Talambuhay

Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Mga uri ng talambuhay

Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda

  1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao.
  2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang may akda.
  3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang hayop na naging sikat sa isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga tao dahil sa angking galing ng mga ito.

Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman

  1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
  2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan….


http://tl.wikipedia.org/wiki/Talambuhay

 

Filipino Talambuhay: Ano Nga Ba Ito?

Introduksyon

Ano ang Filipino Talambuhay? Ang talambuhay ay isang uri ng panitikan kung saan isinasalaysay ng manunulat ang kwento ng buhay ng isang tao, ayon sa makatotohanang pangyayari at impormasyon. Mayroong tatlong uri ng talambuhay sa panitikang Pilipino: ang Talambuhay na Pang-iba, Talambuhay na Pansarili at Talambuhay Pangkayo.

3 Uri ng Filipino Talambuhay

  1. Talambuhay na Pang-iba

Ang Talambuhay na Pang-iba ay isang pagsasalaysay ng buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao. Ito ang pinaka-karaniwang na uri ng talambuhay.

Sa Pilipinas, ang pinaka-popular na talambuhay ay ang talambuhay ni Jose Rizal. Maraming manunulat na ang nagtangka na isulat ang buhay ng bayani ito. Ilan sa kanila ay naglakbay pa sa ibang bansa para makakuha ng impormasyon tungkol sakanya.

Ang pinaka-kilalang talambuhay ni Rizal ay ang “The First Filipino, a Biography of Jose Rizal” ni Leon Maria Guerrero at ang “Rizal and the Emergence of the Philippine Nation” ni Jose Arcilla, SJ.

  1. Talambuhay na Pansarili

Ang pangalawang uri ng talambuhay ay ang Talambuhay na Pansarili. Sa talambuhay na ito, ang isinasalaysay na buhay ay ang buhay ng may-akda o awtor mismo. Isang ehemplo nito ay ang mga akda ng mga bayani tulad ni Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio. Sa modernong literatura, ang ehemplo modernong talambuhay na pansarili ay ang akda ni Gilda Cordero-Fernando, The Last Full Moon: Lessons on My Life.

  1. Talambuhay Pangkayo

Ang huling uri ng talambuhay ay hindi ukol sa buhay ng isang tao. Imbis, ang Talambuhay Pangkayo ay tungkol sa buhay ng isang hayop na may importansya sa isang bansa, lalawigan, purok o grupo ng tao dahil sa isang espesyal na kapasidad nito.

Ang magandang ehemplo nito ay ang storya ng Sarimanok, isang hayop na importante sa mga Pilipino dahil sa sinisimbolo nito.

2 Estilo ng Talambuhay

Bukod  pa rito, mayroong ding dalawang estilo ng talambuhay: ang talabuhay na karaniwan at ang di-karaniwan. Ang talambuhay na karaniwan ay isang kronolohikal na pagsasalaysay ng buhay ng isang tao – mula sa kapanganakan hanggang sa kamatayan. Ang di-pangkaraniwan, sa isang tabi, ay isang pananalaysay na naka-sentro lamang sa isang detalye o bahagi ng buhay ng isang tao tulad ng kaniyang paniniwala o kwento ng isang tagumpay sa kanyang buhay.

Ang talambuhay ay isa sa mga pinaka-importante na uri ng panitikan, hindi lamang sa Pilipinas, ngunit sa buong mundo narin. Salamat sa mga talambuhay, nagkakaroon tayo ng oportunidad na tumingin sa buhay ng mga taong importante sa historya ng Pilipinas.

Dahil sa mga talambuhay nalalaman natin ang buhay ng mga bayani o genyo tulad nila Rizal, Francisco Balagtas, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo at kung sino pa.

 Ukol sa Talambuhay sa Internet

Dati rati, napaka-hirap maghanap ng talambuhay ng mga bayani o genyo dahil kinakailangan mo pang pumunta sa silid-aklatan. Ngayon, salamat sa internet, pwede mo nang mahanap ang mga ito sa pamamagitan ng isang kompyuter.

Bagamat maraming site na nagbibigay ng makatotohanang impormasyon, makabubuti kung suriin natin ang impormasyon na ating gagamitin para makasiguro tayo na ito ay makatotohanan at tama.

http://www.filipinotalambuhay.com/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s