VERITAS EDITORIAL August 28 , 2007

ANG NUCLEAR POWER

Sa panahon ng krisis, susugal ang mga opisyal ng pamahalaang kilalanin ang nuclear energy makaiwas lamang tayo sa kakulangan ng kuryente.  Pinagkukunan natin ng kuryente ang mga hydropower plants na pinatatakbo ng tubig, ang thermal plants na pinatatakbo ng bunker oil, mga coal-fired plants na umaangkat ng uling at geothermal power plants na mula sa init ng mga bulkan.

Noong panahon ni Pangulong Marcos, itinayo ang Bataan Nuclear Power Plant.Kamakailan lamang natin natapos bayaran ang plantang ‘di naman pinakinabangan ng kahit isang megawatt.  Tinagurian itong “white elephant”.

Bagama’t may mga nuclear power plants ang Japan at Taiwan at iba pang mga bansa, makabubuting pag-aralan ang ibang paraan upang matugunan ang power requirements ng isang maunlad na bansa tulad ng Pilipinas.

Walang problema sa mga taong mangangasiwa ng planta.  May kakayahan ang mga Pilipinong magpakadalubhasa sa ganitong larangan.  Ang problema’y mayroong probisyon sa Saligang Batas na nagsasabing tayo’y isang nuclear-free country.

Ang Pilipinas ay sinasabing nasa Pacific rim of fire.. nangangahulugang maraming mga bulkan.  Ito rin ang nagbabadyang malaki ang posibilidad na magkaroon ng malalakas na lindol. Pero,malaki ang potensyal ng geothermal energy.

Saan kaya ligtas itayo ang pinagbabalakang nuclear power plant?  May pook kayang ligtas sa lindol at bagyo?  Ano ang gagawin kung magkakaroon ng matitinding nuclear leaks tulad ng naganap sa ibang bansa?

Dahil sa mga kaduda-dudang transaksyon sa pagtatayo ng planta at sinasabing kawalan ng kaligtasan nito, nailagay sa Saligang Batas ang probisyong nagbabawal sa nuclear power sa bansa.

Sinasabi na kung ang baha sa Metro Manila at kakulangan ng infrastructures ay ‘di matugunan ng pamahalaan, nuclear power plant pa kaya?

CBCP Pastoral Statement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s