Tag Archives: pabula

Ang Aso at ang Pusa

Ang Aso at Ang Pusa

Isang araw, ang aso ay nakahuli ng isang ibon.Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting butoAng nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalisAng bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas. Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng Makapag-aalis ng kanyang bikig.Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumangMahilingan ng tulong na ibibgay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan. Tumihaya na ang aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng pusa ang kanyang ulo hanggang liig upang alisin ang bikig. Pagkabunot ng bikig, ang pusa ay nagsalita, “Akin na ang aking gantimpala.” Umuungol ang aso. Inilabas ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi napahamak,” wika ng aso na waring nanunumbat.

Source:

http://aralingpinoy.blogspot.com/2009/05/ang-aso-at-ang-pusa.html

ANG ASO AT ANG PUSA

Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.

Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.

“Ibigay mo na ang aking gantimpala.”

Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. “Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak”, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.

GINTONG ARAL MULA SA PABULANG ITO:

Nararapat lamang na tuparin natin ang ating ipinangako at nang sa gayon ay igalang tayo ng ibang tao.

SALAWIKAIN MULA SA PABULANG ITO:

Ang taong sinungaling dapat maging matandain; sa nilubid niyang daing siya’y mahahalata rin.

Pag pinatulan mo ang munting kaaway malamang na ikaw pa ang masaktan.

Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

An utang na loob magpakaliit man, utang at utang din kahit mabayaran, sa pakitang loob at tapat na damay ay walang salaping sukat maitimbang.

Hindi mo dapat asahan ang pangako ng kaaway.

Source:

http://kanayon.blogspot.com/2008/08/ang-aso-at-ang-pusa.html

Ang Kuwento ng Pusa at Daga

ANG KUWENTO NG PUSA AT DAGA NI DONATO SEBASTIAN

Noong unang panahon, may magandang samahan ang mga pusa at daga. Isang araw, nakiusap ang Inang pusa sa Inang daga para bantayan ang anak nyang kuting na maysakit para makahanap ng manggagamot.

Ginising ng Inang daga ang kanyang anak para tumulong magbantay sa kuting. Ang sabi ng bubwit, ayaw pa nya bumangon kasi maaga pa. Ang sabi ni Inang daga, maraming pagkain sa bahay ng mga pusa para sumama ang kanyang anak.

Nagpunta ang mag-inang daga sa bahay ng mga pusa at nakita ng bubwit na may maraming pagkain at tinawag ang Inang daga. Kinain ng mag-ina ang pagkain at naubos nila lahat.

Nang magising ang kuting, nagpumilit syang pumunta sa kusina at nakita na ubos na lahat ang kanilang pagkain. Tinawag nyang matakaw ang mag-ina.

Nagalit ang bubwit sa sinabi ng kuting at kinagat sa paa ang pusa. Gumanti ang kuting sa bubwit at nakalmot nito ang mukha ng daga. Nagalit ang Inang daga at kinagat sa paa ang kuting. Tumakas ang mag-inang daga at nagtago sa kanilang lungga.

Pag-uwi ng Inang pusa, wala sa higaan ang kanyang anak. Nkita nya sa kusina ang kuting na sugatan. Ginamot nya ang mga sugat ng anak. Nang makapagsalita ang kuting, ikinuwento ng anak ang mga pangyayari. Nagalit ang Inang pusa at sinugod ang mag-inang daga.

Sabi ng inang pusa, “Daga, daga… lumabas ka diyan sa lungga…” ngunit hindi lumabas ang mag-ina dahil sa takot.

Tinawag ng Inang pusa ang kanyang mga kaanak at ikinuwento ang pangyayari. Simula noon, lagi na lamang nag-aaway ang pusa at daga.

 

Source:

http://www.dragtotop.com/drag_it/search/site/web/781395

Si Pagong at Si Matsing

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni Pagong

“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing

“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni Pagong

“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni Pagong

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni Matsing

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte”sabi ni Matsing

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.

Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.

“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo”sabi ni Matsing

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong

“hmp kaya pala nalanta ang aking tanim”nanggigil na sambit ni Matsing

“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.”sabi ni Pagong

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing

Nanatili sa  itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong.

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong matsing

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin”bulong nito sa sarili

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan.

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.

“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong

“Tatadtarin kita ng pinong pino”sabi ni Matsing

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.

“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni Pagong

Nag-isip ng malalin si Matsing

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka” sabi ni Matsing

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni Pagong

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong

Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan.

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong.

Mga aral:

Tuso man ang matsing, naiisahan din.

Marami sa paligid ang tulad ng isang matsing. Kaya mag-ingat…

Mababasa rin ang kwentong ito sa:

http://pinoyteacher.wordpress.com/2008/10/29/si-pagong-at-si-matsing-isang-pabula/

http://brownmonkeys.multiply.com/journal/item/216/Si_Pagong_at_Si_Matsing_Isang_Pabula

http://www.melardenio.com/2010/03/ang-pabula-si-pagong-at-si-matsing.html

Ang Inggiterong Uwak

Nakita ng uwak ang agila na dala-dala ang isang tupa sa himpapawid.  Nakita rin niya nang dalhin nito ang tupa sa pugad.

Naiingit ang uwak kaya ginaya niya ang agila.  Sa kanyang paglipad, nakakita siya ng tupa at ito ay kanyang dinagit.  Nagulat siya sa kanyang natuklasan na bukod sa mabigat ang tupa, sumabit pa ang kanyang kuko sa balahibo nito.

Nakita siya ng nag-aalaga ng tupa kaya’t agad siyang hinuli nito at inilagay sa kulungan.

Pinagtawanan siya ng agila at ng mga ibon nang makita siya ng mga ito.

Aral : Huwag manggaya o maiingit sa iba.  May kanya kanyang talino ang bawat nilalang.

Ang Agila at ang Maya

(The Eagle and the Maya)

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.
“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”
Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw nman ay bulak.”
Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito.
“O ano, Agila, payag ka ba?” untag ni Maya.
“Aba oo, payag na payag ako.”
“Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na ‘yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na bundok na iyon,” wika pa ni Maya.
Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.
At sisimulan nga nila ang paligsahan.
Habang nasa kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang lipad niya.
Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.
Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.
MENSAHE:
Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

Source: http://tl.answers.com/Q/Isang_halimbawa_ng_pabula

Ang Inahing Manok at ang Kanyang Mga Sisiw

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, “Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!”
Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, “Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!”
“Huwag kayong mabahala mga anak,” ang wika ng inahing manok. “Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito.”

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga’y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

“Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!”

“Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, “Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!”

Kinabukasan nga’y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, “Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!”

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, “Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!”

Ibangbersiyon:

May isang inahing manok ang may anim na sisiw. Kung nasaan ang inahing manok ay naroon ring nakasunod ang mga sisiw nito. Palagi silang sagana sa pagkain kaya sila’y palaging masaya.
Sa isang isang bakuran naroon sina inahing bibi at ang kanyang anim ring mga maliliit na bibi na nagsisipaligo at naglalaro sa isang maliit na balon.
Natanaw ng mga sisiw ang mga nagsisipaglangoy na mga bibi. Lumapit sila sa gilid ng balon at doo’y pinanood ang masasayang mga bibi.
“Umalis kayo sa gilid ng balon!”, sigaw ni inahing manok.
Waring walang narinig ang mga sisiw sa sinabi ng inahing manok. “Masdan n’yo ang mga sisiw na nagsisipaligo sa balon,” ang sigaw ng isang sisiw.
“Hindi iyon mga sisiw. Sila’y mga bibi. Hilig nila talaga ang tubig. Umalis na kayo sa gild ng balon dahil baka kayo’y mahulog at malunod. Halina kayo’t tayo’y aalis na.” ang wika ng inahing manok.
Patungo na ang inahing manok sa kanilang pugad kasunod ang limang sisiw. Ang isang sisiw ay nagpaiwan at nanatiling nakamasid sa mga nagsisipaligong bibi.
Naisip niyang kung kayang lumangoy ng mga maliliit na bibing iyon sa tubig ay kaya rin niyang isang sisiw. Kaya’t siya’y tumalon sa tubig, ngunit huli na ang lahat nang mapag-isip-isip ng matigas na ulong sisiw na hindi niya kayang lumangoy, kaya’t siya’y nalunod.

Mula sa:

http://tl.answers.com/Q/Pabula_ang_inahing_manok_at_ang_kanyang_sisiw

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_for_Kids/mga_pabula_ni_Aesop.htm#ANG%20LOBO%20AT%20ANG%20KAMBING

Ang Aso at ang Kanyang Anino

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo’y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.

Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

Ang Uwak na Nagpanggap

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba’t ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba’t ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa’y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, “Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!”

Ang Lobo at ang Kambing


Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo. “Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.”

“Papaano?”

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin” sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko,” sabi ng leon.

“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, “
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.

Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.