Salawikain (Filipino Proverbs)

Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Sa Pilipinas

Sa Pilipinas, ang mga salawikaing Pilipino  ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas. Katumbas din ng salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring tumukoy ang sawikain sa mga moto o idyoma), at ng Ilokanong sarsarita. Nilalarawan ang salawikain nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino. Isang tanyag na katutubong salawikaing Pilipino ang mga katagang: Ang taong hindi marunong umalala o lumingon sa kaniyang pinanggalingan ay hindi makakarating sa kaniyang paroroonan. Isa itong salawikaing Tagalog na naglalahad at humihikayat sa isang tao upang bigyan ng pagpapahalaga ang muling pagtanaw sa kaniyang pinagmulan at pinag-ugatan. Ipinababatid din ng kasabihang ito ang isang pagpapahalagang Pilipinong tinatawag na utang na loob, ang pagbibigay ng angkop na pahalaga at pagtingin sa mga taong nakatulong sa isang tao para magtagumpay sa buhay o adhikain. Pinagpangkat-pangkat ni Damiana L. Eugenio, isang propersor mula sa Unibersidad ng Pilipinas, may-akda ng Philippine Proverb Lore (1975), at tinagurian ding “Ina ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas” ang mga salawikaing Pilipino sa anim na mga kaurian o kategorya ayon sa mga paksa: ang mga salawikaing etikal (yung mga nagsasaad ng isang pangkalahatang gawi hinggil sa buhay at sa mga batas na nangangasiwa sa mismong pamumuhay), ang mga salawikaing nagmumungkahi ng mga pagpapahalaga at nagtatakwil sa mga bisyo, ang mga salawikaing nagpapadama ng isang sistema ng mga pagpapahalaga, ang mga salawikaing naglalahad ng mga pangkalahatang katotohanan at mga pagmamasid tungkol sa buhay at kalikasan ng tao, ang mga salawikaing nakakatawa, at ang iba pang mga salawikain. Adamson University Journal.

Paggamit

Nilalarawan din ang mga salawikain bilang mga palamuti sa wika, mga pananalita ng mga ninunong naisalin ng isang salinlahi sa pangkasulukuyang mamamayan, at bilang karunungang natutunan mula sa karanasan, na nakapagsasaad ng damdamin, paglalahad, o opinyon. Bukod pa rito, nagagamit din ang mga salawikain para hindi masaktan ang damdamin ng ibang mga tao. Isang halimbawa nito ang katagang: “Bato-bato sa langit, pag tinamaan huwag magagalit.” Sa pamamagitan ng pagsipi ng tama at napapanahong salawikain, maaaring ilahad ng isang tao ang awa, paglalagay niya ng sarili sa katauhan ng ibang tauj

Piling mga halimbawa

Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga salawikain mula sa Pilipinas:

  • Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan.

  • Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.

Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera.

  • Salawikain: Pag maliit ang kumot, magtiis kang mamaluktot.

Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay.

  • Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo.

  • Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

  • Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas.

Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

  • Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa iyong biyenan.

Kahulugan: Kadalasang ipinapayo ito sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao.

  • Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga.

Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

  • Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.

Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.

http://tl.wikipedia.org/wiki/Salawikain

 

Filipino proverbsor Philippine proverbs are traditional sayings or maxims used by Filipinos based on local culture, wisdom, and philosophies from Filipino life. The word proverb corresponds to the Tagalog words salawikain, kasabihan (saying) and sawikain (although the latter may also refer to mottos or idioms), and to the Ilocano word sarsarita. Proverbs originating from the Philippines are described as forceful and poetic expressions and basic forms of euphemisms. If used in everyday conversations, proverbs are utilized to emphasize a point or a thought of reasoning: the Filipino philosophy. One notable and locally popular example of a Filipino proverb is this: A person who does not remember where he (she) came from will never reach his (her) destination. Of Tagalog origin, it conveys and urges one person to give “importance in looking back at one’s roots and origins.” The maxim also exemplifies a Filipino value known as the “utang na loob“, one’s “debt of gratitude” to the persons who have contributed to an individual’s success. Damiana L. Eugenio, a professor from the University of the Philippines, author of Philippine Proverb Lore (1975), and who is also referred to as the “Mother of Philippine Folklore” grouped Filipino proverbs into six categories based on the topic expressed, namely: ethical proverbs (those that express a general attitude towards life and the laws that govern life itself), proverbs that recommend virtues and condemn vices, proverbs that express a system of values, proverbs that express general truths and observations about life and human nature, humorous proverbs, and miscellaneous proverbs.

Usage

Philippine proverbs are further illustrated to be ornaments to language, words of ancestors handed down from one generation to another, and as wisdom gained from experience, which can be quoted to express a sentiment, a statement, or an opinion. Apart from this, Filipino proverbs are also used to prevent offending other individuals. This is one example of such a proverb: Bato-bato sa langit, ‘pag tinamaan huwag magagalit, meaning “a stone thrown heavenward, if you get hit on its way down, don’t get mad.” Equipped with the appropriate and timely proverb, a Filipino can communicate empathy, and might be able to convince another person leading to the closure of an argument. Some Filipino proverbs are also intended to provide a warning, a lecture, an advice, and as a supporting statement for a particular viewpoint or issue.

http://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_proverbs

Proverbs are called salawikain or sawikain in Tagalog or sarsarita in Ilocano. Like most proverbs the world over, Philippine proverbs contain sayings which prescribes norms, imparts a lesson or simply reflects standard norms, traditions and beliefs in the community. Professor Damiana Eugenio classifies Philippine proverbs into six groups according to subject matter. These are:

(1) proverbs expressing a general attitude towards life and the laws that govern life;

(2) ethical proverbs recommending certain virtues and condemning certain vices;

(3) proverbs expressing a system of values;

(4) proverbs expressing general truths and observations about life and human nature;

(5) humorous proverbs and

(6) miscellaneous proverbs.

Mga Halimbawa:

A person who does not remember where he/she came from will never reach his/her destination

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo. (What good is the grass if the horse is already dead.)

Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka ng maluto’y iba ang kumain. (I did the threshing, I did the cooking, but once served, someone else eats it.)

Ako ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing, saka nang maluto’y iba ang kumain.

Anak na di paluhain magulang ang paiiyakin

And di-marunong mag-ipon walang hinayang magtapon
Ang kawayan kung tumubo langit na matayog ang itinuturo; Ngunit kung masunod na ang anyo, Sa lupa rin ang yuko

Ang anumang kasulatan dapat ay lalagdaan.

Ang araw bago sumikat nakikita muna’y banaag. (Early dawn precedes sunrise.)

Ang bayaning nasugatan, nag-iibayo ang tapang.

Ang bayaning nasusugatan, nagiibayo ang tapang. (A patriot who is wounded becomes more courageous.)

Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. (Life is like a wheel; sometimes you are on top, sometimes you are in the bottom.)

Ang bungang hinog sa sanga matamis ang lasa. Ang bungang hinog sa pilit kung kainin ay mapait.

Ang butong tinangay na aso, walang salang nalawayan ito.

Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda. (What one learns in childhood he carries into adulthood.)

Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang sa pagkamatanda.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paruruonan.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malangsang isda. (He who does not love the national language is worse than a smelly fish.)

Ang hiram na damit, kundi maluwag ay masikip. (A borrowed dress never fits. It’s either too loose or too tight.)

Ang iyong hiniram, isauli o palitan. Upang sa susunod, hindi ka makadalaan.

Ang iyong kakainin, sa iyong pawis manggagaling.

Ang kagandahang asal ay kaban ng yaman

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan. (True well-being is found in happiness, not in prosperity.)

Ang langaw na dumapo sa kalabaw, mataas pa sa kalabaw ang pakiramdam.

Ang lihim ay hindi na lihim kapag may dalawa o higit nakakaalam

Ang lumalakad nang mabagal, kung matinik ay mababaw. Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay malalim.

Ang lumalakad ng matulin kung matinik ay malalim

Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulung-tulungan.

Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan. (A heavy burden is lightened if everyone participates in carrying it.)

Ang mabuting gawa kinalulugdan ng madla.

Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila. Meaning: One good deed is better than a great intention.

Ang magalang na sagot, nakakapawi ng pagod. (A respectful retort wipes away weariness.)

Ang malinis and kalooban ay walang kinatatakutan. Meaning: Somebody who has a pure heart doesn’t have anything to fear.

Ang maniwala sa sabi sabi, walang bait sa sarili. Paliwanag: Ang taong may sariling disposisyon at respeto sa sarili ay hindi agad bumabaling sa mga idelohiya at paniniwala ng iba lalu’t ito ay may potensiyal na makasama sa iyo at sa iyong kapwa. Sa panahon na napakadaling makarating ng mga impormasyon, ang iba dito ay hindi katotohanan at marapat muna na siyasatin upang hindi malinlang ng mga taong may intensiyong hindi mabuti sa kapwa.

Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili. (One who believes in gossip has no self-discipline.)

Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.

Ang naglalakad ng marahan, matinik man ay mababaw. Ang naglalakad ng matulin, kung matinik malalim. (The one who walks slow, gets a shallow prick. The one who walks fast, gets a deep cut/prick.)

Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.

Ang pag-aasawa ay hindi biro, ‘di tulad ng kanin iluluwa kung mapaso.

Ang pag-ilag sa kaaway ang tunay na katapangan.

Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama nang maluwag
Ang bayaning nasusugatan nag-iibayo ang tapang

Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluat. (Forthrightness ensures lasting relationship.)

Ang pili ng pili, natatapat sa bungi. (One who is choosy ends up with the least attractive choice.)

Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan
Ang batang magalang ay dangal ng magulang

Ang sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.

Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.

Ang taong di nasisiyahan mailap ang kaligayahan

Ang taong mainggitin, lumigaya man ay sawi rin.

Ang taong nagigipit, kahit sa patalim ay kumakapit.

Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit. (A desperate person will grab at a knife.)

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. – Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit.

Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo

Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo. (A person who is outwardly calm has anger raging inside.)

Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak. (A person who has no money is like a bird without wings.)

Ang totoong paanyaya may kasamang hila

Ang tunay mong pagkatao, nakikilala sa gawa mo.

Ang tunay na anyaya, may kasamang hila.

Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila. (A sincere invitation is accompanied by a pull [of the hand].)

Ang tunay na kaibigan karamay kailan man.

Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.

Ang tunay na pag-anyaya, dinadamayan ng hila.

Ang ulang tikatik, siyang malakas, magpaputik. (Literal translation: Light rainfall or continuous showers oftentimes make the ground slippery due to mud they bring. Meaning: People should not ignore trivial matters. They can be a cause of a much bigger problem.)

Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.  (A quitter never wins, a winner never quits.)

Ang utang ay utang, hindi dapat kalimutan.

Ang walang pagod magtipon walang hinayang magtapon

Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari. (Hasty work results in faulty work.)

Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring silbi kapag nag-iisa.

Anuman ang gagawin, pitong beses isipin. / Bago muna gawin, makapitong isipin.

Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin. (Before you point out others people’s shortcomings, correct your own first.)

Bago mo batiin ang dungis ng ibang tao, ang dungis mo muna ang tingnan mo.

Batang puso madaling marahuyo.

Bawa’t palayok ay may kasukat na suklob.

Buhay alamang, paglukso ay patay.

Buntot mo, hila mo.

Daig ng maagap ang taong masipag. (The early bird beats the industrious person.)

Daig ng taong maagap ang taong masipag

Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.  (Not all goodness brings sweetness.)

Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan. (Not all badness are a sign of evil.)

Don’t empty the water jar until the rain falls.

Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.

Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot. (When the sheets are short, one needs to make do.)

Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan upang siya ay mabaon sa utang at lalu pang maghirap.

Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.

Hangga’t makitid ang kumot, magtiis mamaluktot.

He who boasts of his accomplishments will heap ridicule on himself.

He who gives alms to the poor faces heaven.

Hindi man magmana ng salapi magmana man lang ng mabuting ugali

Huli man daw at magaling, naihahabol din.

Huli man daw at magaling, naihahabol din. (It is never too late to offer anything that is good.)

Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala. (Never trust a stranger.)

Huwag magbilang ng manok hangga’t hindi napipisa ang itlog.

Ibong sa awla’y ikinulong nang mahigpit, kapag nakawala’y hindi na babalik.

It is advantageous to follow advice, for you will succeed in life.

Kahit paliguan man ng pabango ang aso, lalabas at lalabas pa rin ang mabahong amoy nito. (Even perfume can not mask the bad odor. No amount of cover-up using money and power can obscure the real character of a person.)

Kahit saang gubat, ay mayruong ahas. – Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kahoy mang babad sa tubig sa apoy huwag ilapit ‘pag ito’y nadarang sa init, sapilitang magdirikit.

Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mo at malalim. Kapag ang ilog ay maingay, asahan mo at mababaw.

Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan. (When the pot runs over, you need to spill some.)

Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman.

Kapag iniamba, kailangang itaga kapag itinutok, kailangang iputok

Kapag may isinuksok, may madudukot.

Kapag may sinimpan ay may aasahan. (If you have saved for the future, you can encash that anytime. This salawikain encourages to save for the future. sinimpan: means to have put away something as savings for future use.)

Kaya nga ang sugat, mababaw man ay may pilat. (A wound, however shallow, leaves a scar.)

Kung ano ang itinanim,  siya rin ang aanihin. – Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. – Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.
Kung hindi ukol, hindi bubukol. – Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin. – Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.

Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak. – Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may  sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan. – Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita. – Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marining iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.

Nasa tao ang gawa,  nasa Diyos ang awa. – Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya.

Nagpapakain ma’t masama sa loob, ang pinakakain hindi nabubusog.

Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. – Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong  din sa kasalan ang kanilang samahan kung sila ay talagang nakalaan para sa isa’t-isa.

Pagmakitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot. – Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Kung ano ang itinanim, iyon din ang aanihin.

Kung ano ang puno, siya ang bunga. (Whatever the tree, so is the fruit.)

Kung ano ang taas ng pagkadakila siya ring lagapak kapag nadapa.

Kung binigyan ng buhay, bibigyan din ng ikabubuhay.

Kung di ukol, di bubukol. (If it is not relevant, it makes no difference.)

Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bagsak.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.

Kung may hirap ay may ginhawa.

Kung may isinuksok, may madudukot. (If you stash, you have something to withdraw.)

Kung may tinanim, may aanihin. (If you plant, you harvest.)

Kung nasaan ang asukal, naruon ang langgam.

Kung saan ang hilig duon mabubuwal. (To wherever one leans is where he ends up.)

Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa. (Whoever talks much never does much.)

Kung sino ang nangangako ay siyang napapako

Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak. (He who cackled is the guilty party.)

Kung sino ang unang pumutak, siya ang nanganak.

Kung takot sa ahas, iwasan mo ang gubat.

Kung walang tiyaga, walang nilaga. (If you don’t persevere, you can expect no reward.)

Kunwaring matapang, bagkus duwag naman. (Acts tough but really a wimp.)

Lahat ng gubat ay may ahas.

Lahat ng iyong kakainin sa sariling pawis mo manggagaling

Mabuti pa ang maliit na dampa, kaysa sa palasyong nakasangla. (It is better to have a small house you can call your own than a palatial home which is still mortgaged and is still payable.)

Madali ang maging tao, mahirap magpakatao. (It is one thing to be a person, to have a personality is another.)

Madaling pumitas ng bunga, kung dadaan ka sa sanga.

Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising

Magkulang ka na sa magulang huwag lamang sa biyenan.

Magkupkop ka ng kaawa-awa, langit ang iyong gantimpala.

Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. (United we are strong, divided we fall.)

Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.

Mahirap gisingin ang nagtutulog-tulugan. Meaning: It’s difficult to wake someone who’s pretending to be asleep. It’s dificult to put some sense into someone who’s in denial.

Maikakaila ang kayamanan, ngunit hindi ang kahirapan. (One can deny wealth, but never poverty).

Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad. (Better to have a tiny bird in the hand than a soaring eagle.)

Malakas ang bulong kaysa sigaw. (Whispering a gossip is louder than shouting it.)

Malaking puno, ngunit walang lilim. (A heavy tree trunk but it has no shade.)

Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang. (Plenty are they who act brave because they are many, but they lack resolve.)

Matalino man ang matsing, napaglalalangan din.

Matibay ang walis, palibhasa’y magkabigkis. (A broom is sturdy because its strands are tightly bound.)

Matutuyo na ang sapa nguni’t hindi ang balita.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.

Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol. (He sees a minor fault but misses the larger achievement.)

Nakikita ang butas ng karayon, hindi makita ang butas ng palakol.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. (Mercy resides in God; deeds are in men.)

Nasa taong matapat ang huling halakhak.

Nawawala ang ari, nguni’t ang uri ay hindi.

Pag hindi ka nagpautang, kakainin ka ng langgam. (If you don’t lend to someone, you’ll get eaten by ants.)

Pag may hirap, may ginhawa. Similar to: No guts, no glory.

Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. (No matter how long the procession, it still ends up in church.)

Paliwanag:Ipinahihiwatig ng kasabihang ito na kung may desisyon na gagawin, higit sa lahat ay iyong mga mahahalagang bagay sa buhay, dapat ay masusing pag-aralan o siyasatin upang sa bandang huli ay maging tama kung ano man ang ating piliin at pagdesisyunan.
Ang labis na pagmamadali, nagbubunga ng pagkakamali. Paliwanag: Huwag maging mapusok o padalus-dalos sa ating gagawin sapagkat ang mga bagay na hindi pinag-isipan ay karaniwang sa bandang huli ay pinagsisihan.

Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. (Emulate what is good, ignore what is bad.)

Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.

Sa mahal magbenta, nababarat ang paninda. (Businessmen who overprice their products will always have customers haggling for a lower price.)

Sa may tunay na hiya ang salita ay panunumpa
Madali ang maging tao ang mahirap ay ang magpakatao
Maaring pigilin ang baha ngunit hindi ang dila
Kapag may isinuksok may madudukot

Sa taong walang takot, walang mataas na bakod. (To a fearless person, no fence is high enough.)

Sinimulang gawain ay tapusin mo bago gumawa ng panibago

Sisiw nang umalis, nang bumalik ay inahin. (A tiny chick when one left home, a chicken when one returned).

The pain of the little finger is felt by the whole body.

Tikatik man kung panay ang ulan, malalim mang ilog ay mapapaapaw.

Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.

Ubos-ubos biyaya bukas ay nakatunganga. / Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. / Ubus-ubos biyaya, maya-maya ay nakatunganga. (Spend lavishly and you end up with nothing.)

Walang humawak ng lutuan na hindi naulingan.

Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha. (There is no earthly bliss not watered by tears.)

Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. (Nobody who spits upward does not spit on his face.)

Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga. (No undertaking is difficult if pursued with perseverance.)

Walang mapait na tutong sa taong nagugutom.

Walang masamang pluma sa taong mabuting lumetra

Walang matiyagang lalake sa pihikang babae.

Walang naninira sa bakal kundi sariling kalawang.  (Nothing destroys iron but its own corrosion.)

Walang pagod magtipon, walang hinayang magtapon.

Walang palayok na walang kasukat na tungtong. (Every pot has a matching lid.)

Walang sumisira sa bakal kundi ang sariling kalawang

Yaong mapag-alinlangan, madalas mapagiwanan. (A quarterback who hesitates usually misses a completion.)

  1. Puri sa harap, sa likod paglibak
  2. Kaibigan kung meron, Kung wala’y sitsaron
  3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan
  4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya
  5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila
  6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan
  7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare
  8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo
  9. Ang taong tamad, kadalasa’y salat
  10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot
  11. May pakpak ang balita, may tainga ang lupa
  12. Sagana sa puri, dukha sa sarili

Mga Salawikain patungkol sa kabutihan, kabaitan, kagandahang asal, pagpapakumbaba at pag-ingat.

  1. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
  2. Ang magandang asal ay kaban ng yaman
  3. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat
  4. Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan
  5. Ang mabuting halimbawa, ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila
  6. Ang katotohana’y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon
  7. Ang ibinabait ng bata, sa matanda nagmula
  8. Magbiro ka sa lasing, huwag sa bagong gising
  9. Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang igayak ang sarili
  10. Ang lumalakad ng marahan, matinin man ay mababaw. Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim

Mga salawikain patungkol sa mga pangako at ka kawalan ng kaya.

  1. Buhay-alamang, paglukso ay patay
  2. Kasama sa gayak, di kasama sa lakad
  3. Ang tao na walang pilak, parang ibong walang pakpak
  4. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili
  5. Gaano man ang iyon lakas, daig ka ng munting lagnat
  6. Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili

Mga salawikain patungkol sa pagkakaisa at pagtutulungan.

  1. Anuman ang tibay ng piling abaka, ay wala ring lakas kapag nag-iisa
  2. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nabibigkis
  3. Ang mabigat gumagaan pag napagtutuwangan
  4. Ang lakas ay daig ng paraan
  5. Minsan man at kong golpe, daig ang pitong biyahe
  6. Ako, ikaw o kahit sinumang nilalang, tayong lahat ay arkitekto ng sariling kapalaran

Mga salawikain patungkol sa kagitingan at katapangan.

  1. Ang lihim na katapangan ay siyang pakikinabangan
  2. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang tapang
  3. Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buong-loob ay iilan
  4. Ang bayaning masugatan, nag-iibayo ang tapang
  5. Nawala ang ari, ngunit hindi ang lahi
  6. Ang lalaking tunay na matapang, hindi natatakot sa pana-panaan
  7. Kapag pinangatawanan, sapilitang makakamtan

Mga salawikain patungkol sa pagtitiis.

  1. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot
  2. Pag may hirap, may ginhawa
  3. Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha
  4. Pag may kalungkutan, may kasiyahan
  5. Kung aakyat ka nga’t mahuhulog naman, mabuting sa lupa’y mamulot na lamang
  6. Pagkapawi ng ulap, lumilitaw ang liwanag

Iba pang salawikain…

  1. Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
  2. Kapag ang tao’y matipid,maraming maililigpit.
  3. Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
  4. Ang hindi napagod magtipon, walang hinayang magtapon.
  5. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao.
  6. Ang tunay na anyaya, sinasamahan ng hila.
  7. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot.
  8. Ang gawa sa pagkabata,dala hanggang pagtanda.
  9. Pag di ukol, ay di bubukol.
  10. Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
  11. Daig ng maagap ang taong masipag.
  12. Ako ang nagbayo ako ang nagsaing saka ng maluto’y iba ang kumain.
  13. Ubus-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.

Nakalap mula sa:

http://www.squidoo.com/salawikain

http://www.philippinesalawikain.com/

http://www.katig.com/panitikan_03.html

http://salawikain-at-sawikain.blogspot.com/

http://blog.cathcath.com/mga-salawikain-1694.html

http://www.angelfire.com/hero/iskulbukul/mgasalawikain.html

http://www.angelfire.com/on4/zambalesforum/filipino_proverbs.htm

http://emanila.com/philippines/2008/04/18/salawikain-tagalog-proverbs/

http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Literature/tagalog_proverbs_are_called_sala.htm

http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Proverbs/salawikain-tagalog-proverbs.html

30 responses to “Salawikain (Filipino Proverbs)

  1. ayt55333333333333gyttttttttttttttsx; ;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;; ;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;; ;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;; ;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;; ;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;; ;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;;

  2. What does “magpakain ma’t masama ang loob. Ang pinakakain ay di nabubusog” mean?

  3. Literal translation: If you feed someone against your will, he/she will never be satisfied.

    I think this proverb means that if you’re not willing to give, share or help, your receiver or beneficiary will not appreciate it. It is useless to do good deeds if you’re not happy about it.

    Comments, anyone? LOL I am poor at explaining ideas.

  4. Janna Angela B. nilo

    hahahahaha

  5. please explain “sakit ng kalingkingan dama ng buong katawan”

  6. ano ibigsabihin nang “ang hiram na damit kung hindi masikip ay maluwag”

  7. @anonymous – it means, one lose from the family or from a group,the whole member will suffer.

  8. tnx so much 4 dis proverbs

  9. hah

  10. hehehe you

  11. sno po yung author ?

  12. like….w/ definition pa :))))

  13. nkakatulong talaga toh……:))))))

  14. wala dito ang hinahanap ko

  15. CNU POWH UNG AUTHOR???????

  16. dapat po yung mga ito ay merong paliwanag para maintindihan namin kasi walang paliwanag salawikain lang.

  17. dapat lahat ay may kahulugan
    di ko nagets ang iba

  18. ka sipag

  19. Hello there! Can somebody please explain the “Walang masamang pluma sa taong mabuting lumetra” as soon as possible? I really need the explanation of it for our project. Please reply.

    Thanks,
    Anne Nonimous~

  20. Dear Anne Nonimous,

    Ano kaya kung subukan mo munang gawin bago ka humingi ng tulong?

    Una, hindi ko alam kung kailangan mo ng sagot sa wikang Ingles o Filipino, kaya sana’y liwanagin mo ang iyong hiling. Kung hindi pa huli ang lahat, alamin mo ang ibig sabihin ng mga salita sa linyang ‘yan at pagkatapos intindihin mong mabuti para maipaliwanag mo. Maaari ring magbigay ng (mga) halimbawa sa tunay na buhay. Sa tingin ko, ito ay isang salawikain kaya hindi dapat tutkan ang bawat salita dito.

    Sa aking pagkakaintindi, ang ibig sabihin nito ay…

    Kung minsan may mga taong hindi pinagpala ng kagalingan sa pagsusulat o pagpapahiwatig ng kanilang saloobin ngunit hindi ito dahilan para husgahan ang nilalaman ng kanilang mensahe. Lahat ng tayo ay may karapatang magbigay ng mensahe o opinyon sa publiko lalo na kung ito ay makakabuti para sa ibang tao o karamihan. Saan, kailan o paano man ito inilathala o ibinahagi, hindi masama kung ating bibigyang pansin ang mga bagay-bagay na may mabuting layunin. Sana ay matuto tayong pumili ng babasahin na sadyang mahalaga at sana, lahat nang isinusulat ay makakabuti at hindi nakakasira ng moralidad at pag-iisip ng lipunan upang ang buong bansa ay umusad nang mapayapa at masagana.

  21. Maraming salamat mmeowf sa iyong paliwanag. 😊

  22. awan

  23. ambt dani

  24. may mga kankanaey ba kayong salawikain

  25. Pwede niyo po ba ipahayag ang “Bago mo sikaping gumawa ng mabuti, kailangan mo munang kayatin o igayak ang sarili.” I need your reply, Asap. Thanks :)

  26. Can you explain “Taong nanunuyo, dala-dala’y bukayo.”? What does that mean?

  27. Basically, for me Filipino proverbs were considered to be a guide for us since we Filipino’s were conservative, religious and nationalistic. We just take notes of these proverbs as a point of view every time we encountered to settle decisions or choices. For me, there’s nothing wrong of following these proverbs as long that there’s always limitation and these proverbs will help us to decide morally.

    Mary Joy Gorospe, A.B. Political Science Student
    Contributor, http://www.OurHappySchool.com

  28. Lordilyn C. Valera

    Thank you for having this kind of article. You do explain well the Proverbs and it good. Hope to see much more of this.

    Cotributor, OurHappySchool.com

  29. nice:>

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s