Tag Archives: Asia

Talambuhay ni Jose Rizal ni Jose N. Sevilla y Tolentino (early 1920s)

TALAMBUHAY NI  GAT JOSE RIZAL AT MERCADO

Lahat ng sásabihin tungkól sa dakilang Bayaning itó ay nasabi na ng mga lalong Pantás at mga Dalubhasang tao ng sansinukuban, pagkápalibhasà ay nápatangi siyá ng gayón na lamang sa lahát ng Bayaning sumipót dito sa Pilipinas at siyá’y nápabilang sa mga dakilang Bayani ng sangkatauhan.

Lahát ng paraán ay sinikap ng kanyáng mga kapanahón upáng siyá’y manatili sa pusò ng madlâ.

Sa lalong mababang halagáng selyo, ang kanyáng larawan ay nároroón upáng ang kanyáng aláala ay huwag máliblib sa lalong katagutaguang nayon at kaabáabaang buhay na dî makapagingat ng isáng larawan niyáng nakapagbibigay siglá sa mga pusong lumálamlám sa pagibig sa Tinubuang Lupà.

Si Gat Rizal ay pinarangalán din ng Pámahalaán natin na taglayin ng salaping papel na dadalawahing piso ang kanyáng larawan, upáng magpalipatlipat sa mga kamáy ng lahát ng naninirahan dito sa ating lupain at sa labás man, na makapagingat ng salaping yaón na nákikilala sa tawag na «isáng Rizal».

Mg̃a aklát na násusulat halos sa lahát ng wikà ang iniukol sa kanyang karangalan. Isáng malaking bantayog na pinaggugulan ng salapî ng ating Pámahalaán ang sa gitnâ ng Luneta ay nagpápaalala ng kanyáng kagitingan. Ang kanyáng pangalan ay kilalá ng lahát ng pilipino, pinipintuhò at pinarárangalan sa ating Kapuluán ng banyagà at kababayan man, ng batà at ng matandâ, ng Pantás at ng hangál; ng puhunan at ng paggawâ; at sa ibang lupaín ay pinaúunlakán din ng lahát ng pilipino sa kanyáng dakilang araw, sa araw na ang kanyáng buhay ay kinitil ng kalupitan.

Sumilang si Gat José Rizal niyaóng iká 19 ng Hunyo ng taóng 1861, sa bayan ng Kalambâ, Laguna, at siyá’y anák ni G. Francisco at ni Gng. Teodora Alonso.

Anák sa bayang Tagalog at liping Tagalog na tunay, kayá’t ang pagibig sa Tinubuang Lupà ay kalangkáp ng kanyáng pagkátao. Aral sa táhanan, sa pagtuturò ng mga magulang na nagnasang magmulat ng kanyáng bait sapól sa pagkámusmós, ay nagawâ sa kanyáng murang bait ang gulang na siyam na taón pa lamáng ay makalikhâ na ng isáng dulà na kinagiliwan ng Kápitan sa bayan.

Sa kanugnóg na bayan ng Binyáng ay nagáral siyá kay G. Justiniano Aquino at Cruz at sa loób lamang ng iláng buwan ay walâ nang máiturò sa kanyá ang Gurong Bayan, yamang nátutuhan na niyáng lahát ang nálalaman noón kayá’t nang Hunyo, ng taón 1872 ay lumipat siyá sa San Juan de Letrán, nguni’t dî siyá náwili rito, kayá’t lumipat agád sa Páaralán ng mga Hesuita hanggáng sa tinamó niyá ang katibayan ng pagká «Bachiller en Artes».

Lumipat siyá sa Universidad de Sto. Tomás, upáng magáral ng «Filosofia» «Medicina» at «Agrimensura» at yamang nápansín niyáng hindî mabuti ang tingín sa kanyá ng mga Guró doón, at sa payo ng kanyáng mga kaibigan, niyaóng Mayo ng taóng 1882 ay lumayag siyáng patungo sa Europa, pagkatapos niyáng tamuhín ang katibayang pagká «Agrimensor».

Dumáan siyá sa Singapur, Kanal ng Sues, at sa Marselya siyá lumunsád, at buhat doón ay napatungo sa Barselona na kinakilalanan niyá sa mga kalupaíng dóroón. Tumungo siyá sa Madrid at sa «Universidad Central» doón, ay nagpatuloy siyá ng pagáaral ng «Medicina», «Literatura» at «Filosofia»; kasaliw ng pagáaral niyá ng mga karunungang nábangít ay dî niyá napaglabanan ang hilig ng kanyáng diwà sa sining, kayá’t nagáral din siyá ng Paglililok (escultura) at ng pagkuha ng larawan sa pamamagitan ng lápis at ng kulay na lubhâ niyáng ikinatangî.

Pagkátapos niyáng tamuhin ang mga katibayan sa «Medicina», «Filosofia» at «Literatura» niyaóng taóng 1885 ay lumipat siyá sa Paris na kanyáng kinátagpuán sa mga kalupaing Antonio at José Luna, at Pardo de Tavera; buhat sa Fransiya ay lumipat siyá sa Alemanya upáng makinyíg ng mga bantóg na Panayám sa «Universidad de Heidelberg»: lumipat siyá sa Berlin at sa bayang itó niyá tinapos ang waláng kamatayang «Noli».

Si Dr. Jagor sa Berlin na masikháy na sumuysóy ng mga kapakanán sa Pilipinas ay nakátagpô sa ating Rizal, ng isáng mabutíng kaibigan. Buhat sa Berlin ay lumipat si Rizal sa Austria at dito niyá nakaniíg si Prof. Blumentritt; mulâ sa bayang itó ay napatungo siyá sa Italya. Dito niya isinalin sa Tagalog ang «Wilhem Tell» at saká umwî dito sa Pilipinas.

Si Rizal ay mawilihin sa pagáaral ng wikà, at itó ang sanhî ng kanyáng pagliklík sa lahát halos ng mga Pangulong bayan sa Europa, at nang siyá’y dumatíng dito sa ating lupaín, upáng harapín ang panggagamót ay nagsásalitâ na siyá ng halos lahát ng wikáng lináng sa Europa at Asia.

Noóng 1888 ay ninasang mulíng maglakbáy sa mga ibáng dako ng sansinukob at siyá’y dumaán sa Hongkóng na kanyáng kinátagpuán sa dakilang Tagalog doón na siGinoóng José Basa; pagdaán sa Hapón, upáng pagáralan sa sariling lupà ang wikang Hapón, dumaán sa Amérika, bago nagtulóy sa Inglaterra at sa bayang itò nákaniíg si G. Antonio Ma. Regidor. Sa Londres at sa bahay ni G. Regidor niyá isinalin at tinuligsà ang Kasaysayan ng Pilipinas na sinulat ni Pari Morga, na lubhà niyáng ikinabantóg sa panitikan.

Iká 9 ng Nobyembre ng taóng 1887 nang sulatin ni Profesor Blumentritt ang páunang salitâ sa «Morga» ni Dr. Rizal.

Sa pánitikan ay may isá siyáng mainam na bakás na naiiwan sa bawa’t panahón. Bilang páuná ng kanyáng panunulat ay násabi na namin na siyam na taón pa lamang ang kanyáng gulang nang sumulat ng isáng dulà na noón pa ma’y kinábakasán na ng dì karaniwang indayog ng kanyáng diwà. Niyaóng 1887 na magdaos ng isáng Timpalák ang «Licco Artístico Literario» dito sa Maynilà na sinalihan ng lubháng maraming mánunulat ay nápili at nagtagumpáy ang kanyáng tulà na may pamagat na «A la Juventud Filipina». Sa kapanahunang si Rizal ay nagáaral pa sa Ateneo sa pagpaparangál sa Mahal na Birhen ay sumulat siyá ng isáng dulà na pinamagatán niyáng «Junto Al Pasig», na lubháng kinágiliwan ng nangagsipanoód na pawang dalubhasá. Sa Timpalák na idinaos sa pagpaparangál sa ikáapat na raang taóng ikinamatáy ni Cervantes, ay nagtagumpáy ang titik ni Rizal na may pamagát na El Concejo de Los Dioses. Sa Madrid ay nagkaroón ng ibáng himíg ang kanyáng mga sulat at dito na nga nábunyáng ang tunay na pagibig sa Tinubuang Lupà.

Ang kanyáng «Noli» ay sinimulán niyáng sulatin sa Madrid at natapos sa Austria, ang «Filibusterismo» ay sinulat niya sa Ghert Olanda, noóng 1891.

Hulyo iká 3 ng taóng 1892 nang nagpulong sa bahay ni G. Doroteo Ongjungco sa daang Ilaya blg. 176 Tundó tungkól sa «Liga Filipina» at iká 6 ng Hulyo ng 1892 nang ipinadakíp ni Henerál Eulogio. Despujol at ipapiit sa Fuerza Santiago.

Niyaóng iká 11 ng Pebrero ng 1893 ay itinatag ni Dr. Rizal ang «Liga Filipina» isáng kapisanang pilipino na pinagukulan ni Mabini ng gayaríng katagâ: «Nang makitang ang lahát ng sikáp ay waláng tarós at salát sa kaayusan, at di nagbibigay ng katampatang wakasin, ay linikhâ ni Rizal ang Liga Filipina».

Nang si Rizal ay ipatapon sa Dapitan siyá’y nagsaka doón at nagtayô ng Páaralán sa mga tagaroón; kahit iisang igláp ay hindî siyá nátahimik at pawáng iniukol sa kabutihan ang kanyáng mga gawâ. Ang mga maysakit doón ay nakatagpò sa kanyá ng isáng waláng bayad na Manggamot.

Samantaláng siyá’y nároroón ay isáng amerikanong nagngangalang Taufer na kasama ng isáng anakanakan na nagngangalang Josefina Bracken ay dumalaw sa kanyá, upáng ipagamót ang mga matáng hindî makákita at pinasiyahán na ng mga ibang Manggagamot ng waláng lunas, ang Josefinang itó ay siyáng naging kapalad ni Dr. Rizal at nákasama niyá sa buhay na yaón sa tapunan.

Ang mga kahilingan ni Dr. Rizal upáng siyá ay patawarin ay hindî diningig ng mga makapangyarihan, nguni’t kailán ma’y dî nanawi sa kanyá ang pagasa, at sa gayóng kalagayan ay tumanggáp siyá ng isáng sulat ng matalik niyáng kaibigang austriako na si Prof. Blumentritt, na kanyáng hilingíng sa Pamahalaáng siyá’y makaparoón sa Kuba bilang Manggagamot ng mga kawal na kastilà doón, at ang gayóng kahilingan ay pinakinggan ni Henerál Blanco, kayá’t siyá, sa paniniwâláng siyá’y waláng masamáng nágawâ kangino man na titigatig sa sariling budhî, kasama ni Josefina at ng kanyáng pamangking si Maria Luisa, ay agád napa Maynilà at sa kasamaáng palad, nang silá’y dumaóng sa luók ng Maynilà ang sasakyáng patungo sa Espanya ay nakáalis na, kayá’t sila ay nangapilitang maghintáy ng panibagong sasakyáng lálayag, na dî iba’t ang «Castilla». At si Rizal ay tumulak na nga, nguni’t ang Hímagsíkang pinangunguluhan ni Gat Bonifacio ay nabunsód ng walâ sa panahón at isáng pahatid kawad na buhat kay Gobernador Polavieja ang tinanggap, nang ang «Castilla» ay dumaóg sa Kanal ng Sues, hatid kawad na naguutos na dakpin si Dr. Rizal, at sinalubong sa Barselona ang ating kababayan upáng ipiit doón.

Pagkaran ng iláng araw ay ilinulan siyáng mulî upáng ihatid sa Pilipinas. Nang idaán sa Hongkóng ay sinikap ni Dr. Regidor na siyá’y palayain sa pamamagitan ng «Habeas Corpus» nguni’t hindî ipinagtagumpáy ni G. Regidor, ang kanyáng banál na nais na mapalayà si Dr. Rizal.

Siyá’y inusig dahil sa pagkakátatag ng «Liga Filipina» at pagtataguyod ng Himagsikan, at hindî siyá pinahintulutang makapagtanggól máliban sa siyá’y pinapamili sa mga Pámunuáng doón ay nátitipon. Napili niyá si G. Luis Taviel Andrade, isáng marangál na kastilang nagtanggól sa kanyá ng ubos kaya, nguni’t hindî diningig at hinatulan siyáng barilín sa Liwasan ng Bagumbayan.

Sa pagkamánunulat ni Rizal ay walâ nang máitatawad. Masasabi nang waláng alinlangan, na ang kanyáng panitik ang siyáng lumikhâ ng mga kabaguhan sa kapamayanan, na kasalukuyan nating tinatamasa at siyáng nagpayanig ng matibay na Pámahalaán ng kastilà na mahigit ng tatlóng daang taóng sa atin ay naghari.

Ang dakilang Bayaning itó na pinagúukulan namin ng ulat ngayón, ay siniíl ng kalupitán nang dî malilimutang Henerál Polavieja at niyaóng ika-30 ng Disyembre ng taóng 1896 sa lawak ng Bagumbayan ay pinapagdanak ang kalinislinisáng dugô ng isáng banál na anák ng Pilipinas.

Ang hagunót na hálakhakan ng kanyáng mga kaaway ay nariringig pa halos nang dumating ang hatol ng tadhanang matapos ang kalupitán ng mga kastilà rito sa atíng lupaín at niyaóng Mayo ng 1898 ang makapangyarihang bayang amerikano, sa likhà ng mga pangyayari ay nagpadalá rito ng kanyáng mga sasakyáng pandigmâ, upáng sa pamamagitan ng mga punglóng ibinúbuga ng mga kanyón sa Hukbó ng dating Panginoón at Harì ay mábabâ at mahalinhán ang watawat na «gintô at dugô» na sumaksí rito sa ating lupaing mapagkalingà ng mga dî mahulilip nakalupitán.

At buhat noón ang mga unáng banaag ng Bagóng Araw ng Pilipinas ay namiták sa silanganan ng kanyáng pagasa.

Bilang pagwakás sa ulat na itó ay ilalakip namin dito ang huling bunga ng panitik ng Bayaning Tagalog na pinamagatán niyá ng Mi Ultimo Adios.

Source:

http://tagaloglang.com/Famous-Filipinos/Leaders/talambuhay-ni-jose-rizal.html

Advertisements

Comparison of Economic Well-Being, Jobs and Fertility Rate: Philippines and Thailand

In the wake of another scam called the RH Bill to be rolled out by Noynoy and his merry Tongressmen and Senatongs, I figured that it would be best to let the numbers do the talking.

RH BILL – YOU GET A “FREE CONDOM” – AND YOU ARE STILL JOBLESS AND POOR. BEATS THE SCAM OUT OF A MAN. MORONIC SOLUTIONS FOR A MORONIC PEOPLE!

The poster boy of the pro-RH is Thailand’s because allegedly, the low Total Fertility Rate (TFR) was achieved by distributing artificial contraceptives funded by the Thai government.

The conventional wisdom is that “Thailand is one of the best examples of a family-planning success story where the fertility rate has dropped from more than 6.5 births to 2.1 per woman in 25 years through the use of contraceptives. The Thai government concludes that lowering the population growth rate enhances the prosperity of the nation. Also, individuals in Thailand have realized that having fewer children enhances the prosperity of their families.”

This notion is rife with a fallacy which presumes that “correlation implies causality”. The drop in Thailand’s TFR might be caused by contraceptives – but, it is not necessarily artificial contraceptives as the pro-Rh Bill will have us believe.

GDP Per Capita Income – PHL vs THA, 1960-2010

Before I get ahead of myself, it would be best to review the data on economic well-being as indicated by the GDP per capita income. In order to ensure that we are comparing apples to apples – the GDP per capita income is expressed in constant 2000 US$. The figures were gathered from the indexmundi website.

The table below compared the GDP per capita income of the Philippines and Thailand from 1960 to 2010.

A review of GDP Per Capita (in constant 2000 US$) of PHL and Thailand will show the following:

1. Philippines GDP Per Capita was higher than Thailand’s GDP Per Capita from 1960 to 1984.

2. Philippines GDP Per Capita was lower than Thailand’s GDP Per Capita from 1985 upwards.

Note:  Philippines lost a major source of FDI – when US Parity rights expired in 1974 – but PHL GDP Per Capita was still higher than THA during the period.

For roughly the same period – 1970s to 1984 – Thailand had suffered from many economic problems – – ranging from decreasing American investment, current account deficit, a sudden rise in oil price to inflation.

3. Philippines GDP per Capita greatly reduced after EDSA ’84 – from 1984-1995 – GDP per capita was at $994 to $982 – similar to 1975 (a setback of 10 years) – PHL constitution restricted FDI to not more than 40% and embedded welfare programs in the constitution.

For the same period 1986-1997 – Thailand opened its economy – and had a boom in FDI – as Japanese FDI poured into the country

4. When the Asian Financial Crisis took place in 1997 to 2000 – Thailand pursued strict fiscal and financial policies and reduced government spending – the Philippines increased government spending

While the Philippines and Thailand both pursued subsidies – Thailand also pursued Free Trade Agreements. The Philippines however maintained its economic xenophobia and limited free trade to export processing zones only.

As of 2010, the CIA reported that Thailand’s Gini coefficient (income inequality) is 42- lower than the Philippines’ 44.

Unemployment Rate: Thailand versus Philippines

The outcome of economic policies when measured in terms of unemployment shows stark contrasts as shown in the table below.  Thailand showed lower unemployment rates even at the height of the Asian financial crisis.

In 2010, Thailand had unemployment of only 1.04% while the Philippines had 7%. As of 2012 – the Philippines still has 7% unemployment rate.

UNEMPLOYMENT RATE: THAILAND VERSUS PHILIPPINES

Total Fertility Rate: Thailand Versus Philippines

Both Thailand and Philippines had high TFRs. The gap between the TFR of both countries did not exceed 2, from 1955 to 1985 as shown in the table below.

From 1985 to 2005 the gap in the TFR of THA and PHL was greater than 2. This coincides with the period when Thailand liberalized its economy, attracted more FDI, and

The gap returned to less than 2 from 2005-2010.

The figures were gathered from the United Nations data website.

Comparison: GDP Per Capita, Unemployment, and TFR: Thailand versus Philippines

At this point, we bring all the data together and connect the dots. The table below combines the jobless rate, GDP per capita, and Total Fertility Rate of  Thailand and the Philippines.

Jobless Rate, GDP Per Capita, TFR: Philippines vs Thailand

What are the numbers telling us?

1. Philippines had higher GDP per capita and higher TFR than Thailand from 1960-1984

Despite Thailand’s spending on contraceptives in 1960s  – fact remains that PHL still had higher GDP per capita than Thailand from 1960-1984 – even if Thailand had lower TFR :)

2. Philippines had lower GDP per capita and higher TFR than Thailand from 1985 to 2010 – Thailand had higher GDP per capita after it opened its economy – and Japanese FDI boomed.. leading to a more abrupt drop in TFR

3.  TFR dropped abruptly as Thailand’s unemployment dropped during the period when Thailand opened its economy and attracted more investments.

4. Philippines TFR is also decreasing – even without an RH bill.

5. The higher TFR of the Philippines is also consistent with the findings that when women have limited opportunities except to raise a family, TFR will be high. Corollary to this is the experience of the Asian tigers that when women have jobs TFR drops abruptly.

What this shows is that jobs lead to an increase in GDP per capita. Lower TFR did not lead to an increase in GDP per capita  since THA ALWAYS had lower TFR than PHL  but had lower GDP per capita before it opened its economy.

TFR and GDP per Capita

The pro-RH conventional wisdom is that lower TFR leads to higher GDP per Capita. The statement is proven falsebecause there are countries with high TFR and still have high GDP per Capita and there are countries with low TFR and have low GDP per Capita.

This means that TFR does not explain why countries have high or low GDP per capita – and is therefore irrelevant to improving the quality of life of Filipinos.

If it’s not TFR – the question becomes what other factors have an impact on GDP per capita?

There is already a lot of literature on this matter – which the pro-RH bill continue to evade. For example, a peer-reviewed study on economic freedom, per capita income, and economic growth by Sadequl Islam shows that:

Based on cross-section data, this paper explores the relationship between economic freedom and the economic performance of low, middle and high income countries.

The regression results show that there is a direct relationship between the economic freedom index and per capita income in low income countries and all countries as a whole. The evidence also indicates that there is a direct relationship between the economic freedom index and the growth rate of per capita income in high income countries and all countries as a whole.

The Japanese experience of the dearth in birth rates is even more telling, as reported by The Economist:

From the start of the Meiji period in 1868 Japan’s population rose for about 70 years. During that time Japan cast off its isolationist feudal system, opened its borders and started its headlong rush to industrialisation. Then, in the 1950s, fertility started to plummet. Since the 1980s, when the birth rate fell below 1.5 children per woman, Japan has, in effect, had a one-child policy—though, unlike in China, it was self-imposed.
***
the cost of weddings may be the least of the reasons why the Japanese are increasingly putting off marriage or avoiding it altogether. One weightier one is that employment rates among women have increased but private companies implicitly discourage mothers from returning to their old jobs.

Noynoy and the his merry Senatongs and Tongressman are clearly bent on passing an RH bill instead of opening the economy – and let jobs function as natural contraceptives.

Obviously, there is money to be made on awarding government contracts for the procurement of artificial contraceptives. That money however will not go to the pockets of the people who need it most – the jobless, the underemployed, the poor.

Source:

http://antipinoy.com/comparison-of-economic-well-being-jobs-and-fertility-rate-philippines-and-thailand/

Random thoughts about waste management in the Philippines

Ang basurang ikinalat mo, isusuka ng Inang Kalikasan. Ang bawat gawa mo mula sa tunay na kahulugan ng pagmamahal, kanino man ito patungo at mamahinga ay babalik at babalik sa ‘yo, kaibiggan. ‘Wag mo lang sanang masdan ang kapaligiran, ingatan mo rin ito…

Filipinos have a long way to go to catch up with how modernized countries deal with the most basic problems. Are we willing to learn from the good patterns around us or keep suffering until the end of time?

Gaano ba talaga kahirap disiplinahin ang mga Pilipino? Sa tingin ko, simple lang naman ang pagsasaayos ng basura kung malupit ang gobyerno at mga alagad ng batas sa pagpapatupad ng mga alituntunin.

Dito sa Taiwan, maliban sa pananatili ng maayos na daluyan ng tubig, ang masistemang pangungolekta ng basura ay napakalaking bagay sa pag-iwas sa baha. Pa-kaontihan ng basura ang uso dito. Kung kaya nilang ipatupad ang ganitong sistema sa buong bansa, sana tularan din ng Pilipinas para maiwasan na ang mga problemang may kinalaman sa kalinisan at kalikasan na napakahalaga sa pamumuhay at kalusugan ng mamamayang Pilipino…

Ang mga sususnod na alituntunin ay ipinapatupad sa buong bansa at ang mga tao ay matiyagang sumusunod dahil gusto nilang makaiwas sa pagbayad ng multa at dagdag gastos sa pang-araw-araw:

1) Taiwan’s Musical Garbage Trucks: May 3 klase ng garbage trucks sa Taiwan. Ang unang dumarating sa isang lugar sa Daan District ay naglalaman ng malalaking lalagyan ng biodegradable waste. Pagkatapos ay susunod na darating ang mga truck na mangongolekta ng mga bagay na pwedeng i-recycle (bote, lata, plastic, papel, metal) at hindi na pwedeng i-recycle, mga bagay na mahirap piliin o ihiwalay at ang mga ito ay dapat nakalagay sa napakahalagang blue plastic bag ng Taiwan. 

2) The Blue Plastic Bags for sale. Binibili ng mga tao ang plastic bag na naaayon sa dami ng basura nila sa loob ng isang araw. Ibabalik ng pulis at basurero ang basura mo ‘pag hindi nakalagay sa blue plastic bag ng gobyerno. Nabibili ito sa iba’t-ibang tindahan. Mas mahal kesa sa ordinaryong plastic bag. Ipinatupad ito para mapilitan kang bawasan ang basura mo.

3) Ordinary plastic bags for sale. Karamihan ng tindahan, hindi nagbibigay ng plastic bag na libre para maiwasan ang pag dami ng ganitong basura. Kung ayaw mong bumili, magdala ka ng sarili mong lalagyan. Ang maganda dito sa Taiwan, maraming tao ang nagbibisikleta na may basket. Marami rin sa kanila ang gumagamit ng maliit na trolley. Matibay ang bayong kaya sana ay ipagpatuloy ng mga Pilipino ang paggamit ng bayong. 

Ginagawa po ito sa buong bansa kaya walang nagsusunog o nagtatapon sa ilog o kung saan-saan. Hindi nga ba’t mahirap makamtan ang disiplina kung malupit ang batas? 

Relatede videos:

A glimpse into one of the many necessities for living in Taipei, Taiwan.

“I had heard that Taipei has one of the most unique waste management systems in the world … Imagine my surprise when I first heard this song outside my window and, curious about the possible existence of a nighttime ice cream truck, ran out to be greeted by this…” Read more: http://taiwanderland.dreamwidth.org/4299.html

We are two sisters studying Mandarin Chinese language and literature abroad at National Taiwan University for 10 months.

Read more about our adventures here:
http://taiwanderland.dreamwidth.org/