Mga Tula ni Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,Kaya ang marapat pagyamaning kusaNa tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati’y huwad din sa ibaNa may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Taong 1869– Rizal
________________
Mga halimbawa ng tula ni Rizal:
About these ads

3 responses to “Mga Tula ni Rizal

  1. ang lupit talaga ni jose rizal

  2. Vera, Regie P

    Isa sa mga sikat na tulang isinulat ni Gat Jose Rizal ang “Sa Aking Mga Ka bata” , nais nitong ipabatid na dapat ay mas piliin natin ang sariling wika kaysa sa mga wikang banyaga. Ipinapakita rin sa tula kung gaano kamahal ni Gat Jose Rizal ang ating bayan sa papamgitan ng simpleng pagmamahal sa sariling wika.

    VERA,REGIE P.
    Contributor, http://www.Ourhappyschool.com

  3. rizal tunay kang dakila,kaya dapat na tularan at sambahin……..iglesia sagrada ng lahi

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s