Ang tunay na kasaysayan ni Villar

I received this email yesterday from (Dumagat Bulacan ) and thought it would be interesting to share. I’m not into politics but I care about the 2010 election because I still have hope that things will change for the better in the government. I don’t know if these allegations are true but I will certainly won’t vote for him.

Kung inaakala ng karamihan sa ating mga mahihirap na kababayan na natulungan na daw ni senador Manuel Villar Jr na siya ay inihalal ng mga senador para maging pangulo ng senado, isa po itong malaking pagkakamali.

Si Villar ay naging pangulo ng senado hindi dahil sa nahalal siya kundi siya ay nakipagkasundo kay dating Senate President Franklin Drilon na makipaghatian sa termino ng senate presidency, kaya naman walang kahirap-hirap nakuhang nakuha ang trono ng senado.

Pero dahil nga ang pagiging presidente ay bunga lang ng pakikipagkasunduan at hindi lehitimong botohan, wala ding kahirap hirap na napatalsik si Villar sa puwesto noong nakaraang taon (Nobyembre 17, 2008) at napalitan siya ni senador Juan Ponce Enrile.

Natuwa ang maraming empleyado ng senado nang mapalitan si Villar sa puwesto dahil naibigay na rin sa wakas sa ilalim ng bagong liderato ang mga benipisyong hindi nila nakamit sa dating pamunuan sa kabila ng malaking pondong inilalaan ng kapulungan.

Ano nga ba ang mga nakaraan ni Villar bago naging senador?

Tama naman ang sinasabi ng kanyang mga patalastas na siya ay nagtinda ng isda at naging working student bago nagtapos ng Business Administration sa University of the Philippines pero porke ba dati siyang tindero ng isda at nagtapos sa UP ay dapat na siyang iboto bilang president ng Pilipinas, porke ba at taga Tondo siya at butas ang bubong ng bahay ay kuwalipikado na siyang maging presidente?

Hindi nagtagal sa kanyang unang trabaho si Villar sa SGV matapos ang kanyang pag-aaral dahil mas ginusto niyang ipagpatuloy ang pagbibenta ng sariwang isda, mantakin niyo yun, nagtapos ng kurso sa UP para lamang magtinda ng isda, baka pati pagiging presidente ng Pilipinas ay ipagpalit niya sa pagtitinda ng isda…

Eto pa ang pinakamatindi, nang hindi makapagbayad sa kanyang naorder na isda ang isang restoran ay humingi siya ng coupon sa may ari katapat ng halagang hindi nito nabayaran at ang mga coupon ay ibinigay niya sa kanyang mga empleyado para ang mga ito ay makakain ng libre sa restoran na may utang sa kanya.

Eh kaya nga siguro hindi nakabayad ang restoran ay dahil may problemang pampinansiyal ang may-ari tapos pakakainin pa niya doon ng libre ang kanyang empleyado, ang matindi pa ito pinabayaran din niya sa kanyang mga empleyado ang mga coupon na kanyang ibinigay sa mga ito, kahit pala noon pa may ugali na si Villar na “TUMAGA”!

Ito pa ang isang ginawa ni Villar bago pa man siya naging kongresista at naging senador at malamang na gawin din kapag nalansi niya ang publiko at naging president ng Pilipinas;

Nagtrabaho rin siya bilang financial analyst ng Private Development Corporation of the Philippines at ang kanyang pangunahing tungkulin ay ang magbenta ng mga pautang ng World Bank, pero mukhang sa isda lang siya magaling at hindi umubra sa mga pautang kaya walang pumatol sa kanyang mga sales talk.

Alam niyo ba kung ano ang ginawa ni Villar nang walang pumatol sa kanyang iniaalok na pautang? Nagresign siya sa Private Development Corporation at siya mismo ang umutang sa mga pautang ng World Bank na dating iniaalok niya!!!

Bayad na kaya ngayon ang mga inutang niya dito, tama kaya ang interes o namamaniubra din niya kagaya ng C5 dahil alam niya ang mga pasikot-sikot sa naturang pautang… hmmm…

Ilan lamang po ito sa mga kuwento ni Villar na nasagap ng mga Dumagat, handa pa po kaming sumaliksik para ipaalam sa inyo kung ano ang tunay na pagkatao niya sa likod ng mga sangkaterbang tv ads na kanyang ipinapamukha sa tao.

Nga pala, tumataginting na dalawa at kalahating bilyong piso na daw kanyang nagastos sa maagang pangangampanya pa lamang kung pagsasamahin ang may mga resibo at walang resibo dahil alam naman nating lahat na ang mga komentarista at kolumnista na nabubulag niya ay hindi nag-iisyu ng resibo at hindi rin po pumipirma sa petty cash voucher ang mga ito.

Gusto niyo rin ba na malaman kung ilan ang anak ni Villar? Kung sino ang girlfriend niya? Kung sino sa mga ito ang naregaluhan ng bahay at lupa?

Abangan…

Ito po ang link sa iba pang impormasyon tungkol kay Villar…

http://en.wikipedia.org/wiki/Manny_Villar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s