Tag Archives: tula

Tulang Pantanghalan (tulang dula)

Ang tulang dula o tulang pantanghalan ay kahit anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain.

Komedya

Ang Komedya ay ang pagtutula na may halong kasiyahan o katuwaan ng mga manonood

Melodrama

Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula. Dito, malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas. Ang isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni April Ann C. Perdiguerra.

Trahedya

Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pasugara.

Parsa

Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng isang kwentong nakakatawa.

Saynete

Ang saynete ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kwento ng pangunahing tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maaalahanin.

Mula sa: http://tl.wikipedia.org/wiki/Tulang_pantanghalan

Panulaan

Mga subkategorya

Mayroon ang kategoryang ito ng sumusunod na 3 subkategorya, sa kabuuang 3.

K

M

Mga artikulo sa kategorya na “Panulaan”

Ang sumusunod na 11 pahina ay nasa kategoryang ito, sa kabuuang 11.

B

D

F

I

M

S

T

Mula sa: http://tl.wikipedia.org/wiki/Kategorya:Panulaan

Mga Tula ni Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,Kaya ang marapat pagyamaning kusaNa tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa ibaNa may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Taong 1869– Rizal
________________
Mga halimbawa ng tula ni Rizal:

bakit

bakit, bakit, bakit…

bakit ang tanong ng taong nalilito
hindi makatulog sa masamang panaginip
gusto mang makalimot, hindi mabura sa isip

bakit ang tanong ng taong nabigo
ginawa man ang lahat
kailan ma’y hindi naging sapat

bakit ang tanong ng taong bilanggo
sa hawla ng mapaglarong tadhana hindi makalaya
puso ma’y balisa marunong pa ring mapagparaya

~ msmeowf 2011

taym pers

Taym pers! (transliteration of the phrase “time first”) is a common expression among Ilocano communities. Thus, the full version, “time out first,” is the literal translation from Tagalog expressions such as tigil muna (stop, for a moment, for a while, for the mean time, first before everything else) or teka (wait) muna.

Individuals, especially children,  would utter this phrase when  they are in dire need to take  a break, too exhausted with their activities, feeling hopeless or weak but don’t want to give up on any type of games or activities. What is amazing is the individuals’ reaction to this expression. For instance, during play time, no matter how much kids are into their activities, they would automatically withdraw whatever they are doing every time they hear “taym pers!”. To cease interesting activities is frustrating but children would positively respond to this cry without even realizing its core value, that is, sympathy in it’s deepest sense.

I seldom hear this expression nowadays maybe because I didn’t get a chance to mingle with kids or Filipinos values have deteriorated. Has it simply become archaic and ineffective or has the level of people’s sensitivity significantly diminished? Have people been using this expression to take advantage of the ones showing care or giving chances?

Taym pers should always carry the value of sincerity as it provides relief and a chance to pull oneself up in times of adversities. We can always say “time first” when we need to pause. Time is all we need — to ponder, find solutions, heal wounds or chill out — in order to make things right if not better.

. . – * – . .

isa, dalawa, tatolong oras nang nakahiga
mundo ma’y tahimik isip ay nangungulit
ayaw magpatulog kaya ang unan pinipiga
gustuhin mang mapawi, hindi mapilit
sa pagbuntong hininga
kahit papaano’y nawawaglit…

— msmeowf (June 2011)

Tanaga

Tanaga is the Philippine shortest poetry form of four lines in seven syllables, commonly in aaaa or aabb, abba, or abab rhyming pattern. Pinoy haiku, then as used here is a hybrid of the Japanese haiku and from the two lines of tanaga, ideally in a-a-a or a-b-a rhyme pattern.

Ang Tanaga ay isa sa mga katutubong tula sa Filipinas. Binubuo ito ng apat na taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig. May tugmang isahan (aaaa) ang sinaunang anyo nito, ngunit pinasukan ng eksperimentasyon ng mga makata sa paglipas ng panahon, mulang Ildefonso Santos at Alejandro G. Abadilla hanggang Rio Alma, Teo T. Antonio, at Mike L. Bigornia. Kabilang sa mga pagbabago ang pagpapasok ng tugmaang inipitan (abba), salitan (abab), at sunuran (aabb). Pambihira naman ang ginawa ni Abadilla, na gumamit ng panloob na tugmaan, gaya ng mababasa sa kaniyang aklat na Tanagabadilla (1965).

Ilan sa mga katangian ng tanaga ang masining na pagkasangkapan sa talinghaga (metaphor), ang pagtitimpla ng mga imahen, ang pagpapaindayog ng tunog ng mga salita, at ang banayad na pagpapahiwatig mula sa inilalarawan, inihahambing, o inilalahad na bagay, pangyayari, o tagpo.

(Tignan ang iba pang nilalaman)

Ang Tanaga ay isa sa mga katutubong tula sa Filipinas, ngunit unti-unti na itong nabubura sa alaala ng sambayanan.

Heto ang mga halimbawa ng tanaga.

 

Santo Niño
 Sanlaksang kaluluwa
ang bumalot sa daan.
Ang ingay at ang kulay
ay biglang naging isa.

—Roberto T. Añonuevo
26 Disyembre 2007

Tagpo sa Noche Buena
Nasok ang limang ibon
Sa singit nitong bubong.
Sumiyap ang inakay,
at dilim ang dumantay.

—Roberto T. Añonuevo
7 Disyembre 2007

Paggunita sa Tanaga ni Virgilio S. Almario

Bukod sa mga bugtong at salawikain, maraming sinaunang maikling anyo ng tula sa Filipinas. Isa dito ang tanaga, na ayon sa vocabulario nina Noceda at Sanlucar (1754) ay isang uri ng tulang may napakataas na pagpapahalaga sa lipunang Tagalog: Poesia muy alta en tagalo, compuesta de siete silabas, y cuatro versos, llena de metaforas. Binubuo ang tanaga ng apat na taludtod at bawat taludtod ay may sukat na pipituhin. Sa loob ng naturang anyo, kailangang ganap na maipahayag ng makata ang nais sabihin sa pamamagitan ng matalinghagang pangungusap.

Umaabot sa 15 ang tanagang natipon at ginamit na halimbawa nina Noceda at Sanlucar sa kanilang bokabularyo. Isa dito ang nagpapahayag ng pagpapahalaga sa birtud ng kababaang-loob sa pamamagitan ng pagkokompara sa mga punong paho at doso:

Mataas man ang paho
Malangba ang pagtobo
Ang doso rin ang lalo,t,
Hangini di maobo.

Isa pa ang tigib sa pagbibiro at siste dahil sa tila-musmos na paghamon ng marupok na lumot sa tibay ng tulos na kung tutuusi’y pagsasandigan niya ng sariling kapalaran:

Catitibay ca tolos
sacaling datnang agos
aco,i, momonting lomot
sa iyo,i, popolopot.

Ngunit ang susunod ang maituturing na isang hiyas:

Nang ualang biring guinto,
Doon nagpapalalo
Nang magcaguinto guinto
Doon nanga songmoco.

May dalawang talim ang naturang tula. Sa isang banda, isang bugtong ito hinggil sa palay. Gayunman, isang aral din ito sa hungkag at sa totoong karunungan. Ang taong kulang sa dunong ay karaniwang tulad ng namumutikas pa lamang na palay: palalo at nakatingala lagi sa langit. Sa kabilang dako, ang taong tigib sa karanasan ay tulad ng uhay na hitik sa butil: marunong yumuko at magpakababa.

Isang suwerte natin ngayon na natipon at nailimbag nina Noceda at Sanlucar ang mga naturang sinaunang tanaga. Sa loob ng mahigit sansiglo, waring nawala ito sa gunita ng taumbayan. Salamat at nitong makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling binuklat ni Ildefonso Santos ang aklat nina Noceda at Sanlucar at natuklasan ang tanaga.

Lumikha mismo siya ng ilang tanaga at inilathala nang may kalakip na paliwanag hinggil sa ginamit na katutubong anyo. Isa dito ang kaniyang paghalaw sa bugtong ng palay at nilagyan niya ng gayong pamagat:

Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Nguni,y, muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!

Nabasa ni Federico Licsi Espino Jr. ang tanaga ni Ildefonso Santos at isinulat niya ang naturang tuklas sa isang artikulong Ingles sa magasin niyang pinaglilingkuran. Bukod dito, sinundan niya ang pagsisikap ni Santos; sumulat din siya ng tanaga, at isa ang sumusunod na “Muling Pagkabuhay”:

Dahan-dahan, ang langit
Ay nagbababang-luksa;
Unti-unti, ang binhi’y
Nabubuhay sa lupa.

Nagsisulat din ng tanaga sina Rogelio G. Mangahas, Rio Alma, Lamberto E. Antonio, Pedro Ricarte, at iba pa nitong dekada 60. Pagdating ng dekada 70, ganap nang muling nabuhay ang tanaga sa hanay ng mga makata.

Ang Textanaga ang kaganapan ng naturang resureksiyon. Bukod sa inobatibong paggamit ng texting, pinalawak ngayon ng naturang kontest ang kamalayan sa tanaga hindi lamang sa mas malaking bilang ng kasalukuyang makata kundi maging sa henerasyon ng mga Filipinong limitado ang kaalaman sa sarili’t katutubong panitikan ng Filipinas.

Sa loob ng sambuwan at kaugnay ng pagdiriwang sa Pambansang Buwan ng mga Sining nitong Pebrero 2003, libo-libong lahok ang tinanggap ng mga tagapangasiwa ng Textanaga . Nanggaling ang mga lahok sa iba’t ibang dako ng Metro Manila bukod sa dumating mula sa Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Laguna, Batangas, Quezon, at Palawan. May nagwagi pang taga-Bicol. Ang higit na nakatutuwa, nilahukan ito ng mga guro, estudyante, klerk, negosyante, abogado, CPA, sundalo, pari, at mga tao mula sa sari-saring propesyon at gawain ngunit nabibigkis ng mithiing tumula.

Hindi naging sagwil ang pangyayaring hinggil lamang sa pag-ibig ang maaaring paksain ng bawat lahok. Itinatanghal sa mga nagwagi linggo-linggo ang mataas na uri ng pananalinghaga, gaya ng hinihingi sa tanaga. May hayag na mithiing pakatutubo, tulad sa:

Ay! Masaganang payaw
Ang katawan mo, Mahal;
At bul-ol akong bantay
Sa mapintog mong palay.

Dili kaya’y malikhaing pagsangkap sa sinaunang paniwala, pamahiin, at gawain ng bayan, gaya sa:

Nag-almusal mag-isa,
Kaning lamig, tinapa;
Nahulog ang kutsara…
Ikaw na sana, Sinta.

Malakas din ang simbuyong gamitin ang wika’t karanasan ng lungsod, gaya sa:

No virus ang computer
Puro sunshine ang weather,
Parang life sa death after
Pag tayo ay together.

Na kahit ipahayag sa karanasang lalawiganin ay hindi nawawalan ng masayang dating, gaya sa:

Puto lang ako Sinta-
May init ng bibingka,
Tamis ng maja blanca,
Sapin-saping ligaya.

Bagaman may halimbawang mahihiwatigan ng tahimik ngunit mahiwagang paglurok sa bagay-bagay, sa paraang tinatawag na Silanganin, gaya sa:

Dinatnan kong tahimik
Ang lawa at namingwit;
Nasilip ka sa langit,
Hinagkan ko ang tubig.

Walang kapantay ang biyayang dulot ng Textanaga sa popularisasyon ng tanaga at sa karugtong na pagkamalay ng sambayanan sa kulturang Filipino. Isang hakbang ito sa muling pagkabuhay din ng diona, dalit, at ibang maikling katutubong anyo ng pagtula o sa muling pamumulaklak ng balagtasan, dallot, o komposo sa entabladong Filipino. Kailangan ang ganitong danas bago tayo ganap na dapurakin ng cable TV, DVD, at mga bagong Hinete ng Globalisasyon.

Ferndale Homes
28 Pebrero 2003

Huling Paalam ni Jose Rizal

sa salin ni Jose Gatmaytan (translator)

Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Bayang masagana sa init ng araw,
Edeng maligaya sa ami’y pumanaw
At perlas ng dagat sa dakong Silangan.
Inihahandog ko ng ganap na tuwa
Sa iyo yaring buhay na lanta na’t aba;
Naging dakila ma’y iaalay rin nga
Kung dahil sa iyong ikatitimawa.
Ang nanga sa digmaan dumog sa paglaban
Handog din sa iyo ang kanilang buhay,
Hirap ay di pansin at di gunamgunam
Ang pagkaparool o pagtagumpay.
Bibitaya’t madlang mabangis na sakit
O pakikibakang lubhang mapanganib,
Pawang titiisin kung ito ang nais
Ng baya’t tahanang pinakaiibig.
Ako’y mamamatay ngayong minamalas
Ang kulay ng langit na nanganganinag
Ibinababalang araw ay sisikat
Sa kabila niyang mapanglaw na ulap.
Kung dugo ang iyong kinakailangan
Sa ikadidilag ng iyong pagsilang,
Dugo ko’y ibubo’t sa isa man lamang
Nang gumigiti mong sinag ay kuminang.
Ang mga nasa ko, mulang magkaisip,
Magpahanggang ngayon maganap ang bait,
Ang ikaw’y makitnag hiyas na marikit
Ng dagat Silangan na nakaliligid.
Noo mo’y maningning at sa mga mata
Mapait na luha bakas ma’y wala na,
Wala ka ng poot, wala ng balisa,
Walang kadungua’t munti mang pangamba,
Sa sandaling buhay maalab kong nais
Ang kagalingan mo’t ang paiwang sulit
Ng kaluluwa king gayak ng aalis:
Ginhawa’y kamtan mo! Anong pagkarikit!
Nang maaba’t ikaw’y mapataas lamang,
Mamatay at upang mabigyan kang buihay,
Malibing sa lupang puspos ng karika’t
Sa silong ng iyong langit ay mahimlay.
Kung sa ibang araw ikaw’y may mapansin
Nipot na bulaklak sa aba kong libing,
Sa gitna ng mga damong masisinsin,
Hagka’t ang halik mo’y itaos sa akin.
Sa samyo ng iyong pagsuyong matamis,
Mataos na taghoy ng may sintang sibsib,
Bayang tumaggap noo ko ng init,
Na natatabunan ng lupang malamig.
Bayan mong ako’y malasin ng buwan
Sa liwang niyang hilano’t malamlam;
Bayan ihatid sa aking liwayway
Ang banaang niyang dagling napaparam.
Bayaang humalik ang simoy ng hangin;
Bayaang sa huning masaya’y awitin
Ng darapong ibon sa kurus ng libing
Ang buhay payapang ikinaaaliw.
Bayaang ang araw na lubhang maningas
Pawiin ang ulan, gawing pawang ulap,
Maging panganuring sa langit umakyat,
At ang aking daing ay mapakilangkap.
Bayaang ang aking maagang pagpanw,
Itangis ng isnag lubos na nagmamahal;
Kung may umalala sa akin ng dasal,
Ako’y iyo sanang idalangin naman.
Idalangin mo rin ang di nagkapalad,
Na nangamatay na’t yaong nanganhirap
sa daming pasakit, at ang lumalangap
naming mga ina luhang masaklap.
Idalangin sampo ng bawa’t ulila
at nangapipiit na tigib ng dusa;
idalangin mo ring ikaw’y matubos na
sa pagkaaping laong binata.
Kung nababalot na ang mga libingan
Ng sapot na itim ng gabing mapanglaw,
at wala ng tanod kundi pawing patay,
huwang gambalain ang katahimikan.
Pagpitagan mo ang hiwagang lihim,
at mapapakinggan ang tinig marahil,
ng isang saltero: Ito nga’y ako ring
inaawitanka ng aking paggiliw.
Kung ang libingan kong limot na ang madla
ay wala nang kurus at bato mang tanda
sa nangangabubukid ay ipaubayang
bungkali’t isabog ang natipong lupa.
Ang mga abo ko’y bago pailanglang
mauwi sa wala na pinaggalingan,
ay makalt munag parang kapupunanng
iyong alabok sa lupang tuntungan.
Sa gayo’y walaa ng anoman sa akin,
na limutin mo ma’t aking lilibutin
ang himpapawid mo kaparanga’t hangin
at ako sa iyo’y magiging taginting.
Bango, tinig, higing, awit na masaya
liwanag aat kulay na lugod ng mata’t
uulit-ulitin sa tuwi-tuwina.
Ako’y yayao na sa bayang payapa,
na walang alipi’t punoing mapang-aba,
doo’y di nanatay ang paniniwala
at ang naghahari Diyos na dakila.
Paalam anak, magulang, kapatid,
bahagi ng puso’t unang nakaniig,
ipagpasalamat ang aking pag-alis
sa buhay na itong lagi ng ligalig.
Paalam na liyag, tanging kaulayaw,
taga ibang lupang aking katuwaan,
paaalam sa inyo, mga minamahal;
mamatay ay ganap na katahimikan.

Ang Awit ni Maria Clara ni Jose Rizal

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta’y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.
Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti’t pupos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana’t walang nagmamahal.

Pinatutula Ako ni Jose Rizal

Iyong hinihiling, lira ay tugtugin
bagaman sira na’t laon nang naumid
ayaw nang tumipa ang nagtampong bagting
pati aking Musa ay nagtago narin.
malungkot na nota ang nasnaw na himig
waring hinuhugot dusa at hinagpis
at ang alingawngaw ay umaaliwiw
sa sarili na ring puso at damdamin.
kaya nga’t sa gitna niring aking hapis
yaring kalul’wa ko’y parang namamanhid.
Nagkapanahon nga … kaipala’y, tunay
ang mga araw na matuling nagdaan
nang ako sa akong Musa’y napamahal
lagi na sa akin, ngiti’y nakalaan.
ngunit marami nang lumipas na araw
sa aking damdamin alaala’y naiwan
katulad ng saya at kaligayahan
kapag dumaan na’y may hiwagang taglay
na mga awiting animo’y lumulutang
sa aking gunitang malabo, malamlam.
Katulad ko’y binhing binunot na tanim
sa nilagakan kong Silangang lupain
pawang lahat-lahat ay kagiliw-giliw
manirahan doo’y sayang walang maliw.
ang bayan kong ito, na lubhang marikit
sa diwa’t puso ko’y hindi mawawaglit
ibong malalaya, nangagsisiawit
mulang kabundukan, lagaslas ng tubig
ang halik ng dagat sa buhangin mandin
lahat ng ito’y, hindi magmamaliw.
Nang ako’y musmos pa’y aking natutuhang
masayang batiin ang sikat ng araw
habang sa diwa ko’y waring naglalatang
silakbo ng isang kumukulong bulkan.
laon nang makata, kaya’t ako nama’y
laging nagnanais na aking tawagan
sa diwa at tula, hanging nagduruyan:
“Ikalat mo lamang ang kanyang pangalan,
angking kabantugan ay ipaghiyawan
mataas, mababa’y, hayaang magpisan”.

Awit Ng Manlalakbay ni Jose Rizal

Kagaya ng dahong nalanta, nalagas,
Sinisiklut-siklot ng hanging marahas;
Abang manlalakbay ay wala nang liyag,
Layuin, kalulwa’t bayang matatawag.
Hinahabul-habol yaong kapalarang
Mailap at hindi masunggab-sunggaban;
Magandang pag-asa’y kung nanlalabo man,
Siya’y patuloy ring patungo kung saan!
Sa udyok ng hindi nakikitang lakas,
Silanga’t Kanlura’y kanyang nililipad,
Mga minamahal ay napapangarap,
Gayon din ang araw ng pamamanatag.
Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,
Siya’y maaaring doon na mamatay,
Limot ng daigdig at sariling bayan,
Kamtan nawa niya ang kapayapaan!
Dami ng sa kanya ay nangaiinggit,
Ibong naglalakaby sa buong daigdig,
Hindi nila tanto ang laki ng hapis
Na sa kanyang puso ay lumiligalig.
Kung sa mga tanging minahal sa buhay
Siya’y magbalik pa pagdating ng araw,
Makikita niya’y mga guho lamang
At puntod ng kanyang mga kaibigan.
Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,
Sa sariling baya’y wala kang katalik;
Bayaang ang puso ng iba’y umawit,
Lumaboy kang muli sa buong daigdig.
Abang manlalakbay! Bakit babalik pa?
Ang luhang inyukol sa iyo’y tuyo na;
Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,
Sa hapis ng tao, mundo’y nagtatawa.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala…
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang kumupkop;
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot…
Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap…
Ang nangakarang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?…
Kung ang bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit…
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanood?…
Kayong mga dukhang walang tanging [palad]
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
Hangang sa may dugo’y ubusing itigis,
Kung sa pagtatanggol buhay ay [mapatid]
Ito’y kapalaran at tunay na langit.