Category Archives: Literatura

Panitikan, tula, dula, parabula, alamat, maikling kwento, salaysay, sanaysay, salawikain, sawikain, alamat, bugong…

Sa Aking Mga Kabata / To My Fellow Children

Sa Aking Mga Kabata / To My Fellow Children 
ni Jose P. Rizal

Ito ang kauna-unahang tula na isinulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.Sa edad 8, isinulat  niya ito sa katutubong wika at pinamagatang “SA AKING  MGA KABATA”.

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

(Nagsalin sa Filipino di kilala.)

To My Fellow Children
translated by Fank C. Laubach

Whenever eople of a country truly love
The language which by heav’n they were taught to use
That country also surely liberty pursue
As does the bird which soars to freer space above.

For language is the final judge and referee
Upon the people in the land where it holds sway;
In truth our human race resembles in this way
The other living beings born in liberty.

Whoever knows not how to love his native tongue
Is worse than any best or evil smelling fish.
To make our language richer ought to be our wish
The same as any mother loves to feed her young.

Tagalog and the Latin language are the same
And English and Castilian and the angels’ tongue;
And God, whose watchful care o’er all is flung,
Has given us His blessing in the speech we claim,

Our mother tongue, like all the highest that we know
Had alphabet and letters of its very own;
But these were lost — by furious waves were overthrown
Like bancas in the stormy sea, long years ago.

Interpretation of the poem, “Sa Aking mga Kabata”

The first stanza speaks that Rizal wants us to love our own language and it is a gift from above that was given onto us to be grateful of. It is a blessing that like any other nationalities we were gifted of. We are aware that Rizal was motivated to write this poem during the time of Spanish supremacy because we were under their colony. He addresses us to love our language for it is our step towards liberty. As Rizal correlated it to a bird that can freely fly up in the sky, it has a will to fly wherever it wants to go and whatever it wants to do. But if this bird is in a howl like us, Filipinos, who cannot stand for what we believe is right, we will never experience independence.

The next stanza implies that a nation that loves a God-given language also loves freedom. “For language is the final judge and reference upon the people in the land where it holds and sway.” A Filipino who loves his native tongue will definitely fight for his freedom seemingly like a bird “lumilipad nang pagkataas-taas para sa mas malawak na liliparan”, a person who preserves the marks of its liberty, as man preserve his independence. Language is not merely a communication tool but as an expression of one’s identity, of one’s individual and social consciousness. Without a common identity, there could be no real sense of nationhood. Love and use of one’s native tongues was one of the badges of a true patriot.

In the succeeding stanza, Rizal compared the person who doesn’t love his native tongue from a putrid fish. Just like a fish which originally lives in water, stinks every time it goes out of its place. Like some of the Filipinos that we could observe, we could see that when they have reached a foreign country and adapted the foreign language and culture, they tend to forget their own. And as they have adapted that culture, they will be so haughty   to despise and scorn their own fellowmen. They hide and cover their identity for being a Filipino even though it’s very discernible. They just make themselves look foolish and shameful. And with the last two lines from the third stanza, Rizal addressed to us that our own language must be cherished and should not be forgotten because it’s a very valuable possession of our own country.

Fascination when we discovered that Rizal was just an eight-year-old lad when he wrote this poem. At a very young age and a boy who grew up speaking several languages, it is very inspiring to hear someone say these lyrics with such great nationalism with great love of his own tongue. Reflecting our past, we saw ourselves unconsciously patronizing foreign languages. We wanted to be those whites who have slang tongues. Where have our native tongues has gone? We were gaining colonial mentality without our awareness. The bad news is, we allow it to happen. And what Rizal was trying to resound is that even our very own Filipino is also a language to be respected and valued. It is also a language likewise with the angels and with the others. There should be no hierarchy that the Filipino is the least. For rejecting it is like denying ourselves of who we really are.

Finally, the last stanza implies that we, just like the other nations existing, have its own exceptional characteristics that we can be greatly proud of, those distinct qualities of being a Filipino such that the blood itself that runs through your veins, the culture, and your innate YOU is a certified Filipino that you can never obliterate. Sad to say, the cornerstones established by our forefathers to come up with a better country is now into annihilation…Annihilation caused by the influx of challenges doomed to spoil what we have. 

Sources:
http://www.scribd.com/doc/78511326/Sa-Aking-Mga-Kabata
http://www.scribd.com/doc/52679482/sa-aking-mga-kabata

Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino

Kalikasan ng Leksikal na Korpus ng Filipino
Ang ortograpiya ay ang representasyon ng mga tunog ng isang wika ng nakasulat o nakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto. Bago dumating ang mga Kastila ay may sarili nang alpabeto ang mga lumad sakapuluang ito. Ito ay tinatawag na Alibata o Baybayin na may 14 katinig o konsonant at 3 patinig o vowel. Pinalitan ito ng alpabetong Romano nang dumating ang mga Kastila.
Taong 1940 o tatlong taon matapos buuin ang Wikang Pambansa o Wikang PambansaBatay sa Tagalog ayon na rin sa nasasaad sa 1935 Constitution, isinilang ang kauna-unahang ortograpiya. Binuo ni Lope K. Santos, ang Abakada (15 katinig at 5 panitig) namay 20 letra: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y.
Noong Oktubre 4, 1971 o labindalawang taon matapos palitan ng pangalan Pilipino angWikang Pambansa o Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ipinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay Komisyon sa Wikang Pambansa), angortograpiyang Pilipino na tinaguriang “pinayamang alpabeto” na binubuo ng 31 letra:
a bc ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y z
Idinagdag sa 20 letra ng Abakadaang 11 letra at degrapo mula sa Kastila:
c ch f j ll ñ q rr v x z
Sa 1973 Constitution, nasasaad ang pagdevelop at pagkakaroon ng pambansang wikangtatawaging Filipino. Sa sumunod na taon, tinawag nang Filipino ang wikang pambansa.Taong 1987 ay ipinakilala ang tinaguriang ortograpiyang Filipino na tinaguriang”makabagong alpabeto” na binubuo ng 28 letra:
a b c d e f g h i j k l m n ñ ng o p q r s t uv w x y z
Inalis ang mga degrapong ch ll at rr.
Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Sarebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng mga letrang c f j ñ q v x z.Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nitokasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwangsalita. Oktubre 9, 2006 nang pansamantalang ipinatigil ito at ang ikatlong ortograpiya.
Noong Agosto 2007, inilabas ng KWF ang draft ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sawika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007. Wala pang pinal na bersyon ng patnubay na ipinalalabas ang KWF hanggang ngayon.
_______________

Lexical Nature of the Corpus Filipino

Orthography is the representation of sounds of a language by written or printed symbols such as the alphabet.

Before the Spaniards came alphabet is itself indigenous to the islands. It is called Alibata or Baybayin with 14 consonants and 3 vowel. The Roman alphabet replaced it when the Spaniards came.

Year 1940 or three years after integrating the national language or national language based on Tagalog as well as in terms of the 1935 Constitution, the first born orthography.

Created by Lope K. Santos, the ABC (15 consonants and 5 vowels) with 20 letters: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y.

On October 4, 1971 or twelve years after the name change of the Philippine national language or national language based on Tagalog, adopted by the Council of the Institute of National Language (now National Language Commission), the Philippine orthography called “pina alphabet since ¬ “consisting of 31 letters: a bc ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y z. Added to the 20 letters of the ABC and the 11 letters from Spain degrapo (c ch q Ñ FJ ll rr vxz).

The 1973 Constitution, the terms of developing and gaining national language called Filipino. The following year, called the Filipino the national language. 1987 introduced the variety, Filipino orthography called called “modern alphabet” consisting of 28 letters: N of opqrstuvwxy abcdefghijklmn. Z. Degrapong removed the ch ll and rr.

In 2001, again had to Filipino alphabet revision to address the ongoing development and /or standardization of the writing system of Filipino. In this revision, the letters cfj Ñ qvx Z were used in spelling the borrowed words regardless of its varieties with no formal technical and varieties, or the so-called common words. October 9, 2006 when it was ordered to temporarily hold its revision including the third orthography.

In August 2007, released the draft of KWF Orthography National Language KWF developed through a series of consultations with teachers, language experts, supervisors in Filipino and in this field throughout the country in 2007. Under the final version of the guidelines shown the KWF has not released new guidelines until now.

Mga Halimbawa ng Panitikang Pilipino

 

 

Download:

Mga Aklat:

KALYO (The Philippine Artisan – Manila, 2009 – 2010 Literary Folio)

 

 

Mga may akda:

A Brief Look at Some of the Country¶s Literary Masters

A compilation of the Biography and works of the selected famous Filipino Authors

 

 

 

Mga Halimbawa ng Tulang Dula o Pantanghalan

TRAHEDYA:

Hiblang Abo

Madawag na Lupa

Sigwa

Moses, Moses

http://www.scribd.com/doc/46405677/dulang-trahedya-dadiekier

KOMEDYA:

(1)

PASKO – Dula-dulaan
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales

Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang kampana.) Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.” Anak 1: “Nandiyan na po ako, Nanay.” Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.” Anak 3: “Handa na po ako, Tatay.” Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga anak.” Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang simbahan.) Tilon

Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May tugtuging pamasko.) Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.” Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo, Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng simbahan.) Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?” Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.” Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.” Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?” Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?” Anak 2: “Dalawa po.” Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.” Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!” Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.” Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.) Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” Tilon

Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola) Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin) Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.) Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.” Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.” Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!” Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.” Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa Noche Buena.” Anak 3: “Gutom na nga ako eh.” Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.” (Matapos kumain – Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan) Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.” Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong Taon sa lahat.” Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” Tilon

Mga Tauhan:
Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales
Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero

Panitikan: Anyong Patula

Ang mga anyong patula ay may apat na uri. Ito ay mga sumusunod: tulang
pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang dula o pantanghalan, at tulang
patnigan.

I . Ang tulang pasalaysay ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahahalaga sa buhay. Ito ay may tatlong uri – ang epiko, awit at kurido, at balad.

Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga nagsulat nito ay naglayong gamitin ito sa ritwal. Ang Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) ay isang halimbawa ng epiko. Isinulat ito ni Pedro Bukaneg ng taga-Abra. Ito ay kilala bilang pinakamatandang epikong naitala. Nakasulat ito sa salitang Iloko at tungkol sa mga pambihirang pakikipagsapalaran ni Lam-ang, ang pangunahing tauhan ng epiko. Si Lam-ang daw ay binigyan ng di-pangkaraniwang lakas at pananalita nang ipinanganak. Isa pang halimbawa ng epiko ay ang tungkol sa Ifugao na si Hudhud. Ang epikong ito ay kinakanta tuwing may importanteng mga kasayahan, katulad ng anihan at pagtatanim.

Ang mga paksa sa awit at korido ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang sukat ng pantig, habang ang korido naman ay may 10 ang sukat. Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit, at ang mga sumusunod ay halimbawa ng korido: Ang Ibong Adarna, at Buhay na Pinagdaanan ni Donya Mariang Asawa ng Ahas.

Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon. Mayroon itong anim hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay debateng awit at sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.

II. Ang tulang paawit o liriko ay mayroon ding iba’t ibang uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Awiting Bayan – ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin natin. Pangunahing halimbawa ng awiting bayan ay ang Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Iba pang halimbawa ay ang Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo at ang Paruparong Bukid.
2. Soneto – ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod. Dito ay may mapupulot na aral ang mambabasa. Ang halimbawa ng soneto ay ang Sonnet on Worker’s Rights ni Amado M. Yuson na isinalin sa wikang Filipino ni Joey A. Arrogante. Ito ay pinamagatang Soneto sa mga Karapatan ng Mga Manggagawa.
3. Elehiya – ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay na. Isang halimbawa ng elehiya ay ang isinulat ni Bienvenido A. Ramos na may pamagat na Awit sa Isang Bangkay.
4. Dalit – kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito ay awit ng papuri sa Diyos o kaya ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o sa relihiyon.
5. Pastoral – mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
6. Oda – ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin. Walang tiyak na bilang ang pantig at taludtod.

III. Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang sumusunod:
1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundosundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood. Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.
2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.
3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.
4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.
5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.

IV. Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng singsing ay siya niyang pakakasalan.
2. Duplo – ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.
3. Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).

Mula sa: http://eskwela-apc-nstp.wikispaces.com/file/view/Panitikang+Pilipino.pdf

Mga katulad or karagdagang kaalaman: http://tl.wikipedia.org/wiki/Kategorya:Panulaan