Mga Katutubong Laro ng Lahing Pilipino

MGA HALIMBAWA NG KATUTUBONG LARONG PILIPINO:

1. Luksong Tinik – gamit ang mga paa at kamay ng dalawang manlalaro, pagdudugtung-dugtungin nila ang mga ito na para bang gagawa ng bakod na siya namang lulundagin ng isa pa nilang kalaro. Kailangang hindi sasabit ang kahit anong parte ng katawan ng lulundag dahil kung hindi ay magiging taya siya. Maaari rin namang gumulong siya kapag nagkamali ng lundag. Susubsob ang mukha sa lupa at sisirit ang dugo. Ang saya!

2. Luksong Baka – ang taya ay siyang yuyuko na gagayahin ang itsura ng baka. Lulundagan naman siya ng mga nang-aatsoy sa kanya. Kailangang matibay ang mga buto ng siyang magiging baka dahil iba-iba ang pisikal na anyo ng mga tatalon sa kanya. Suwerte mo kung singbigat lang ng tissue paper ang tatalon sa yo dala na rin ng kakulangan sa nutrisyon pero kung singtaba ni Dabyana ang tatalon sa yo, siguraduhing may nakahandang ambulansya o hindi namay’y albularyo na syang manghihilot sa posibleng maging pilay mo.

3. Langit Lupa – habulang laro na kung saan, para makaligtas ka sa taya na siyang huhuli sa yo, kailangan mong maghanap ng isang mataas na bagay na siyang magsisilbin’g “langit”. Pero di ka pwedeng manatili habang buhay sa “langit” mo dahil kailangan mo ring humanap ng pwesto pagkatapos. At ang taya naman, bawal ang bantay sarado dahil tiyak na kakantahan ka ng “Bantay Suka, Doble Taya!”

4. Tumbang Preso – isang lata ang ipupwesto ng taya na siya nyang babantayan para hindi mapatumba ng mga nagbabalagoong sa kanya. Kapag nakatayo ang lata, maaari syang manaya ng mga manlalarong wala sa base. Pero sa oras na mapatumba ang lata gamit ang mga tsinelas na syang hinahagis ng mga manlalaro, kailangan nya itong itayo bago sya manaya. Iwasan lamang ang lata dahil maari itong tumama sa iyong pagmumukha at pagsimula ng pamamaga.

5. Patintero – tinatawag ding “harang-harang” dahil wala kang ibang gagawin kundi harangin ang mga magnanais makapasok. Maaring laruin ng tatlo hanggang limang manlalaro sa bawat koponan. Kailangan munang gumuhit ng dalawa o apat na parisukat dipende sa dami ng manlalaro sa bawat kuponan bago simulan ang laro. Ang bawat kalahok ng isang kupunan ay tatayo sa likod ng mga linyang ginuhit. Ang taya na nakatayo sa linya sa gitna ay maaring tumawid sa mga iba pang linyang ginuhit kaya’t napapadali ang pagkakataon na mahuhuli ang kalahok ng kabilang grupo. Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan. Ang mga tumatakbo naman ang magiging tayakung sakaling mayroon isa sa kanila ang mahuli ng kabilang kupunan. Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang magwawagi.

Source:

http://emm-otions.blogspot.tw/2009/01/katutubong-laro_01.html

Alam Nyo Ba Na Buhay Na Buhay Ang Mga Larong Pinoy Sa Masa?

Akala ng marami, naglaho na ang mga Larong Pinoy sa panahong ito. Ngunit alam nyo ba na buhay na buhay ang mga Larong Pinoy sa buong Pilipinas? At naglaho lang pala ito sa paningin ng iilan?

Sa tutoo lang, di naman talaga nawala ang mga larong Pinoy, gaya ng madalas na sinasabi ng iba na “Nawala” na raw ang mga laro. Maniwala kayo… Buhay na buhay ang mga laro sa maraming lugar na pinuntahan ng Magna Kultura.

“Namatay” lang naman ito sa iilan — doon sa mga nasa “upper class” na sa ngayon ay puro malls at computer ang libangan. Pero doon sa mga lugar na kung saan ay walang computer ang mga mamamayan — buhay ang mga laro — Larong Kalye ang libangan ng mga bata. Yung mga lugar na pag nagawi ka sa mga kalye nila, ang hirap dumaan dahil parang may “factory ng mga bata doon”. Anong ginagawa ng mga bata? Aba, e di naglalaro sa kalye. Yun bang akala mo ay tila may fiesta —araw araw!

Kaya sa mga nagsasabing napag-iwanan na daw ang larong Pinoy… di totoo yun. Ang totoo ay iniwan na nila ang mga laro dahil sa mga magkabagong laruan nila — gaya ng computer, high tech na laruan, at mga DVD. At di na rin sila lumalabas sa mga bahay nila dahil doon. Bihira na sila nakikipag-laro sa mga bata sa kapit-bahay. Wala na rin silang “kababata” — ang mayroon na lang ay “Friendster” at “Pet Society” — puro virtual.

Ang isang dahilan din kaya medyo nawawala ang mga laro ay dahilang walang mga nagtatatag ng mga palaro sa eskuwela man o sa barangay. Pagkatapos ng sampung taong gulang, ang mga kabataan ay walang choice kungdi sumasali na sa mga liga na ino-organisa sa paaralan at barangay. At kadalasan, ang mga sports na ino-organisa ay basketball o volleyball. Kaya pag lumaki na ang bata, ang larong Pinoy ay napapag-iwanan sa kalye.

Ok lang naman mag-Western sports, gaya ng basketball, volleyball… o kahit na skateboard o touch ball… pero, ituro din natin ang mga laro ng lahi sa bagong kabataan. Pag natutunan nila yan, at minsan nilang laruin — tiyak na habang buhay na nila tataglayin ang alaala nila. At kahit papaano’y masasabi nilang, “nilaro ko rin yan”.

Ituro natin ang mga Larong Pinoy sa bagong kabataan. Maganda itong gamiting paraan upang ipamahagi sa kanilang katauhan kung papaano maging tunay na Pinoy. Maganda rin ito paraan upang magkaroon sila ng “bonding” sa kanilang mga tito at tita, lolo at lola — mapapag-kuwentuhan nila ito. At lalo namang magandang paraan ito para magkaroon sila ng “physical activity” at mga kababata sa kapit-bahay — sisigla na sila, mabubuhay pa ang komunidad sa kasiyahan ng mga naglalarong bata.

Buhayin natin ang mga Larong Pinoy. Ito ay kayamanan ng ating lahi.

________________________________________________________________________________

Ang Magna Kultura ay patuloy na nagtatatag ng mga “sports clinic” ng Larong Pinoy sa mga paaralan at sa mga Barangay.

Para makita ang mga larong Pinoy na nagaganap sa mga barangay, bisitahin ang LARONG PINOY HOMEPAGE @http://palarongpinoy.multiply.com.

“Eskwelaro” kung tawagin ang sports training. Tinuturo ang lahat ng mga laro sa mga bata, mula parintero, tumbang preso, siyato, luksong tnik, piko, sipa, trumpo, holen, saranggola —- at may mahigit apat-na-pung (40) uri ng mga laro. Ang dami! At kasing husay din ng mga pandaigdigang (Olympics) na palaro.

Ang kulang lang naman talaga ay “infrastractura” —- mga tournament, sports clinic, at pati paninda ng laruang Pinoy. Ito ang ino-organisa ng Magna Kultura: mga palaro, Eskwelaro, at pati livelihood upang ibenta ng mga sari-sari store ulit ang mga laruang Pinoy.

Buhay na buhay ang mga Larong Pinoy sa masang Pinoy. Sa mga lugar na walang kompyuter ang kapit-bahayan. Simpleng paraan, na di magastos, nakakapaglaro pa rin silang lahat.

Source:
http://palarongpinoy.multiply.com/links/item/15/Alam-Nyo-Ba-Na-Buhay-Na-Buhay-Ang-Mga-Larong-Pinoy-Sa-Masa

LARO NG LAHI (Filipino Indigenous Games)

The term �Laro ng Lahi� (Filipino Indigenous Games) had been popularized by the Samahang Makasining(Artist Club), Inc. The word “Laro ng Lahi” was conceptualized by the group and it was the first act to preserve the Filipino indigenous games like (syatong, patintero or harangtaga, taguan pong, dama, lusalos, holen butas, tumbang preso and others).

In 2001, the Samahang Makasining(Artist Club), Inc. made a proposal to National Commission for Culture and the Arts (NCCA) entitled �Laro ng Lahi� to support and subsidize the three day- actual playing of selected Filipino games. Actual playing of it, is one of the strategies of SM(AC)I to preserve these indigenous games.

Now, �Laro ng Lahi� is popular with the help of NCCA and being used by the other Philippine Local Government Unit, other organizations and other institution. Imparting of these Filipino games to the youth is one of the main objectives of the organization.

LARO NG LAHI

LISTAHAN NG MGA LARO
Play Now online
SULYAP SA SINING 2003
Funded by National Commission for Culture and the Arts (NCCA)





Ang sagot sa ilang problemang paglalaho ng kulturang Pilipino ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng isang lahi, kung kaya�t dapat na balikan, pangalagaan sa pamamagitan ng aktong paglalaro, pagpipinta at pagsusulat.

Ang ilang katutubong laro ay halos hindi na alam sa kasalukuyang panahon. Ilan dito ay ang Piko, Tansing, Putupong, Sundutan sa puno, Siring bulding, Lupa�t langit, Tumbang preso, Harantagang bilog, Siyatong, Holen Butas at Lusalos. Isinama rin ang ilang kilalang mga laro tulad ng Patintero at Dama upang mas maging masaya at makayang laruin ng ilan na hindi alam ang mga lumang laro.

Ang laro ng bawat lipi ay pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Humuhubog rin ito ng isang masining na kaisipan at masining na damdamin. Paghubog sa pag-uugali at paghahanda sa mga susunod pang mga karanasan ng pagiging propesyonal ay dulot rin ng kabataang paglalaro.

Ang proyekto ay pinamahalaan ng mga masisipag na pamunuan at miyembro ng Samahang Makasining (Artist Club) Inc., sa tulong na rin ng iba�t ibang sangay ng samahan. Ang mga namahala sa gayong gawain ay may sapat na kakayahan at kasanayan upang mapagtagumpayan ang layunin ng proyekto at ng samahan base na rin sa tagal na nila itong ginagawa na walang suporta sa ano mang ahensiya ng gobyerno o pribadong grupo.

Mas naging tagumpay pa itong nakaraang proyekto at nabigyang pansin pa ang ilang aspetong gawain sa sining sa dahilang ang gobyerno sa pamamagitan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ay naggawad ng pinansyal na suporta upang gamitin sa ilang pangangailangan ng samahan.

Source:
http://www.acpfi.org/?page=laro

Related links:

http://asiancenter.multiply.com/journal/item/11?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

http://busyok.com/press-release

http://www.tumblr.com/tagged/larong-pinoy?before=1316669326

http://kidsahoy.multiply.com/journal/item/108/?&item_id=108&view:replies=threaded

http://definitelyfilipino.com/blog/2011/10/22/about-magna-kulturas-larong-pinoy-advocacy-in-the-philippines/

7 responses to “Mga Katutubong Laro ng Lahing Pilipino

  1. buhayin at ipagmalaki ang sariling atin :-)

  2. Bernard V. Manangat

    Sa katunayan sa paaralan namin, magkakaroon kami ng Palarong Pinoy at pangatlong taon na namin ‘to. Nakatutuwang isipin dahil kapag naglalaro ang mga estudyante namin ng mga larong Pinoy, sila ay tuwang-tuwa para bang ngayon silang nakalabas ng bahay. Salamat din sa aming punungguro na talaga naman todo ang suporta sa aming programa tulad nito. Sana patuloy pa rin laruin ng mga bata ang ganitong mga laro upang marami pa ring mga Pilipino ang malusog ang pangangatawan katulad sa Elyseum Christian School, ang aming paaralan… Salamat at Pagpalain kayo ng Poong Maykapal…

  3. The first basic treatment is to apply ice to the painful area of the back.
    Back pain is more common of a problem than you may know.
    Chronic back pain is actually a type of pain which continues more
    than twelve weeks and is generally connected with degenerative forms of the
    spine.

  4. ruby rosalejos amajo

    ano po ba ang larong siete siete at manilla

  5. gusto ko lang po malaman kung ano ang ibig sabihin sa inyo ng philippine games?bilang isang tao na nag-aaral ng indigenous games, all the texts that ive encountered are games that played in the urban setting…how will you know that the list you’ve provided here are philippine games?or just adopted and invented games, played during childhood, and remembered nostalgically?

  6. erika rhay m. lucero

    gusto kong malamsn kong saan nabibilang ang pityaw,sa katutubong laro ba o sa foreign games.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s