Ang Agila at ang Maya

(The Eagle and the Maya)

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.
“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.
“Aba oo, payag na payag ako.”
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

Source: http://tl.answers.com/Q/Isang_halimbawa_ng_pabula

18 responses to “Ang Agila at ang Maya

  1. Pingback: Ano ag Pabula? « Pilipinas atbp.

  2. Anonymous

    Iyan ang nababagay kay agila. Sa kayabangan niya ay natalo siya.Bukod sa pagiging maliit ay matalino pa si Maya.

  3. Anonymous

    tanga tanga ksi si agila

  4. Anonymous

    iyan ang mayabang na agila bobo

  5. sinu po author?

  6. Anonymous

    maganda ang mga nagawa niyong pabula!!

  7. it o beutiul story wow

  8. nicE one maya ..🙂

  9. hahahahahaha!!!yabang tlaga n agila ,bagay nga sa kanya yun!!!!!!!!!!!

  10. ako ang gumawa nto,dahil ako si aesop//?

  11. i love u maya

  12. i hate u agila ^_^ tanga mo kac yabang ka…

  13. pwede po malaman kung bakit pinalitan ng agila ang maya bilang pambansang ibon?

  14. Anonymous

    hay salamat nakita ko na assignment ko

  15. Anonymous

    bbobo kasi agila akala nya mananalo siya

  16. sophia diaz

    saang rehiyon ba to nangaling?

  17. gusto ko lang po sanang malaman king bakit pinalitan ni agila si maya bilang pambansang ibon???

  18. sino po ung may akda ng pabula?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s