembre n~g 1922, at natapos ang paglimbag nang ika 27 n~g tinurang buwán at taón.


P0.40 ang sipi

P. 060 ang sipi na
sadyang balat

Paraparang sadyang


Filipino? Tagalog? Pilipino?

The basis for the Philippine national language is Tagalog, which had primarily been spoken only in Manila and the surrounding provinces when the Commonwealth constitution was drawn up in the 1930s. That constitution provided for a national language, but did not specifically designate it as Tagalog because of objections raised by representatives from other parts of the country where Tagalog was not spoken. It merely stated that a national language acceptable to the entire populace (and ideally incorporating elements from the diverse languages spoken throughout the islands) would be a future goal. Tagalog, of course, by virtue of being the lingua franca of those who lived in or near the government capital, was the predominant candidate.

By the time work on a new constitution began in the early 1970s, more than half the Philippine citizenry was communicating in Tagalog on a regular basis. (Forty years earlier, it was barely 25 percent.) Spurred on by President Marcos and his dream of a “New Society,” nationalist academics focused their efforts on developing a national language — Pilipino, by that time understood to be Tagalog de facto. Neologisms were introduced to enrich the vocabulary and replace words that were of foreign origin. A much-remembered example is “salumpuwit” (literally, “that to support the buttocks”) for “chair” to replace the widely adopted, Spanish-derived “silya.” Such efforts to nativize the Philippine national language were for naught, however, since words of English and Spanish origin had become an integral part of the language used in the everday and intellectual discourse of Filipinos.

This reality was finally reflected in the constitution composed during the Aquino presidency in the latter half of the 1980s. The national language was labeled Filipino to acknowledge and embrace the existence of and preference for many English- and Spanish-derived words. “Western” letters such as f, j, c, x and z — sounds of which were not indigenous to the islands before the arrival of the Spaniards and the Americans — were included in the official Filipino alphabet.

The aforementioned evolution of the Philippine national language is taught as part of the school curriculum in the Philippines, such that when you ask a Filipino what the national language of the country is, the response is “Filipino.” In the same way that there are English (composition, literature…) classes in American elementary, secondary and tertiary schools to teach the national language of the United States, there are Filipino classes (not Tagalog classes; Filipino literature classes, not Tagalog literature classes) in Philippine schools.

So what is the difference between Filipino and Tagalog? Think of Filipinoas Tagalog Plus. Filipino is inclusive of the contributions of languages other than Tagalog. For instance, it is quite all right to say “diksyunaryo” (from the Spanish diccionario) in Filipino, whereas a Tagalog purist (or someone stuck in the “Pilipino” era) might insist on a native Tagalog word like “talatinigan.” It is also more politically correct to refer to Filipino, not Tagalog, as the Philippine national language. For Filipinos from other parts of the country, Tagalog is not their first language; they learn to speak Filipino because it is constitutionally the national language and taught in schools.

In practical terms, most people, especially Filipinos overseas who have come to realize that foreigners favor “Tagalog” to refer to the Philippine national language, don’t strictly differentiate among the words Filipino, Pilipino and Tagalog, and have learned to adapt to how Americans or Canadians perceive the meaning of each word. That is why when you go to a bookstore in North America, for example, you are more likely to find a “Tagalog (or Pilipino) dictionary” than a “Filipino dictionary.”

Postscript: Philippino, Philipino and other such misspellings are unacceptable and are jarring to Filipino eyes. Remember: Filipino is the noun that refers to the Philippine national language and to the Philippine people (Filipinos); it is also an adjective to describe people, things and such from the Philippines (the other adjective being Philippine). The country itself is called the Philippines (currently the Republic of the Philippines; formerly, and actually still, the Philippine Islands) in English, Las Islas Filipinas or simply La/Las Filipinas in Spanish, and Pilipinas in Filipino (Tagalog).

Cultural Note: Although the word “Filipino” is acceptable in Filipino (the Philippine language), most Filipinos will still say Pilipino when referring to a Filipino person while speaking in Filipino/Tagalog.

For example: “Ako ay Pilipino.” (“I am Filipino.”)

Why? Primarily because a “p” sound is easier for a Filipino to pronounce than an “f” sound. In fact, even though the letters c, f, j, x, z, etc. have formally been included in the Philippine/Filipino alphabet, there is still an overwhelming tendency to transliterate foreign words into native pronunciation forms.

Examples: kompyuter, kwalipikasyon, okasyon, kendi, indibidwal, sipilis…