Tag Archives: Filipino language

Sa Aking Mga Kabata / To My Fellow Children

Sa Aking Mga Kabata / To My Fellow Children 
ni Jose P. Rizal

Ito ang kauna-unahang tula na isinulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.Sa edad 8, isinulat  niya ito sa katutubong wika at pinamagatang “SA AKING  MGA KABATA”.

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

(Nagsalin sa Filipino di kilala.)

To My Fellow Children
translated by Fank C. Laubach

Whenever eople of a country truly love
The language which by heav’n they were taught to use
That country also surely liberty pursue
As does the bird which soars to freer space above.

For language is the final judge and referee
Upon the people in the land where it holds sway;
In truth our human race resembles in this way
The other living beings born in liberty.

Whoever knows not how to love his native tongue
Is worse than any best or evil smelling fish.
To make our language richer ought to be our wish
The same as any mother loves to feed her young.

Tagalog and the Latin language are the same
And English and Castilian and the angels’ tongue;
And God, whose watchful care o’er all is flung,
Has given us His blessing in the speech we claim,

Our mother tongue, like all the highest that we know
Had alphabet and letters of its very own;
But these were lost — by furious waves were overthrown
Like bancas in the stormy sea, long years ago.

Interpretation of the poem, “Sa Aking mga Kabata”

The first stanza speaks that Rizal wants us to love our own language and it is a gift from above that was given onto us to be grateful of. It is a blessing that like any other nationalities we were gifted of. We are aware that Rizal was motivated to write this poem during the time of Spanish supremacy because we were under their colony. He addresses us to love our language for it is our step towards liberty. As Rizal correlated it to a bird that can freely fly up in the sky, it has a will to fly wherever it wants to go and whatever it wants to do. But if this bird is in a howl like us, Filipinos, who cannot stand for what we believe is right, we will never experience independence.

The next stanza implies that a nation that loves a God-given language also loves freedom. “For language is the final judge and reference upon the people in the land where it holds and sway.” A Filipino who loves his native tongue will definitely fight for his freedom seemingly like a bird “lumilipad nang pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan”, a person who preserves the marks of its liberty, as man preserve his independence. Language is not merely a communication tool but as an expression of one’s identity, of one’s individual and social consciousness. Without a common identity, there could be no real sense of nationhood. Love and use of one’s native tongues was one of the badges of a true patriot.

In the succeeding stanza, Rizal compared the person who doesn’t love his native tongue from a putrid fish. Just like a fish which originally lives in water, stinks every time it goes out of its place. Like some of the Filipinos that we could observe, we could see that when they have reached a foreign country and adapted the foreign language and culture, they tend to forget their own. And as they have adapted that culture, they will be so haughty   to despise and scorn their own fellowmen. They hide and cover their identity for being a Filipino even though it’s very discernible. They just make themselves look foolish and shameful. And with the last two lines from the third stanza, Rizal addressed to us that our own language must be cherished and should not be forgotten because it’s a very valuable possession of our own country.

Fascination when we discovered that Rizal was just an eight-year-old lad when he wrote this poem. At a very young age and a boy who grew up speaking several languages, it is very inspiring to hear someone say these lyrics with such great nationalism with great love of his own tongue. Reflecting our past, we saw ourselves unconsciously patronizing foreign languages. We wanted to be those whites who have slang tongues. Where have our native tongues has gone? We were gaining colonial mentality without our awareness. The bad news is, we allow it to happen. And what Rizal was trying to resound is that even our very own Filipino is also a language to be respected and valued. It is also a language likewise with the angels and with the others. There should be no hierarchy that the Filipino is the least. For rejecting it is like denying ourselves of who we really are.

Finally, the last stanza implies that we, just like the other nations existing, have its own exceptional characteristics that we can be greatly proud of, those distinct qualities of being a Filipino such that the blood itself that runs through your veins, the culture, and your innate YOU is a certified Filipino that you can never obliterate. Sad to say, the cornerstones established by our forefathers to come up with a better country is now into annihilation…Annihilation caused by the influx of challenges doomed to spoil what we have. 

Sources:
http://www.scribd.com/doc/78511326/Sa-Aking-Mga-Kabata
http://www.scribd.com/doc/52679482/sa-aking-mga-kabata

Panitikang Filipino

Ang Panitikang Filipino – Isang Panimulang Aralin

Mahilig ka bang makinig ng mga drama o balagtasan? Mahilig ka rin bang manood ng mga pelikula? Alam mo bang ang drama, balagtasan at pelikula ay mga anyo ng panitikan?

Ang panitikan sa kasalukuyan ay natutunghayan sa madalian at magaang paraan dahil sa kaunlaran sa teknolohiya. Ang mga awit ay naitatala sa tape recorder at compact disk (CD) at naisasaplaka ang mga tula. Ang mga maikling kuwento ay napapakinggan sa radyo at naisasatelebisyon naman ang mga dula. Ang mga nobela naman ay naisasapelikula.

Alam mo ba na noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay mahilig din sa panitikang Filipino? Paano kaya nila naipakita ang kanilang pagkahilig sa panitikan? Ang araling ito ay magmumulat sa iyo sa panitikang Filipino. Bagama’t ito’y isang napakalawak na larangan, sa araling ito’y malalaman no ang dalawang paraan ng paguuri ng panitikan. Matututuhan mo rin ang tatlong uri ng panitikan ayon sa anyo.

Ang panitikang Filipino ay isang napakalawak na larangan. Napapangkat ito sa dalawang paraan ng pag-uuri: ang una ay ayon sa paghahalin at ang pangalawa ay ayon sa anyo.

Ang panitikan ayon sa paghahalin

Ayon sa paghahalin, ang panitikan ay napapangkat sa dalawa. Ang una ay sa paraan ng paglilipat ng dila o bibig. Ang paraang ito ay tinatawag na pasalindila. Ito ay nangyari noong unang panahon sa dahilang ang mga ninuno natin noon ay hindi pa maalam sa sistema ng pagsulat kaya puro pabigkas lamang ang paraan na kanilang ginagamit. Paulit-ulit nilang pinapakinggan hanggang sa matanim sa kanilang isip ang mga tula, awit o nobela. Kadalasan, nagtitipun-tipon sila upang makinig ng mga kuwento, dula, awit at tula. Sa palagian nilang pakikinig at pagbigkas, naisasalin ito hanggang sa susunod na henerasyon.

Ang pangalawang uri ng panitikan ayon sa paghahalin ay ang pasalinsulat. Nangyari ito noong panahong natutuhan na ng ating mga ninuno ang alpabeto. Ang mga panitikan ay isinulat o inukit at ginuhit sa balabak ng kahoy o mga dahun-dahon. Nang dumating ang mga Kastila, dala nila ang imprenta. Sa pamamagitan ng paglilimbag, ang ilan sa mga katutubong panitikan ay naimprenta at napag-ingatan ngunit ang karamihan ay di-naitala hanggang sa tuluyan nang nakalimutan at nawala.

Sa kasalukuyan, dahilan sa mabilis na pag-unlad ng mga kagamitang elektroniko, ang pamamaraan ng paghahalin ng panitikan sa pamamagitan ng pasalinsulat ay untiunting napapalitan na. Sa gamit ng mga tape recorder, plaka, VHS tapes, at disk sa computer, darating ang araw na ang mga aklat ay halos hindi na mabubuklat. Ang bagong paraan ng paghahalin na ito ay matatawag na pansalintroniko.

Ang panitikan ayon sa anyo

Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.
Ang panitikan ay nasa anyong patula kung ito ay saknungan na ang bawat taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang mga pantig at may magkakasintunog o magkakatugmang pantig sa hulihan. Maaari rin naman itong malaya at wala ang mga katangiang unang nabanggit. Patuluyan naman ang anyo ng panitikan kung tulad lamang sa pang-araw-araw na takbo ng pagsasalita o mga kaisipan ang paglalahad. Sa halip na pasaknong ang mga taludtod, ito ay patalata.

Ang panitikan ay patanghal kung ito’y isinasadula sa entablado, sa bahay, o sa bakuran o kahit na sa daan o saanman. Ito’y maaaring patula o patuluyan, dahil maaaring ang diyalogo nito ay nasusulat sa alinman sa dalawang anyo. Ang panitikan sa pagtanghal na kaanyuan ay hindi nagiging ganap hangga’t hindi ipinapalabas o isinasagawa sa tanghalan o dulaan. Salitaan ang pagkakasatitik nito. Maaaring magkaroon ng tatlo, dalawa o isang yugto na ang bawat yugto ay binubuo ng tagpo. Noong unang panahon, sa moro-moro ang tagpo ay tinatawag na kuwadro.

Ang Anyong Patula

Sa unang aralin, natutuhan mo na isa sa mga anyo ng panitikan ay anyong patula. Sa anyong ito, ang panitikan ay saknungan at ang bawat taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang mga pantig. Ang mga pantig sa hulihan ay maaaring magkasintunog o magkatugma. Maaari rin namang ito ay maging malaya at walang mga katangiang tulad ng unang nabanggit.

Pagkatapos mong basahin ang araling ito, makikilala mo ang iba’t ibang anyo ng anyong patula na nakasulat sa Filipino. Matutukoy mo rin ang anyong patula sa pamamagitan ng pagbabasa nito nang malakas at may damdamin at pakikinig sa tamang pagbigkas nito.

Ang mga anyong patula ay may apat na uri. Ito ay mga sumusunod: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang dula o pantanghalan, at tulang patnigan.

Ang tulang pasalaysay ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahahalaga sa buhay. Ito ay may tatlong uri – ang epiko, awit at kurido, at balad.

Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga nagsulat nito ay naglayong gamitin ito sa ritwal.

Ang Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) ay isang halimbawa ng epiko. Isinulat ito ni Pedro Bukaneg ng taga-Abra. Ito ay kilala bilang pinakamatandang epikong naitala. Nakasulat ito sa salitang Iloko at tungkol sa mga pambihirang pakikipagsapalaran ni Lam-ang, ang pangunahing tauhan ng epiko. Si Lam-ang daw ay binigyan ng di-pangkaraniwang lakas at pananalita nang ipinanganak. Isa pang halimbawa ng epiko ay ang tungkol sa Ifugao na si Hudhud. Ang epikong ito ay kinakanta tuwing may importanteng mga kasayahan, katulad ng anihan at pagtatanim.

Ang mga paksa sa awit at korido ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang sukat ng pantig, habang ang korido naman ay may 10 ang sukat. Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit, at ang mga sumusunod ay  halimbawa ng korido: Ang Ibong Adarna, at Buhay na Pinagdaanan ni Donya Mariang Asawa ng Ahas.

Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon. Mayroon itong anim hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay debateng awit at sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.

Ang tulang paawit o liriko ay mayroon ding iba’t ibang uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Awiting Bayan – ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin natin. Pangunahing halimbawa ng awiting bayan ay ang Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Iba pang halimbawa ay ang Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo at ang Paruparong Bukid.
2. Soneto – ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod. Dito ay may mapupulot na aral ang mambabasa. Ang halimbawa ng soneto ay ang Sonnet on Worker’s Rights ni Amado M. Yuson na isinalin sa
wikang Filipino ni Joey A. Arrogante. Ito ay pinamagatang Soneto sa mga Karapatan ng Mga Manggagawa.
3. Elehiya – ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay na. Isang halimbawa ng elehiya ay ang isinulat ni Bienvenido A. Ramos na may pamagat na Awit sa Isang
Bangkay.
4. Dalit – kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito ay awit ng papuri sa Diyos o kaya ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o sa relihiyon.
5. Pastoral – mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
6. Oda – ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin. Walang tiyak na bilang ang pantig at taludtod.

Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang sumusunod:
1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundosundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood. Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.
2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.
3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.
4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.
5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.

Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Karagatan – ginagamitang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng
singsing ay siya niyang pakakasalan.
2. Duplo – ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa
patay.
3. Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).

Mga Anyong Patuluyan

Sa araling ito, makikilala mo ang iba’t ibang uri ng anyong patuluyan. Ilan sa mga ito ay ang maikling kuwento, at kuwentong bayan na ang mga halimbawa ay alamat, pabula, at iba pa. Kasama rin dito ang sanaysay at nobela. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:
♦ makikilala mo ang iba’t ibang uri ng anyong patuluyang nakasulat sa Filipino; at
♦ matutukoy mo ang mga katangian ng anyong patuluyan at pagkakaiba nito sa anyong patula.

Mga Kuwentong-Bayan

Tayong mga Filipino ay madalas na nagtitipun-tipon at karaniwang nauuwi ito sa biruan, awitan, kuwentuhan at paglalaro. Ang kuwentuhan ang pinakakaraniwang nangyayari. Tungkol ito sa kanilang mga buhay-buhay o sa mga namanang salaysay. Ito ngayon ang tinatawag na kuwentong-bayan.
Ang kuwentong-bayan o folktales sa Ingles ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan. Kinukuwento ito sa pamamagitan ng natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang nangyayari sa pang-araw-araw na pag-uusap.
Naiiba ito sa patula na kung saan ang pagbigkas ay artipisyal dahil ito’y taludturang may sukat at tugma.
Ang salitang bayan sa kuwentong-bayan ay nagsasaad ng hindi alam kung sino ang taong orihinal na naglahad ng kuwento. Ito’y hindi nasusulat o nakasulat sapagkat ito ay nagpasalin-salin lamang sa bibig ng marami. Walang tanging nagmamay-ari nito kundi ang bayan.
Ang mga kuwentong-bayan ay nauuri ayon sa nilalaman at pamamaraan ng pagkakalahad nito. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang uri ng kuwentong-bayan.

Alamat o Mito

Ang alamat ay tumutukoy sa leyenda o legend sa Ingles, na ang ibig sabihin ay isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay tungkol sa pinagsimulan ng mga bagay-bagay. Ito ay mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng simula.

Ito’y karaniwang tungkol sa diyos o diyosa, bathala o mga anito. Kasama na rin dito ang tungkol sa kanilang mga nilalang tulad ng kalikasan, langit, mundo at mga unang tao. Kaugnay na rin dito ang tungkol sa pagsamba ng tao sa maylalang o maykapal (Diyos). May mga pagkakataon ding may mga nilikha na tanging dinadakila o binabayani. Ito’y dahil sa kanilang katapangan, kagitingan o kapangyarihan.
Ilan sa mga mito sa ating bansa ay patungkol sa pagsamba tulad nang ang pagkaroon ng mga Bikolano na tinatawag na Gugurang, ang mga Ilokano naman ay may Kabunian, ang mga Bilaan ay may Adwata, at ang mga Tagalog ay may Bathala.
Kung tungkol naman sa mga bayani, ang mga Bikolano ay may Handing, isang magiting na bayaning pumatay ng higanteng ahas.

Ang pabula
Ang pabula ay unang naging tanyag sa Gresya (Greece) dahil sa mga kuwento ni Aesop na taga-Gresya na tinaguriang Aesop’s Fable.
Ang pabula ay mga kuwentong-bayan na karaniwang isinasalaysay ng mga magulang sa kanilang mga anak upang sila’y aliwin o pangaralan. Dahil mahihilig ang mga bata sa mga hayop, ang mga tauhan sa kuwento ay pawang mga hayop. Ang mga hayop ay ginagamit upang kumatawan sa mga katangian o pag-uugali ng tao.
Halimbawa ang ahas ay inihahalintulad sa isang taong taksil, ang unggoy o matsing sa isang taong tuso, at ang pagong sa taong makupad. Sa mga kalikasan naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae o sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw at kung anu-ano pa.Sa ganitong paglalahad, naiiwasan ang makasakit sa damdamin ng tao, sakali mang may nakikinig na maaaring siya ang tinutukoy ng tema. Sabi nga sa isang salawikain:
“Bato, bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit”. Sa mga panahong supil ang pamamahayag, ang pabula ang mabisang sandata para maipahayag ang katiwalian at mailantad ito sa mga kinauukulan.

Ang Parabola
Ang parabola ay karaniwang hango sa Bibliya o Banal na Kasulatan. Sa mga Kristiyano, ang pabula ay mga pagtuturo at pangangaral ni Hesus noong magsimula Siya sa Kanyang misyon sa daigdig. Isang halimbawa ng pabula sa wika Niya ay: “ang tao ay may mga mata ngunit hindi nakakakita, may mga tenga, subalit hindi nakakarinig.” Sa pamamagitan ng kaisipang ito, mamumuni-muni, mauunawaan at makikilala ng isang tao ang kanyang sarili.
Ang parabola, tulad ng pabula ay masimbolo kaya malalim ang kahulugan nito na dapat pag-isipan. Katulad rin sa alamat at pabula, ang parabola ay may mga taglay na aral na nagsisilbing gabay sa ating buhay. Ang anyo nito ay tila kuwentong pambata sa unang tingin dahil payak ang takbo ng banghay at mga karaniwang tao, hayop o mga bagay lamang ang mga tauhan kaya ito ay kagiliw-giliw. Ito’y nababagay sa mga taong may mga sariling isip nang magpasya gaya ng mga magulang at iba pang mga nakatatanda para lalong lumawak ang kanilang pakikitungo sa kanilang sarili, kapwa, lipunan at sa larangang kanilang kinabibilangan.

——-

Source: http://eskwela-apc-nstp.wikispaces.com/file/view/Panitikang+Pilipino.pdf