Ang Lobo at ang Kambing


Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya’y niloko lamang ng lobo. “Ngayo’y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito,” ang sabi ng kambing.

“Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon.”

“Papaano?”

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. “Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito’y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa’y sinabing, “Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.”

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

About these ads

20 responses to “Ang Lobo at ang Kambing

  1. Pingback: Ano ag Pabula? « Pilipinas atbp.

  2. sasusunod i want sahuli na kasulat akung ano ang matututunan! ganda ng kwento;)

  3. ANO BA YAN WALANG NAKASULAT NA GINTONG ARAL!!!!!!!!!!!

  4. wow ang ganda ko namn

  5. ano po un aral

  6. Eto ang nakikita kong mga aral dito, pero pwede nyong dagdagan:

    1) Huwag basta maniwala sa sinasabi. Hindi masamang magtanong pero mas maganda kung hihingi ka ng opinyon ng iba. Mas maganda rin kung pag aaralan mong mabuti ang impormasyon o kaya sikaping maghanap ng iba pang impormasyon upang makakapag-isip ng tama.

    2) Parang katulad ito (ang sabi ang lobo sa kambing sa huli) ng kasabihang “Walang manloloko kung walang magpapaloko.” Ibig sabihin, hindi ka maiisahan ng iba kung mas marunong kang mag-isip sa kanila. Malaki ang pagkakaiba ng maingat sa mapintasin. Dapat maging maingat tayo sa pakikitungo sa mga tao pero hindi ibig sabihin na pag-iisipan natin sila ng masama o pagsuspetsahan. It’s better to be cautious and decisive rather than suspicious.

    3) Kung gusto mong umangat sa buhay o magtagumpay, huwag kang gagamit at mananakit ng ibang tao dahil hindi ka magiging tunay na masaya.

  7. anu po yung gintong aral

  8. mxz.pretty bad gurl!!!!!

    maganda khit maikli may aral qang mapu2lot!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  9. sana may continue pa yan :D

  10. oto oto ang kambing… hahahahaha

  11. picture ang hinahanap ko!!

  12. isa lng ang nkta at npulot qung aral

  13. hinahanap qoe sana mga larawan ng lobo at kambing. .na may kaugnayan xa kwento. .at may ksamang mga deskripsyon/pag.uusap ng lobo at kambing.salamat poh.:)

  14. ang pangit ng mga aral

  15. juliana nicole espinal

    ang ganda nag kwento nya pero wala namang ginintuang aral eh…

  16. kristel anne pongpong

    ang korny

  17. Pde q po ba irepost sa page q itong kwento nyo.salamt

  18. .kawawa nman ang kambing.. :(

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s