Mga Talinghaga (figures of speech, idioms, metaphors)

[tayutay (figure of speech), bulaklak ng dila o sawikain (idyoma), at talinghaga (metapora)]

Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino (2002) ni Melba Padilla Maggay.

Ano ang Talinghaga?

- Lipon ng mga salitang may ibang kahulugan.

Ang mga sumusunod na halimbawa ay karaniwang makikita sa mga tula, sanaysay at iba pang mga uri ng Panitikang Pilipino:

agaw-buhay – naghihingalo, between life and death
alilang-kanin – utusang walang sweldo, pagkain lang, house-help with no income, provided with food and shelter
anak sa una – old-fashioned, conservative, baduy
anak-dalita – mahirap, poor
anak-pawis – magsasaka; manggagawa farmer; laborer; blue-collar worker. Literal translation of anak: son; pawis: sweat. Meaning: “blue-collar worker” to signify sweat and hard work are exerted
asong-pungge – susunod-sunod sa dalaga
balat sibuyas – meaning sensitive
balat-kalabaw – makapal, di agad tinatablan ng hiya one who is insensitive; with dense-face (literal=buffalo-skinned)
balat-kalabaw – matibay ang hiya; walanghiya
balat-sibuyas – manipis, maramdamin a sensitive person (literal=onion-skinned)
balat-sibuyas – maramdamin; madaling umiyak
balik-harap – mabuti sa harapan, taksil sa likuran double-faced person, one who betrays trust
balitang kutsero – hindi totoong balita, rumor, gossip, false story
bantay-salakay – taong nagbabait-baitan a person who pretends to be good, opportunist
basag ang pula – may sira sa utak
basag-ulo – gulo, away chaos, quarrel, fight (literal=break head)
basang-sisiw – api-apihan; kalagayang sahol sa hirap
binyag sa latok – pag nagkakasakit madalas ang baby, binibigyan ng ibang pangalan.
buhay-alamang – laging nasusuong sa panganib; hikahos
buhay-pusa – mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib
bukal sa loob – taos-puso, tapat a sincere person, or one who gives with a pure heart (literal=pure-hearted)
bukás ang palad – magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot
bulaklak ng dila – pagpapalabis sa katotohanan exaggeration (literal=flower of the tongue)
bulang-gugo – bukás ang palad sa paggasta
bungang-araw – sakit sa balat prickly heat (literal=fruit of the sun)
butas ang bulsa – walang pera poor (literal=with a hole in the pocket)
buto’t balat – payat na payat malnourished (literal=skin-and-bone)
buwayang-lubog – taksil sa kapuwa; hindi mabuti ang gawa
daga sa dibdib – takot worry, fear (literal=mouse in the chest)
dagang-bahay – taksil sa kasambahay
dalawa ang bibig – mabunganga, madaldal nagger, talkative person (literal=two-mouthed)
dalawa ang mukha – kabilanin, balik-harap a deceptive, two-faced person
di mahulugang-karayom – maraming tao overcrowded place (literal=where one cannot throw a pin)
di makabasag-pinggan – mahinhin; “someone who can’t break a plate” to mean a prim-and-proper person, a very demure, gentle or shy person
gatas sa labi – bata ka pa, di ka pa pwedeng mag-asawa
halang ang bituka – salbahe, desperado, hindi nangingiming pumatay, a person with no moral compunction (literal=with a horizontal intestine)
haligi ng tahanan – ama father (literal = post of the house)
hampas-lupa – lagalag, busabos a bum person, without any goals in life
ilaw ng tahanan – ina mother (literal = light of the house)
isulat sa tubig – kalimutan to forget (something) forever (literal=write it on water)
itaga sa bato – tandaan to remember (something) forever (literal = cast in stone)
kabiyak ng dibdib – asawa spouse (literal=the other half of the heart)
kadaupang-palad – kaibigang matalik
kakaning itik – taong walang binatbat
kakaning-itik -api-apihan
kaututang dila – katsismisan a gossip (literal = farting tongue)
kidlat sa bilis – napakabilis, exceedingly fast
kumindat sa dilim – nabigo; nilubugan ng pag-asa
kumukulo ang dugo – naiinis, nasusuklam a person who hates somebody (literal=boiling blood)
kusang palo – sariling sipag, initiative
kutong-lupa – bulakbol; walang hanapbuhay
lakad-kuhol – mabagal utusan; patumpik-tumpik kapag inutusan
lawit ang pusod – balasubas
ligaw-tingin – torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan
ligong-uwak – hindi naghihilod o gumagamit ng bimpo kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa.
lumaki ang ulo – yumabang someone who became proud, arrogant (literal=one whose head grew big)
maaliwalas ang mukha – masayahin a joyful person (literal= bright-faced)
maanghang ang dila – bastos magsalita a vulgar person (literal = spicy-tongued person)
mababa ang loob – maawain merciful person (literal=low-hearted)
mababang-luha – iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak
mababaw ang luha – madaling umiyak emotional person (literal=tear-on-the-surface)
mabigat ang dugo – kinaiinisan
mabigat ang kamay – tamad magtrabaho, a lazy person (literal=heavy-handed person)
mabigat ang loob – di-makagiliwan a person with whom one could not get along with
mabilis ang kamay – mandurukot a snatcher, pickpocket (literal=fast-handed)
madilim ang mukha – taong simangot, problemado a problematic person (literal=dim-faced)
magaan ang bibig – palabati; magiliw makipagkapuwa
magaan ang dugo – madaling makapalagayan ng loob a person with whom one gets along easily (literal=light-blood)
magaan ang Kamay – a light-handed person, which means one who is easily provoked to hit another person
magaan ang kamay – madaling manuntok, manapok, manakit, one who easily hits another person, easily provoked (literal=light-handed person)
magaan ang kamay – magandang magbuwana mano, kung sa negosyo o sugal; mapagbuhat ng kamay, o madaling manampal o manakit
magdilang anghel – magkatotoo sana to wish that what has been said will come true
mahaba ang buntot – laging nasusunod ang gusto, kulang sa palo, salbahe a person who is a spoiled brat
mahaba ang paa – nananaon sa oras ng pagkain ang pagdating o pagdalaw
mahabang dulang – kasalan wedding
mahabang-dila – palasumbungin
mahabang-kuko- palaumit
mahangin – taong mayabang
mahangin ang ulo – mayabang arrogant person (literal=air-headed)
mahapdi ang bituka – nagugutom, a hungry person (literal=sore intestine)
mahigan ang kaluluwa – matinding galit
mahina ang loob – duwag a coward (literal=weak-willed)
mainit ang mata – malas sa panonood; nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan
mainit ang ulo – pangit ang disposisyon in a bad mood (literal=hot-headed)
maitim ang budhi – masamang tao, tuso an evil or bad person (literal=dark-souled)
maitim ang dugo – salbahe, tampalasan an evil or bad person (literal=dark-blooded)
makalaglag-matsing – nakaka-akit enchanting look
makapal ang bulsa – a person with a thick wallet, which means lots of money = wealth
makapal ang bulsa – maraming pera rich, wealthy (literal = with a thick pocket)
makapal ang mukha – di marunong mahiya a shameless person (literal= dense-faced)
makapal ang palad – masipag a busy-body, industrious person (literal=thick-palmed)
makati ang dila – madaldal, mapunahin talkative person (literal = one with itchy tongue)
makati ang paa – mahilig sa gala o lakad a person who is fond of going places (literal=itchy feet)
makitid ang isip – mahinang umunawa, walang masyadong nalalaman someone incapable of understanding (literal=narrow-minded)
makuskos-balungos – mareklamo, mahirap amuin, mahirap pasayahin hard to please, always complaining
malakas ang loob – matapang a brave person (literal=strong-willed)
malamig ang ulo – maganda ang sariling disposisyon in a good mood (literal=cool-headed)
malapad ang papel – maraming kakilala na makapagbibigay ng tulong a person who is very influential
malawak ang isip – madaling umunawa, maraming nalalaman someone who easily understands (literal=broad-minded)
malikot ang kamay – kumukuha ng hindi kanya one who has the habit of stealing things (literal=listless hand)
manipis ang balát- mapaghinanakit; madaling masaktan kapag sinabihan
manipis ang mukha – mahiyain a shy person (literal= thin-faced)
maputi ang tainga – kuripot miser, scrooge (literal=white-eared)
marumi ang noo – taong may kapintasan
maryakapra (marya-kapra) – babaing masagwa o baduy magbihis
masama ang loob – nagdaramdam a person with a grudge, painful or ill feelings against someone (literal=bad feelings)
mataas ang lipad – hambog
matalas ang dila – masakit mangusap one who talks offensively (literal = sharp-tongued person)
matalas ang mata – madaling makakita someone who could easily spot something (literal=sharp-eyed)
matalas ang tainga – madaling makarinig one who easily hears the news (literal=sharp-eared)
matalas ang ulo – matalino bright, intelligent (literal=sharp-headed)
matalas ang utak – matalino bright, intelligent person (literal=sharp-brained)
matamis ang dila – mahusay mangusap, bolero a fast talker (literal = sweet-tongued person)
matang-manok – malabo ang paningin kung gabi; di-makakita kung gabi
matigas ang buto – malakas, a strong person
matigas ang katawan – tamad a lazy person (literal=stiff-bodied)
matigas ang leeg – mapag-mataas, di namamansin snobbish person (literal=stiff-necked)
matigas ang ulo – ayaw makinig sa pangaral o utos one who is stubborn (literal=hard-headed)
may balahibo ang dila – sinungaling
may bálat sa batok – malas
may bituin sa palad – masuwerte sa lahat ng bagay, lalo sa negosyo; mapapalarin
may ipot sa ulo – taong pinagtaksilan ng asawa a person who has been cheated by his/her spouse (literal=one with shit on his/her head)
may krus ang dila – nakapanghihimatong one who could foretell an event
may kuko sa batok – masamang tao; di-mapagkakatiwalaan
may kurus ang dila – nagkakatotoo ang bawat sabihin
may magandang hinaharap – may magandang kinabukasan a person with a bright future
may nunal sa paa – layás; mahilig maglagalag
may sa-palos- hindi mahuli. mahirap salakabin. madulas sa lahat ng bagay.
may sinasabi – mayaman, may likas na talino a wealthy person or a talented person
may tala sa noo – babaeng ligawin o malimit suyuin ng mga lalaki
may-sungay – lalaking di-pinagtatapatan ng asawa; lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa
nagbabatak ng buto – nagtatrabaho ng higit sa kinakailangan one who works hard
nagbibilang ng poste – walang trabaho someone who is jobless, literally counting posts
nagbukas ng dibdib – nagtapat na nais pakasalan ang kasintahan a man who proposed marriage (literal=opened his heart)
nagmumurang kamatis – matandang nag-aayos binata o dalaga an old man/woman insecure about his/her looks and dresses up like a young person
nagmumurang kamatis – nagdadalaga
nagmumurang kamyas – bagong naniningalang-pugad; bagong nanliligaw.
nagpupusa – nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao telling on somebody
nagsusunog ng kilay – nag-aaral mabuti, noon yata kasi wala pang koryente at gasera o kandila ang gamit.
nakadikit ng laway – tanggalin; madaling tanggalin
nakahiga sa salapi/pera – mayaman rich, connotes someone who is spoiled by wealth
nakapinid ang tainga – nagbibingi-bingihan one who plays deaf (literal=closed-eared)
namamangka sa dalawang ilog – salawahan a person who is unfaithful
namamangka sa dalawang ilog – two-timing na taksil
namuti ang mata – nabigo sa paghihintay; hindi dumating ang hinihintay
namuti ang mata – nainip sa kahihintay, matagal nang naghihintay a person who was stood up (literal=one whose eyes turned white)
namuti ang talampakan – kumarimot dahil naduwag; tumakbo palayo dahil sa natakot o naduwag.
naniningalang-pugad – nanliligaw a man courting a woman
nasa dulo ng dila – hindi masabi-sabi; hindi matandaan, bagama’t alam na alam
naulingan ang kamay – nagnakaw; kumupit ng salapi
ningas-kugon – panandalian, di pang-matagalan something that is not permanent, usually connotes a behavior or action not meant to last
paang-pato – tamad; makupad; babagal-bagal kung lumakad
pag-iisang dibdib – kasalwedding (literal=to be of one heart)
pagkagat ng dilim – pag lubog ng araw twilight
pagpaging alimasag – walang laman
panis ang laway – taong di-palakibo a very quiet person
pantay ang mga paa – patay na one who just died (literal=level feet)
patay-gutom – matakaw glutton
pulot-gata – pagtatalik ng bagong kasal honeymoon
puting tainga – maramot
puting-tainga – maramot
putok sa buho – anak sa labas an illegitimate child; out-of-wedlock child
putok sa buho – walang tiyak na ama nang isilang
sa pitong kuba – paulit-ulit
salimpusa (saling-pusa) – hindi kabilang sa anumang panig;
saling-pusa – pansamantalang kasali sa laro o trabaho temporarily included in a game or work
samaing palad – malas na tao an unfortunate person, unlucky person
sampay-bakod – taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi a false, pretentious person
sampid-bakod – nakikisunod, nakikikain, o nakikitira someone who is privileged to lodge and board in house for free
sanga-sangang dila – sinungaling a liar
sangkahig, sangtuka – ginagasta ang siyang kinikita.
sira ang ulo/sira ang tuktok – taong maraming kalokohan ang nasa isip a crazy or foolish person
sukat ang bulsa – marunong gumamit ng pera someone who knows his ability to pay
suntok sa buwan – walang pag-asa pero tuloy ka pa rin
tabla ang mukha – walang kahihiyan
tagong-bayawak – madaling makita sa pangungubli
taingang kawali – nagbibingi-bingihan one who plays deaf (literal=wok-eared: uses metaphor of the handle of a wok)
taingang-kawali – nagbibingi-bingihan; kunwari’y hindi nakarinig.
takaw-tulog – mahilig matulog a lazy person who always wants to stay in bed
takipsilim – paglubog ng araw twilight
talusaling – manipis ang balat a very sensitive person
talusira – madaling magbago a person who easily changes
tatlo ang mata – maraming nakikita, mapaghanap ng mali a fault-finder, cynical person (literal=three-eyed person)
tawang-aso – nagmamayabang, nangmamaliit a person who sneers
tawang-aso – tawang nakatutuya
tulak ng bibig – salita lamang, di tunay sa loob insincere words (literal=pushed-by-the-mouth)
utak-biya – bobo, mahina ang ulo stupid, brainless (literal=fish-brained)
utang na loob – pasasalamat na hindi kayang bayaran ng ano pa man (as noun) debt of gratitude
walang butas ang buto – malakas
walang kusang palo – taong tamad
walang sikmura – hindi marunong mahiya

Nakalap mula sa:

http://www.tagalog-dictionary.com/source.html?a=idioms

http://www.filipinasoul.com/2008/07/say-what-sawikain-versus-salawikain/

http://alimbukad.com/2008/07/28/idyoma-talinghaga-at-tayutay-sa-komunikasyon-ng-mga-filipino/

About these ads

2 responses to “Mga Talinghaga (figures of speech, idioms, metaphors)

  1. ano po ba ang konotasyon ng takipsilim???????????

  2. he ehe heh he heeh he e hhe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s