Pangulo ng Pilipinas

Ang Pangulo ng Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ng Republika ng Pilipinas. Pinamumunuan ng pangulo ang Tagapagpaganap na sangay ng pamahalaan, na kinabibilangan ng Gabinete, at siya rin ang Punong Komandanto o Commander-in-Chief ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sang-ayon sa kasalukuyang saligang-batas (1987), ang pangulo ay nararapat na may gulang na 40 taon pataas, mamamayang Pilipino mula kapanganakan, at nakatira sa Pilipinas sampung taon bago ng halalan. Tuwirang ihahalal ng mga Pilipino ang pangulo na mananalo kung siya ang may pinakamalaking bilang ng boto. Magsisilbi ang pangulo ng isang termino sa loob ng anim na taon at hindi na makakatakbo muli para sa re-eleksyon, maliban kung siya ay naging pangulo sa pamamagitan ng konstitusyon succession at nagsilbi ng hindi hihigit sa apat na taon bilang pangulo.

Panunumpa

Sa ilalim ng Artikulo VII, Seksyon 5 ng Saligang Batas, bago makapagsimula ang Pangulo sa pagtupad ng kanyang katungkulan ng kanyang tanggapan, dapat magsagawa ng Pangulo ang sumusunod na panunumpa o pagpapatotoo:

“Ako si__________________, ay taimtim kong pinanunumpaan (o pinatotohanan) na tutuparin ko nang buong katapatan at sigasig ang aking mga tungkulin bilang Pangulo (o Pangalawang Pangulo o Nanunungkulang Pangulo) ng Pilipinas, pangangalagaan at ipagtatanggol ang kanyang konstitusyon, ipatutupad ang mga batas nito, magiging makatarungan sa bawat tao, at itatalaga ang aking sarili sa paglilingkod sa Bansa. Kasihari nawa ako ng Diyos.”
[Kapag pagpapatotoo, ang huling pangungusap ay kakaltasin.]

Ang mga pangulo

Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng labing-limang pangulo. Sa kabila ng pagkakaiba sa saligang-batas at ng pamahalaan, itinuturing na walang hinto ang pagkasunod-sunod ng mga pangulo. Halimbawa, ang kasalukuyang pangulo, si Benigno Simeon Aquino, ay itinuturing na panglabing-limang pangulo.

Habang kinikilala ng Pilipinas si Aguinaldo bilang unang pangulo, hindi siya kinilala ng ibang bansa dahil bumagsak ang Unang Republika sa ilalim ng Estados Unidos pagkatapos ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Si Manuel L. Quezon ang kinilala bilang unang pangulo (at ang una na nanalo sa halalan — hinirang lamang si Aguinaldo) ng Estados Unidos at pandaigdig na kapisanang pangdiplomasya at pampulitika.

Nagkaroon ng dalawang pangulo ang Pilipinas sa isang punto sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kumakatawan sa dalawang pamahalaan. Isa ay kay Quezon na kumakatawan sa pamahalaang komonwelt at ang isa ay kay Jose Laurel na kumakatawan sa pamahalaang itinaguyod ng mga Hapones.

Bilang Pangalan Larawan Tunay na Pangalan Buhay Termino Pangalawang Pangulo Era Partido
1. Emilio Aguinaldo Aguinaldo.jpg Emilio Aguinaldo y Famy 1869-1964 Mayo 24, 1899Abril 1, 1901 Mariano Trias Unang Diktadurya Independyente
Unang Republika ng Pilipinas
walang pangulo
Dahil sa pamumuno ng mga gobernador-heneral na Amerikano mula Abril 1, 1901 hanggang Nobyembre 15, 1935.
2. Manuel L. Quezon Quezon.jpg Manuel Luis Quezon y Molina 1878-1944 Nobyembre 15, 1935Disyembre 24, 1941[1] Sergio Osmeña Komonwelt Nasyonalista
Disyembre 24, 1941Agosto 1, 1944[2]
3. José P. Laurel Laurel.jpg José Paciano Laurel y Garcia 1881-1959 Oktubre 14, 1943Pebrero 2, 1944 Ramon Avanceña Ikalawang Republika ng Pilipinas KALIBAPI
Pebrero 2, 1944Agosto 17, 1945 Benigno S. Aquino
4. Sergio Osmeña Ph pres osmena.jpg Sergio Osmeña y Suico 1878-1961 Agosto 1, 1944Marso 28, 1946 bakante Pinanumbalik na Komonwelt Nasyonalista
5. Manuel Roxas Ph pres roxas.jpg Manuel Acuña Roxas 1892-1948 Marso 28, 1946Abril 15, 1948 Elpidio Quirino Liberal
Ikatlong Republika ng Pilipinas
6. Elpidio Quirino Ph pres quirino.jpg Elpidio Rivera Quirino 1890-1956 Abril 17, 1948Disyembre 20, 1949 bakante
Disyembre 20, 1949Disyembre 20, 1953 Fernando Lopez
7. Ramon Magsaysay Ph pres magsaysay.jpg Ramon del Fierro Magsaysay 1907-1957 Disyembre 30, 1953Marso 17, 1957 Carlos P. Garcia Nasyonalista
8. Carlos P. Garcia Ph pres garcia.jpg Carlos Polistico Garcia 1896-1971 Marso 18, 1957Disyembre 30, 1957 bakante
Disyembre 30, 1957Disyembre 30, 1961 Diosdado Macapagal
9. Diosdado Macapagal Diosdado Macapagal USS Oklahoma City 1962 cropped.jpg Diosdado Pangan Macapagal 1910-1997 Disyembre 30, 1961Disyembre 30, 1965 Emmanuel Pelaez Liberal
10. Ferdinand E. Marcos Ferdinand Marcos.JPEG Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos 1917-1989 Disyembre 30, 1965Enero 17, 1973 Fernando Lopez Nasyonalista
Enero 17, 1973Pebrero 16, 1986 bakante Ikalawang Diktadurya Kilusang Bagong Lipunan
Pebrero 16, 1986Pebrero 25, 1986 Arturo Tolentino Ikaapat na Republika ng Pilipinas
11. Corazon C. Aquino Ph pres aquino.jpg María Corazón Cojuangco-Aquino 1933-2009 Pebrero 25, 1986Hunyo 30, 1992 Salvador H. Laurel Estados Nasyonalistang Demokratikong Organisasyon
Ikalimang Republika ng Pilipinas
12. Fidel V. Ramos Ramos Pentagon.jpg Fidel Valdez Ramos 1928- Hunyo 30, 1992Hunyo 30, 1998 Joseph Ejercito Estrada Lakas-Nasyonal Unyon ng Kristiyano Demokrato
13. Joseph Ejercito Estrada Joseph Estrada 1998.jpg Jose Marcelo Ejercito 1937- Hunyo 30, 1998Enero 20, 2001 Gloria Macapagal-Arroyo Pwersa ng Masang Pilipino
14. Gloria Macapagal-Arroyo Ph pres arroyo.jpg Maria Gloria Macapagal-Arroyo 1947- Enero 20, 2001Pebrero 7, 2001 bakante Lakas Kampi CMD
Pebrero 7, 2001Hunyo 30, 2004 Teofisto Guingona
Hunyo 30, 2004Hunyo 30, 2010 Noli de Castro
15. Benigno Aquino III Noynoy Aquino.jpg Benigno Simeon Cojuangco Aquino III 1960- Hunyo 30, 2010-Kasalukuyan Jejomar Binay Liberal

http://tl.wikipedia.org/wiki/Pangulo_ng_Pilipinas

One response to “Pangulo ng Pilipinas

  1. Kulang ang mga babae ni Rizal, 10 lahat sila he he, peace tayo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s